THEM'S POV
I was just staring at the child while she's peacefully sleeping. Sa ilang araw ko lang siyang nakasama ay naintindihan ko na kung gaano kahirap para kay prinsipe Xianna na isuko ang bata.
This child can be everything to you. She's so lovely.
"Lumalabas ang pagka-sweet girl natin ha!" Sa nagdaang araw din na 'yon ay hindi na ako tinantanan ng asar ni Ghaia. I don't know why a lot of people find her intimidating— yes, she look dangerous and all pero kung alam lang nila kung gaano siya nakakainis mang-asar.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" Inis kong saad na ikinatawa niya. "Kapag nagising 'yung bata ikaw ang papatulugin ko habang buhay." Saad ko na nagpatigil dito.
"Ano ba 'yan, ako na nga lang kasama mo ayaw mo pa akong makita!"
"Sinong gugustuhing makita ka kung puro ka na lang pang-aasar!" Gigil na saad ko rito na ikinatawa na naman niya.
"Hindi kasi, ayaw mo bang marinig ang balita? Sige, aalis na ako." Pang-aasar na naman nito.
"Subukan mong bumalik pa rito at ako mismo ang kakaladkad sa'yo pabalik sa pinanggalingan mo." Banta ko na hindi naman niya ikinatinag, natawa pa nga siya ulit e. She's so giggly at hindi ko alam kung bakit pinagpapasensiyahan ko pa ito hanggang ngayon.
"So, ito na nga..." Saad nito bago tumabi sa couch na inuupuan ko. "Bukas na 'yung kasal." She informed me.
"Alam ko." Saad ko naman. "Iyon lang ba?" Tanong kong muli rito.
"Hindi mo pipigilan?" Alam na alam ko kung anong ibig niyang sabihin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit naman sana?" Tanong ko rito kahit wala na akong pasensiyang kausap siya.
"E 'di ba gusto mo siya? You will just let her get married sa iba?"
"Ewan ko ba kung tanga ka lang talaga o wala kang alam." Saad kong muli rito.
"Hoy! Pinsan kita pero wala kang karapatang sabihan ako ng tanga ha! Minsan lang ako nagpakatanga at hindi ko na uulitin 'yon." Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Ano ba Ghaia, sobrang defensive mo naman. Mahal mo pa si Hiraya 'no?" Agad muli akong natawa nang makita kung paano siya matigil at magsimulang mamula.
"Wag mong nililihis sa iyo ang usapan!" Irap nito sa akin.
"Alam mo Ghaia, oo gusto ko siya...pero hindi aabot sa puntong pipilitin ko siyang gustuhin niya ako pabalik— and are you insane for asking me those questions? It's prince Asher who'll gonna be his groom." Saad ko naman na ikinairap niyang muli.
"Alam mo sa sarili mo na kayang-kaya mo siya Them Eloise...you are not a hailed queen for no reason." She said that made me smile bitterly.
"Pero alam kong gustong-gusto niya si prince Asher. The wedding might be a dream come true for her, so no." Saad ko rito.
"Ikaw bahala, all I can say is that...speak now or forever hold your peace." Ako naman ngayon ang napairap sa sinabi niya.
"Kontento na ako sa kung anong meron ako ngayon. Her trust is enough, wala akong balak na baliin 'yon and we're a good friend," saad ko kahit hindi naman kami magkaybigan. "I won't risk that just for my dumb feelings for her."
"Sus, may pa dumb dumb feelings ka pang nalalaman diyan e halos gisahin mo na nga lahat ng mga diwata rito sa mga salita mong ano na naman 'yon? all our feelings were valid! It shouldn't be invalidated at all, kahit sino pa 'yan, kahit sarili mo pa. 'di ba memorize ko pa." Napailing na lamang akong muli dahil sa narinig ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the feeble daughter of king
FantasiaXianna Azalea McKenney is known as the weakest daughter of the King of Enchancia Ville wherein it is a world full of magic. The King and Queen almost disown Xianna for being weak because she doesn't want to fight as her step-sister. They were often...