Chapter 07

140 3 0
                                    

07


"What time is your curfew?"

Mabilis akong napatingin kay Gideon. Kasalukuyan niyang binubuhay ang makina ng sasakyan niya habang ako naman, sinusuri ang bawat kilos niya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, nahihiya ako. Nako-conscious din.

Kasi siya... kahit yata ibabad mo siya sa araw, ang bango-bango pa rin niya. Hindi rin masyadong magpapawis. Ang mahal niyang tignan... nakakamangha. Buti na lang talaga at bago ako pumunta rito, nakapag-spray na rin ako ng perfume.

"Uhm... pwede naman akong ma-late ng uwi. Sasabihan ko na lang ang mga kaibigan ko,"

His brows raised in amusement. Marahil alam niya rin na pagdating sa'kin, istrikta ang mga kaibigan ko. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil sa kanila ako inihabilin ni Inay. "You sure?"

"Oo naman. Bakit? Gagabihin ba tayo?"

"I don't know... maybe?" one playful look from him is enough to make my chest loosens in a very strange way. Para kasing sa bawat tingin niya sa akin, may ibang kahulugan iyon sa kanya. "Is that okay?"

Mabilis naman akong tumango. "Okay lang, 'wag lang siguro 'yong masyadong late dahil may pasok pa ako bukas."

"Okay, then. That's noted."

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pa-BGC na kami pero hindi na ako nag-atubili pang itanong kung saan ba kami pupunta. I just enjoyed watching him drive the whole time.

Paminsan-minsan, tinatanong ko rin siya ng mga bagay-bagay na hindi ko pa alam sa kanya. At kapag may nasasabi naman siyang alam ko na, kunwari lang na nagugulat ako para hindi siya magkaroon ng ideya na niresearch ko na ang tungkol sa buhay niya.

Pero pakiramdam ko naman, hindi na bago iyon sa kanya. I mean, he's really famous. Paniguradong hindi lang ako iyong naging interesado sa klase ng buhay meron siya. Clearly, I'm just one of those girls who secretly simps for him... and who wants to know him in a deeper level.

Makulimlim na nang ipasok niya ang sasakyan sa basement ng isang magara at matayog na building. Nang nilingon ko siya para itanong kung ano'ng gagawin namin, casual niya lang sinalubong ang tingin ko.

"We'll eat dinner first before I drive you home," he informed me while maneuvering his car for a better parking position.

Wala kaya siyang condo? Para doon na lang sana kami. Mas tahimik doon... hindi ba?

"Hmm, okay..." tanging nasabi ko at mas pinili na lang na 'wag isatinig ang nasa isip.

Baka kasi isipin niya, demanding ako masyado.

Kagaya ng palagi niyang ginagawa, pinagbuksan niya ako ng pintuan matapos makapag-park. May kinuha rin siya sa backseat ng sasakyan at nang bumalik sa harapan ko, may dala-dala na siyang itim na blazer.

Nagkatinginan kami at kita kong mas lalong pumungay ang mga mata niya.

"Wear this..." he handed me the blazer.

"Bakit?"

Dahil ba suot ko pa rin hanggang ngayon 'yong uniform at ID ko?

"It's cold inside."

Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. We headed to the elevator and I saw him pushing the ground floor button. Pagkabukas non, napakagat labi ako nang sabay-sabay na nagsitinginan sa amin 'yong mga nasa reception, pati na rin ang iilan na naglalakad sa malapit.

Take My Innocence Away (Innocence Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon