Chapter 06

118 4 0
                                    

06


That night, Gideon Sullivan got my first innocent kiss. I really don't know how to do it, tho. Nakadampi lang iyong labi ko sa labi niya, hindi gumagalaw. Walang gumagalaw sa amin.

Ilang segundo rin ang tinagal non. Nakapatong iyong dalawang kamay ko sa magkabilaan niyang balikat habang iyong kanya, nakatungko naman sa hood ng sasakyan.

Ayaw ko pa sanang humiwalay pero kusa na siyang bumitiw sa mga labi ko. Umiwas siya ng tingin, pero ako, tinitigan ko talaga siya. I'm checking if he wants more... or if I was able to satisfy him with my kiss.

Nga lang, napanguso rin ako kalaunan nang maalala kung ano iyong sinabi ni Clai at Mags sa akin patungkol sa paghalik.

"Why did you pull away?" I asked, frustration unquestionably laced in my voice. "B-Boring ba?"

Kumunot iyong noo niya at agad na umiling. "No, definitely not that..."

"E bakit ka bumitaw?"

He took a deep breath and eyed me intently.

"You're under the influence of alcohol, Ishma. As much as I want to enjoy your kisses... I don't want to take advantage of you," dire-diretsong niyang tugon sa akin.

Sa huli, malungkot na lang akong tumango. Umatras din ako ng kaunti para medyo maidistansya na ang sarili sa kanya, pero muling kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

Ilang segundo pa ang lumipas, naramdaman ko na lang na sinu-suot na niya sakin ang itim na sweater na kanina lang ay nakapatong sa balikat niya. Nanuot agad sa ilong ko ang bango non, kagaya ng palagi kong naaamoy sa kanya. Hindi na rin naman na ako umimik at hinayaan siya sa gusto niyang gawin.

"You're silent..." he commented when he probably noticed I don't have plans of talking anymore. Saglit siyang napaisip don. "Did you regret that I became your first kiss?"

Umiling ako. I admit that I had much alcohol intake tonight but I know what I did. Only that... I had multiple guts that ran in my head which barely happens.

"Conscious lang," mahinang sambit ko.

"For what?"

"Alam kong hindi ako marunong humalik,"

Hindi nakatakas sa'kin ang panliliit ng mga mata niya habang sinusuri ako.

"Is that why you practice on the bottle?"

My face instantly heated up at what he said. So nakita niya nga?! Argh! Naman, e!

I hit his chest as light chuckles escaped from his mouth. "Ang sama mo!"

"You can practice on my lips tho," he offered shamelessly. "If you want."

"Ayaw mo ngang magpahalik ngayon, e!"

"I already told you my reasons," and in just a snap, he is now looking at me sternly. "Kapag hindi ka na nakainom, kahit ilang halik pa ang gusto mo, pagbibigyan kita."

And for some reason, my eyes twinkled in brazen approval. Sinalubong ko ang mga mata niya at kung kanina'y hinahampas ko ang dibdib niya, ngayon, nakapirmi na lang iyon doon. "T-Talaga?"

Kita ko ang pagkuyom ng panga niya pero binalewala ko iyon. Aaminin kong masyado akong na-excite d'on sa sinabi niya... thinking that I can kiss Gideon Sullivan whenever I want... in all forms... it's enough to drive my system wild.

Hindi ko maintindihan. Bakit parang sabik na sabik ako sa kanya? Dala lang ba talaga ito ng alak?

O may mas malalim pang dahilan?

Take My Innocence Away (Innocence Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon