Chapter 02

788 27 11
                                    

02


Hard pass?

Agad akong napalabi sa narinig na komento mula kay Gideon. I'm hundred percent sure that it was for me. Okay lang naman.

Mukha rin naman siyang pechay. Kaya... hindi ko rin naman siya type.

Yata.

Muli ko siyang pinasadahan ng tingin bago magdesisyon na hanapin na ang mga kaibigan ko. I honestly didn't like what I saw. He's now dancing with another girl while holding that glass of liquor.

Parang laruan lang ba talaga ang mga babae sa kanya? Ibang babae na naman kasi ang kaharap niya ngayon... tapos nakita ko pang lumipad iyong tingin niya sa akin, ngumisi, pagkuwa'y hinimas 'yong pwet nung babae.

Nakakainis...

Umirap tuloy ako at tuluyan nang tinalikuran ang view na 'yon. Gwapo siya, oo. At alam kong alam niya sa sarili niya iyon kaya ganito siya kung umasta.

Pero bakit kailangan niya pang ipakita sa akin 'yon?

"Hoy, Amery Ishmael! Saan ka galing?!" naka-krus ang mga kamay ni Clai sa ibabaw ng dibdib niya nang salubungin ako.

Sa postura niya, halatang kanina pa niya ako hinahanap.

Lumunok ako ng laway bago siya mahinahon na sinagot. "A-Ahh... diyan lang sa tabi-tabi,"

"May nanggago ba sa'yo?" I saw her scanned my face. Lumapit pa siya atsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ba't busangot ang mukha mo?"

"H-Huh?" napaiwas agad ako ng tingin, namumula. "Hala ayos lang ako!"

She looks at me suspiciously before nodding her head. I don't know if she buys my excuse but thank God she stopped firing me questions after that. Pinalupot niya na lang 'yong kamay niya sa braso ko at hinatak na papunta sa table naming magkakaibigan.

Naroon na pala silang lahat. Nakatayo si Saff sa sulok, kausap ang tingin ko'y iba pa niyang kakilala. Nakaupo naman si Mags at nagsho-shot mag-isa. Katabi niya si Juliet na ngayon ay nakahilig kay Azarel. She's whispering to his ears while Azarel is listening to her with all of his attention. Para silang may sariling mundo. Ang cute.

Kapag nakikita ko silang magkasama, napapaisip talaga ako na parang gusto ko rin magkaroon ng ganon.

Ano kayang pakiramdam?

"Gusto mo mag-shot, mods?" tanong sa akin ni Mags nang maupo ako sa tabi niya.

Mabilis akong tumango. Binigay niya sa akin ang isang shot ng tequila at diretso ko 'yong nilagok. Agad kong naramdaman ang pagsugat ng pait at tapang non sa lalamunan ko.

Wala namang pasok bukas. Sa Sunday ko na lang gagawin 'yong mga assignments ko.

"Dahan-dahan lang, gago!" bulyaw sa akin ni Clai nang mapansin na sunod-sunod 'yong pag-inom ko.

I bit my lower lip and immediately felt guilty for my behavior. Hindi ko kasi alam kung bakit nahanap na naman ng mga mata ko si Gideon. Pinapalibutan siya ng mga magagandang babae at halatang enjoy na enjoy siya ron.

Hinalikan niya pa isa-isa 'yong tatlong babae. It's as if he could own any woman he wants... bed any woman he wants without even exerting an effort.

"Mods..." kinalabit ko si Clai pero hindi ko inaalis ang pagkakapako ng mga mata ko sa direksyon na iyon.

"Oh, napano?"

Take My Innocence Away (Innocence Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon