Chapter 04

125 3 0
                                    

04


"Mags..." tawag ko nang mag-aya na silang umuwi.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na kay Gideon ako sasabay. Ayoko kasing magsinungaling. Pero ayoko rin na magbanggit ng pangalan para hindi na rin sila magtanong nang magtanong pa.

"Bakit? Gusto mong mag-restroom muna?" tanong niya kaya mabilis akong umiling.

"Uhm... hindi muna ako sasabay sa inyo pauwi,"

Tumungo ako nang makita 'yong tatlo na nakisali na rin sa usapan namin. Nakakahiya...

"Huh? Bakit?" si Saff iyon.

"Kanino ka sasabay?"

"Anong oras ka uuwi?"

Napakamot ako ng ulo. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sobrang dalang lang kasi na mangyari 'to kaya expect ko nang lahat sila ay magtataka. Pero naiintindihan ko naman 'yon dahil alam kong concerned lang sila sa akin.

Handa na akong sagutin isa-isa ang mga tanong nila nang pinigilan ako ni Clai.

"Gago, hayaan niyo na. Minsan lang 'yan magpaalam," aniya at inakbayan ako. "Let her explore her teenage life!"

Alam kong naghe-hesitate pa rin sila, lalo na si Mags, pero kalaunan ay pinakawalan na rin nila ako mula sa mga tanong nila. They just remind me some things before going home. Habang ako...

Ngumuso ako at nagtipa ng message para kay Gideon.

ameryishmael anong oras tayo uuwi?

Umupo muna ako sa isang high stool doon sa tapat ng bar counter habang naghihintay ng reply niya. Nawala kasi siya sa paningin ko kanina at hindi ko na mahagilap ngayon.

Pasado ala una na ng madaling araw pero ang dami pa ring tao. Kahit saan ko rin itapat ang mga mata ko, hindi nakakatakas sa akin iyong mga nagma-make out sa sulok... o iyong mga naghahalikan sa gitna. Normal lang naman iyon dito.

Pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid sa paligid hanggang sa masipat ko na ang kanina ko pa hinahanap. Bumigat nga lang ang paghinga ko dahil natanto kong hindi lang siya ang nandoon sa kinatatayuan niya. May kasama siyang babae. Maganda. Balingkinitan.

Ano 'yan?

Diba sabi niya hindi muna siya mambabae ngayong gabi?

"Subukan mo akong 'wag replyan, iiwan talaga kita dito..." bulong ko sa sarili ko dahil kita ko nang nag-check na siya ng phone niya at naka-seen na iyong message ko.

Imbes na magreply, luminga-linga siya sa paligid. At nang magtama ang paningin namin, kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Mabilis din siyang nagpaalam sa kasama niyang babae bago sinuyod ang daan papunta sa direksyon ko.

"Sino 'yon?" matabang na tanong ko sa kanya.

He heaved a composed sigh before answering me with his deep but low voice. "Just an acquaintance, Ishmael."

Nagsalubong ang mga kilay ko, naalala ang sinabi niya sa akin kanina.

"Did you suck her tongue, then?"

He eyed me for a minute. Natawa rin siya pagkatapos non... hindi ko alam kung dahil ba sa tanong ko, o dahil sa sarili niya.

"Nakita mo ba?" may banta ng paghahamon sa boses niya.

"Hindi!"

"Then, that's my answer," he licked his lower lip, red as blood now while pulling me into a magnetic eye contact. "I didn't kiss anyone tonight, Ishma."

Take My Innocence Away (Innocence Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon