08
"Ishmael, totoo ba ang balita?!"
Kapapasok ko pa lang ng room, sinalubong na agad ako ni Anne para sa mga tanong niyang patungkol sigurado kahapon.
I thought it won't be that much of a big deal since Gideon has already seen with different kinds of women. Pero noong ako na 'yong nakitang kasama niya kahapon, parang mas lalo lang sumama ang tingin sa akin ng mga kababaihan dito sa school.
Kanina kasing naglalakad ako sa hallway, pinag-uusapan na naman nila ako. At alam kong sinasadya na nilang iparinig sa akin 'yon.
"Anne... may idea ka ba kung sino ang nagkalat non?" pagod na tanong ko pabalik matapos mailagay ang backpack sa armchair ko.
"So... totoo nga?!" she asked me again, almost hysterical. "Sinundo ka ni Gideon dito kahapon?!"
Dahan-dahan akong tumango. Tumili siya at agad na hinaklit ang bakanteng upuan sa tabi ko para maupo doon at marinig ako nang mas maayos.
"Shuta ka! Parang noong isang araw lang nalaman ko na siya iyong crush mo tapos ngayon, malalaman kong nakasakay ka na sa sasakyan niya?!" pabiro niya akong hinampas sa balikat. "Baka naman next time, sa kanya ka na nakasakay ha! Sobrang gwapo pa naman non!"
"Malabo 'yon..." tanggi ko naman agad.
Hindi naman niya ako type.
Ni hindi na nga niya ako minessage pagkatapos ihatid. At sa diskusyon naming dalawa ni Clai kagabi, parang unti-unti ko na ring tinanggap na wala naman talaga kaming pag-asang dalawa ni Gideon.
Kaya hindi rin pwede na palagi akong nagdedemand sa kanya... o mag-expect ng kahit na ano.
Higit sa lahat, makaramdam ng selos.
"Para sa akin na average lang ang ganda, malabo talaga 'yon, Ishmael! Pero kung sa'yo..." sinuri niya ang bawat detalye ng mukha ko. "Tang ina talaga! Anong genes ba meron ka at wala akong makitang mali sa mukha mo?!"
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Anne dahil nagmasid na ako sa paligid. Kagaya ng inaasahan ko, nahagip ko na naman ang nanlilisik na mga mata ni Shin sa akin. Kasalukuyan niyang kasama ang mga kaibigan at sa postura nilang apat, halatang ako ang pinag-uusapan nila.
They are so obvious... and even when I already caught them staring fiercely at me, they never dared to back off. Isa-isa pang nagsitaasan ang mga kilay nila na para bang wala akong karapatan na tapunan sila ng tingin.
Sa huli, binalik ko na lang ang tingin ko kay Anne. Nakita ko rin na nasa banda na namin ngayon si Raine, halatang nakiki-usyoso na rin sa usapan namin.
"May something ba sa inyo ni Gideon, Ishma?!" anito, bahagya pa akong niyugyog sa balikat. "Deads na deads pa naman ako don! Pero no chance, e!"
Umiling ulit ako. "Wala nga..."
"Ba't narinig ko kay Shin kanina, nakita rin daw kayo last week sa isang sikat na bar tapos buhat-buhat ka ni Gideon?!"
Hala. Pati ba naman iyon nakarating sa kanila?
"Natisod ako, e. N-Nagmagandang loob lang siya na buhatin ako..."
"Sus! Kung kami kaya iyong natisod sa harapan niya, tingin mo bubuhatin niya rin kami?" humalagapak ng tawa si Anne.
"I highly doubt it, bakla!" segunda agad ni Raine at sinabayan pa ang tawa nito. "Wala tayong beauty privileges, e!"
BINABASA MO ANG
Take My Innocence Away (Innocence Series #2)
RomansInnocence Series #2: Ishmael Soares just wanted to secure her peace while being with her group of friends. Despite the chaos she experienced for being envied and hated because of her undeniable beauty, her heart remains pure. She's a goddess tinged...