Chapter 03

159 3 1
                                    

03


When I click the follow back button, I almost squeal for some unknown reasons. Iyong pakiramdam na para akong finollow ng sikat na hollywood actor na alam kong hindi naman din ako papatulan.

Ilang saglit pa akong napatulala sa kawalan. Kung hindi ko para narinig ang katok ng mga estudyanteng nagrereklamo sa labas ay hindi pa ako nabalik sa sarili ko. I hurriedly slid myself out of the restroom and bowed my head to those students as a sign of apology. Hilaw pa akong ngumiti kahit halatang imbyerna na ang mga itsura nila.

Nakakahiya... baka akala nila pinagtitripan ko sila dahil pagkatapos kong humingi ng pasensya, bumalik na ulit 'yong ngiting suot ko kanina sa loob ng cr.

"Tumae ka ba?" ayon agad ang tanong sa akin ni Anne matapos kong makabalik ng room at maupo sa tabi niya.

"Hindi, ah..."

"Ang liwanag ng mukha mo ulit!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil luminga-linga na ako sa paligid. Nagtama ang paningin namin ni Shin pero masama lang ang tingin niya sa akin. Sa ayos niya, wala na siyang balak lapitan o sugurin ako.

"Napagsabihan na 'yan ng grupo nila Toffee," mukhang napansin ni Anne ang pagtataka sa mukha ko kaya bago pa makapagtanong, agad na niya akong binigyan ng sagot.

"Ano raw sabi?"

Si Toffee... siya iyong ka-block ko na unang naglakas-loob na manligaw sa akin noong first day of class. Pero syempre, una pa lang ay tinanggihan ko na agad siya.

Ayokong magkaroon ng ganoon sa mga kaklase ko. Kapag nagkataon kasi, baka mahiya na akong sumagot sa mga recitations namin. Magiging conscious lang ako palagi sa sarili ko. Isa pa, gusto ko iyong mas matanda sa akin.

Gusto ko ng mature, iyong hindi paglalaruan 'yong feelings ko.

"'Pag daw nalaman niya na sinaktan ka na naman niya, makikita raw niya kung paano siya magalit!" tumili si Anne atsaka marahang hinaplos ang dulo ng kulay tsokolate kong buhok. "Bakla ka! Ang daming nagkaka-crush diyan kay Toffee! 'Di mo ba talaga bet?!"

Umiling ako. "Hindi, e. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Tang inang mukha kasi 'yan. Ilang beses ba dapat maligo sa isang araw?"

I looked at her and tried to gauge her mood. I know she feels something for Toffee. Hindi niya lang maamin iyon dahil awkward pakinggan... dahil alam ng buong block namin na hanggang ngayon, hinihintay pa rin ako ni Toffee. Kahit na ilang beses ko naman na siyang nireject.

Bumuntong hininga ako at hiniling na sana, makauwi na ako sa townhouse.

Mabilis lang din naman lumipas ang mga oras. Gaya ng habilin ni Saffron sa text niya kanina, sa carpark ko siya hinintay.

Pagkaupo sa isang bench, agad kong nilabas ang cellphone ko para mag-check muna ng social media accounts. Una kong tinap ang app ng Instagram. Dahil...ewan ko. May gusto akong makita. Tumambad nga agad sa'kin ang profile ni Gideon na merong latest story.

Nung una, nag-hesitate pa ako kung bubuksan ko na ba iyon o mamaya na. Pero ano nga bang kaibahan non? Kaya syempre, inopen ko na.

I pursed my lips when I noticed that he re-storied a post that was tagged on him. It was from a woman named Beatriz Calma, who is obviously a model, with a verified account. Nasa isang familiar na restaurant sila. Nakapalupot ang mga kamay ni Gideon sa baywang nong babae at iyong babae naman ay nakahalik sa pisngi niya.

Take My Innocence Away (Innocence Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon