HER POV
Tahimik lang kami sa loob ng kotse at walang imikan ang nagaganap.Matapos ng ganap kanina ay naabutan kami ng dean na magkayakap sa loob ng classroom na walang katao-tao maliban sa aming dalawa.
Pinapunta kami ng dean sa office niya at pinag sabihan kesyo daw bakit daw kami sa loob ng classroom naglalandian, bakit daw nasa labas lahat ang mga classmate ko, bakit daw nag-pa dismiss ang teacher namin which is husband ko ng walang dahilan.
Kaya iyon sinuspende niya ako ng 1 weak pero dahil mahal ako ng asawa ko ay inako niya ang suspende, noong una ay hindi pa pumayag ang dean pero hindi naman nagpatalo ang asawa ko kaya pumayag na rin ang dean, masyado kaseng bitter yung dean namin kaya ganoon na lang kong umasta, palibhasa kakahiwalay lang nila ng asawa niya.
Hindi kami nag iimikan sa loob ng kotse habang pinapaandar niya iyon, papauwi na kami sa bahay, hindi ko naman magawang mag salita dahil na gi-guilty ako, ako ang dahilan kung bakit siya masususpende ng 1 weak, dahil sa katangahan ko kaya siya mapaparusahan, kung hindi ko lang ginawa yung dare ng mga loko-loko kong kaibigan eh di sana sabay pa kaming papasok ng eskwelahan ng asawa ko, alam naman nilang asawa ko ang teacher namin sa math, kalat iyon sa buong school namin, gusto lang talaga nila akong pag tripan kaya naisipan nila iyon at alam din nila ang bagay na makakapag papayag sakin which is wattpad books.
Sobra talaga akong na gi-guilty, nakatanaw lang ako sa bintana, maging saya ay hindi rin umiimik, siguro dahil galit siya.
Naging mag fiance kaming dalawa noong second year college ako at kinasal kami nang maging third year college ako, at ngayong fourt year college ako nag apply sya bilang isang teacher sa aming school, natanggap naman agad siya dahil bukod sa matalino siya ay gwapo rin, dalawang taon ang tanda niya sakin at nauna siyang makapag tapos.
Actually engineering naman talaga ang course niya at isa na nga siyang ganap na engineer, nag apply lang siya bilang isang teacher para mabantayan niya daw ako, noong nakaraan kase, madaming lumalapit saking lalaki at madami ring gustong manligaw, araw-araw niya akong sinusundo at araw-araw din siyang nakakunot ang noo kapag sinusundo ako, eh pano ba naman ang daming lumalapit saking mga classmate ko tapos lalaki pa kaya ayon nadala siya, kulang na nga lang suntukin na niya yung mga classmate kong lalaki pero kinikiss ko naman agad siya kaya humihinahon din siya.
Iyon ang dahilan kung bakit siya nag teacher sa school ko, kaya na gi-guilty talaga ako dahil sa kalokohan ko, alam kong napakahirap para sa kaniya pag sabayin ang pagiging teacher at engineer pero dahil sa akin ay kinakaya niya iyon at dahil din sa akin kung bakit siya nasuspende at nagagalit ngayon.
Inihinto na niya ang kotse nang makarating na kami sa bahay, wala namang pasabing lumabas siya at dumiretso sa loob ng bahay, lumabas din ako at sinundan siya sa loob ng bahay, umakyat siya ng hagdan at nasa likod niya lamang ako, sinusundan siya, hanggang sa makapasok siya sa kwarto namin ay nakasunod parin ako sa kanya, tinanggal niya ang suot niyang teacher uniform hanggang sa boxer short at sando na lamang ang natira sa kaniya.
Hinubad ko din ang uniform ko hanggang sa bra at cycling na lang ang natira sakin, susundan ko pa sana siya sa loob ng cr nang itutok niya ang hintuturo niya sa noo ko para pigilan ako.
"Don't come, stay here stupid women." pagpipigil nito nito sa akin.
Napanguso naman ako.
"Baby let's talk." nang aakit kong sabi dito pero pinitik niya lamang ako sa noo ko dahilan para mapanguso na naman ako.
"Not now my stupid wife, magtapos ka muna."
Sinaraduhan niya ako ng pinto, at heto naman ako naiwang nakanganga.
Ako na nga itong lumalapit tapos tatanggihan niya.
Biyaya na ang lumalapit and what? Ni-reject niya ako?
What a stupid husband, walang kwenta wahhhh!!!
BINABASA MO ANG
I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)
RomanceElla Cortes is a student and her husband is a teacher named, Ash Azuella.