HER POV
Malalaki ang ginawa kong hakbang at mabilis din akong tumakbo para maabutan ko ang asawa kong naglalakad palayo sa akin, lumiko siya kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo ko dahil baka mawala siya sa paningin ko.Nang makaliko ako ay hindi ko na nga siya naabutan, tanging locker room lang ang bumugad sa akin at walang katao-tao, naglakad ako ng mabagal habang inililibot ang aking tingin, walang katao-tao kahit isa at wala din siya, kinagat ko ang pang ibabang labi ko at luminga-linga pa ko sa paligid, pinisil ko na rin ang kamay ko dahil nanginginig ang mga iyon sa hindi ko malamang dahilan.
"ASH!" Sigaw ko sa pangalan nito.
Wala na akong paki-alam kung may makarinig mang saking iba at saka wala na rin namang estudyante ang nasa labas bagkos ay nasa kanya-kanya na silang classroom dahil tapos na naman ang lunch break.
Wala pa ring lumabas or should I say hindi pa rin siya lumalabas, hindi ko naman magawang umalis na lamang dito sa locker room dahil nararamdaman ko talaga ang presensya niya dito sa locker room at tila pinag mamasdan niya ako, hindi ko lang alam kung saan siya naroroon, nararamdaman ko talagang nandito siya.
"MISTER KO!" pikit mata kong sigaw.
Naramdaman ko ang kamay na yumakap sa akin patalikod, kahit hindi ko ito lingunin ay alam kong siya ito, ang presensya niya, ang pabango niya at higit sa lahat ang pagtibok ng puso ko ay sapat na para malaman kong siya nga iyon.
Nakagat ko ulit ang labi ko at pinipigilang ngumiti subalit hindi ko pa rin maiwasang ngumiti, at heto ako ngayon, nakangiti, malawak ang aking ngiti.
"Stay away from him." naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa leeg ko.
Tumango ako bilang sagot, naramdaman ko naman ang malambot niyang labi na lumapat sa leeg ko at binigyan niya iyon ng isang kiss dahilan para mapasinghap ako sa ginawa niya, madalas niya iyong gawin sakin kapag nag seselos siya.
"Fuck! I'm jealous! I swear I'll kill him." sambit niya.
Humarap ako sa kaniya at kita sa mukha nito ang inis. Hinawakan ko ang pisngi niya at tumingkayad, inilapit ko ang labi ko sa labi niya at inalis din agad.
"Don't be jealous mister ko nag iisa ka lang naman dito at saka nakikipag kaibigan lang naman siya sakin." inilagay ko ang kamay nya sa dibdib ko at pinaramdam ko sa kaniya ang pag tibok ng puso ko.
Matapos nun ay inilagay niya naman sa bewang ko ang dalawa niyang kamay saka ako hinigit palapit sa kanya dahilan para mag dikit ang katawan namin sa isa't-isa, napahawak naman ako sa matitipuno niyang dibdib.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin, bumaba ang tingin niya sa labi ko kasabay ng paglapat ng mga labi namin sa isa't-isa, nanatiling ganun ang posisyon namin, hindi kami nag-fe-french kiss bagkos ay hanggang lapat lang talaga ng mga labi namin ang aming ginagawa.
Inalis na niya ang labi niya sa labi ko at dumapo naman ang kiss niya sa ilong ko up to my forehead hanggang sa...
"MR AND MRS. AZUELLA GO TO MY OFFICE NOW." huhu! ang bitter naming dean.
Tumingin ako sa kaniya at ang sama ng tingin nito sa amin.
"WALA TALAGANG PINIPILING LUGAR ANG LANDIAN NYU, YOU. MR AZUELLA BACK TO SUSPEND AGAIN AT SA PAGKAKATAONG ITO ONE MONTH NA." Sigaw pa nito dahilan para mapayuko ako, madadagdagan ang suspende niya ng dahil na naman sa akin.
"Don't mind her, misis ko!" bulong niya sakin at hinawakan na naman niya ang bewang ko.
"NOW. YOU TW-" hindi na natapos ang dean namin nang putulin ko iyon.
"OO NA PO, WAG NA PO KAYONG SUMIGAW." Pag puputol ko narinig ko naman ang mahinang tawa ng nasa tabi ko.
"ABA'T SINASAGOT MO NA AKONG BATA KA AH SKJSLKSLKSKSKK" Hindi ko na naintindihan ang iba niya pang sinabi dahil tinakpan ng asawa ko ang dalawa kong tainga.
"Let's go misis ko!" bulong niya sakin, muli ay inilagay niya ulit ang dalawa niyang kamay sa tainga ko at naglakad na kami, nadaanan pa namin ang dean na nag tatalak pa rin at tinuturo-turo pa kaming dalawa.
Naglalakad kaming dalawa, kapagwa'y tinanggal na rin nya ang kamay niya sa dalawa kong tainga nang malayo na kami sa dean, ang akala ko ay sa dean office kami pupunta ay hindi pala, bagkos ay hinatid niya ako sa classroom ko.
"Paano ang dean? Baka hanapin niya tayo? Baka madagdagan na naman ang suspende mo?" tanong ko. Binigyan niya naman ako ng kiss sa noo at ngumiti ito sakin.
"Ako ng bahala, kailangan mong pumasok, at saka hindi na ako ma-sususpende." sagot nito na nag pakunot ng noo ko.
"At bakit?" tanong ko.
"Ako pa." tanging sagot nito at ngumiti na naman siya sakin, ang killer smile niya.
"Go ahead pumasok ka na ng room mo, they're waiting you." dagdag pa nito.
Tumango naman ako at hinabulan ko pa siya ng isang smack kiss.
Pumasok na ako ng classroom ko and as usual mga mapanuksong tingin ang bumungad sakin.
"AYIEEEEEEEE!"
"EHERM EHERM HINDI BA KAYO NILALANGGAM JAN? ANG SWEET KASE DINAIG PA ANG ASUKAL."
"MAG HIHIWALAY DIN KAYO."
"AKO PO'Y NANINIWALA SA KASABIHANG WALANG FOREVER.""Kapag inggit, pikit." nag flip hair ako at naupo.
Tss. Inggit lang sila.
BINABASA MO ANG
I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)
RomanceElla Cortes is a student and her husband is a teacher named, Ash Azuella.