PART 3

13 2 0
                                    

HER POV


Hinihingal akong umupo sa upuan ko at kinuha ang dala kong panyo saka pinunas ko iyon sa buo kong mukha na napapalibutan ng pawis.

"Oh? bakit hingal na hingal ka?" tanong ng katabi ko, nilingon ko siya at nakangisi sila, silang tatlong sira-ulo kong kaibigan.

"Siguro nag away kayo ng asawa mo noh? kaya naglakad ka." pang aasar sakin ni nathalie ang katabi ni nadine na katabi ko, pareho ko silang kaibigan, sinugundahan naman iyon ni sunnie katabi ni nathalie, kaibigan ko din, Hindi ko lang sila pinansin bagkos ay tumingin na lang ako sa unahan.

Matapos ang pag reject sa akin ng asawa ko ay mas lalo ko siyang hindi pinansin, natulog kaagad ako kagabi at gumising ako ng alas tres ng madaling araw, nakayakap pa siya sakin nang magising ako, at dahil galit ako sa kaniya sa ginawa niyang pag rereject sa akin ay inalis ko ang pagkakayakap niya at naligo agad ako, nag suot agad ako ng school uniform saka ko sinimulang lakarin ang daan patungo sa school ko, nakagawian ko na iyon kapag mag kagalit kami ay nag lalakad na lang ako patungo sa school, malayo sa bahay namin ang school ko, kapag naka kotse ay mga kalahating oras lamang ang byahe pero kapag nilakad ko ay isang oras ang iginugugol ko, hindi ako sumasakay dahil natatakot ako, baka kidnapin pa ako, mahirap na, uso pa naman ngayon ang kidnapping.

Pagod na pagod talaga ako ngayon plus nagugutom pa ako, hindi ako nag almusal dahil sa pagmamadali kong makaalis ng bahay plus wala pa akong dalang pera para bumili ng pagkain dahil nakalimutan ko, nanginginig ang mga tuhod ko ngayon at tila babagsak na ito, mabuti na lang at nakaupo ako ngayon at nakakatulong iyon para ma relax ang tuhod ko.

Nag simula ang klase at lutang lang ako sa apat na subject, iba ang naging math teacher namin dahil suspende nga ang asawa ko, naka ub-ob lang ako sa desk habang nag tuturo ang math teacher namin, hindi niya naman ako sinusuway dahil nahahalata niya yata ang pagod sa mukha ko.

Alas dose na at uwian na namin, hindi ako kumilos bagkos ay naka ub-ob lamang ako sa desk ko, wala akong balak na umuwi dahil ayaw ko pang makita ang asawa ko, naiinis pa rin ako sa kaniya, hindi ako makapaniwalang ni reject niya ako.

Bago lumabas ang tatlo kong kaibigan ay nag paalam muna ang mga ito sa akin na sinuklian ko lang ng tango pero maya maya'y bumalik din sila, as in silang tatlo.

"Hoy bess, yung asawa mo nasa gate mukhang hinihintay ka." nathalie.

"Mukhang galit na." nadine.

"Sabihin nyo kanina pa ako umalis." sagot ko.

"Sabihin daw natin na nadito siya sa loob gets guys?" sinamaan ko ng tingin si sunnie pero ang tatlong gaga ay nag apir pa sa isa't isa at walang paalam na umalis.

Inis akong tumayo at kahit nanghihina pa ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumakbo, pumunta ako sa cr ng boys at nag tago doon, nag si uwian na naman ang lahat kaya wala ng makakakita sa akin.

Kalahating minuto akong nag stay doon at lumabas na din, pumasok ulit ako sa room namin at laking pasasalamat ko dahil masosolo ko ang buong room namin, walang katao-tao kahit isa.

Umub-ob muna ako at natulog, nagising lang ako nang may sumampal sa pisngi ko, tiningnan ko ang taong gumawa non at sinamaan ng tingin.

"Kanina ka pa namin ginigising hindi ka magising, yan sinampal na kita." ngiwing sambit ni nathalie, ngayon ko lang napansin na may guro na palang nag tuturo.

Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam iyon, shit! hindi nga pala ako nakakain kagabi, tapos kaninang umaga at ngayong tanghali, gutom na gutom na ako.

I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon