PART 5

11 1 0
                                    

HER POV


"Oh! ayan.. wattpad books mo." abot sakin ni nathalie ng limang books ng wattpad nang makapasok na ako sa loob ng classroom namin.


Nanlalaki ang mata at nakangiti ko naman iyong kinuha at niyakap ng pagkahigpit.


"Wow! thank you my dear friends!" pagpapasalamat ko sa kanila at kiniss ko pa sila sa mga pisngi nila isa-isa, sabay-sabay naman silang sumimangot, umupo na ako sa upuan ko at chineck kung tama bang books ang binili nila, mas lalo pang lumawak ang ngiti ko ng tama nga iyon lahat.


"Ang laki ng ginastos namin jan tss." rinig kong pagrereklamo ni nadine.


"Engineer at teacher ang asawa mo, bakitt hindi ka sa kaniya nagpabili? wala tuloy kaming baon ngayon." pagrereklamo rin ni sunnie, tiningnan ko sila isa-isa at tinaasan ng kilay.


"Hoy! mga bruha para sabihin ko sa inyo nagawa ko ang dare nyu at kailangan nyu akong bigyan ng premyo at nararapat lamang itong books," pagtataas ko ng kilay sa kanila.


"At saka kasalanan ko bang wala kayong baon ngayon, mabuti nga at lima lamang ang pinabili ko sa inyo balak ko pa naman sanang isampo." dagdag ko pa pero sa wattpad books na ang aking tingin.


"Tss."
"Tsk."


Hindi ko na lang sila pinansin bagkos ay inilagay ko na sa bag ko yung limang wattpad books dahil dumating na ang first subject teacher namin, saka hindi naman ako naniniwalang wala silang baon, sila pa, food is life kaya yang mga iyan.


Tumitig na lamang ako sa teacher namin dahil kahit makinig naman ako ay wala pa rin akong maiintindihan, ni wala nga akong favorite subject, at isa pa matalino naman ang husband ko kaya no need ko ng mag seryoso sa pag aaral dahil nasa akin siya haha.


Natapos ang dalawang subject ng wala akong naintindihan, recess time na ngayon at gaya nga ng sinabi ko kanina, may kanya-kanyang nilabas na lunch box ang tatlo kong kaibigan at nilantakan nila ang lamang pagkain na nandoon, see? I told you, food is life talaga ang mga iyan.


Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng room, may dala din naman akong lunch box pero may gusto akong kainin sa canteen.


Nag lalakad ako sa hallway patungong canteen, matindi ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko at nagdudulot iyon ng sakit sa balat ko, well eh sa maputi ako eh.

Binilisan ko ang lakad ko pero dahil dakilang maliit ang bias ko ay hindi pa rin iyon sapat para mapabilis ang lakad ko.


"Masama sa babaeng magaganda ang maglakad sa initan." bahagya pa akong nagulat nang may tumabi sa aking lalaki, nakapayong ito at pinayungan din niya ako.


"You are Mrs, Azuella right? Wife of Mr, Azuella?" tanong nito, base sa kanyang suot na uniform 4th year college din ito katulad ko, matangkad parang kasing tangkad niya ang asawa ko, makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi, may dimple, basta gwapo rin sya katulad ng asawa ko pero mas lamang ng limang paligo ang asawa ko sa kaniya.


"Yes.. but they call me Ms, Cortes." sagot ko at iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya.


"Btw san ka nga pala pupunta?" tanong nito.



Mabagal na ang ginawa kong paglakad at sinasabayan niya naman iyon.


"Sa canteen." sagot ko.


"I am too, papunta din ako sa canteen until I see you kaya lumapit ako sayo." sambit nya. Ngumiti lang ako sa kaniya at iniwas ko na agad ang tingin ko.


Nakarating kaming dalawa sa canteen at madaming estudyante ang bumungad samin, halos mapuno na ang canteen sa dami ng estudyanteng nasa loob, eh panong hindi dadami yan kung masasarap naman ang mga tinda nila dito.


Umorder agad kami at umupo sa bandang gilid which is sa may bintana, nilantakan ko na agad ang isa sa paborito kong foods dito sa canteen at hindi inalintana ang nasa harap.


"You're so cute when you eating, no wonder kaya ka niya pinili." sambit nito dahilan para mapahinto ako sa pagkain at tingnan siya, kumakain din siya.


"Ha?" tanong ko dito dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya basta ang naintindihan ko lang ay cute daw ako.


"Nothing." ikiling sagot niya. Bumalik na ako sa pagkain habang iniisip pa rin ang sinabi niya kanina. Pinili? Sinong pinili? Sinong pumili? Hyst ang gulo!


Natapos kaming kumain ng hindi na nag-imikan pa, minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero isinasawalang bahala ko lamang iyon.


Sabay na naman kaming lumabas ng canteen at sabay din kaming naglakad sa hallway katulad kanina ay shinare niya ulit ako sa payong niya. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay muli na naman siyang nag salita.


"Btw I'm Drew." inabot niya sakin ang kamay niya na tinaggap ko naman at nakipag shake hands sa kaniya.


"Nice to meet you Mrs, Azuella." bulong nito sakin na ikanagulat ko, eh pano ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumama sa tainga ko, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis at binigay niya sakin ang payong na hawak niya na kinuha ko naman habang may gulat pa rin saking mga mata.


"I hope I'll see you again." anya at tumakbo na siya, anyari? Bakit parang may mali?


Iniling ko ang ulo ko saka nagsimula na ulit lumakad, pero agad din akong napahinto nang may mamukaan ako sa di kalayuan.


*Gulp


Ang asawa ko.


Nasa labas siya ng office niya.


At matamang nakatingin sakin.


Kahit malayo ang agwat namin sa isa't-isa ay ramdam ko pa rin ang lamig ng titig niya sakin.


Isa pa


*Gulp


Tumalikod siya sakin at nakapamulsa siyang lumakad mas papalayo sa akin.


Isa na lang


*Gulp


Nakita kaya niya?


Nakita kaya niyang kasama ko si drew?


Kaya pala tumakbo si drew?


Dahil posibleng nakita niya ang asawa ko.


Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba suspende sya?


Nag ring na ang bell senyales na tapos na ang recess, tumakbo ako pero hindi papunta sa classroom ko bagkos ay sinundan ko ang asawa ko na ngayon ay sobrang layo na sakin.


Wahhhhh! kailangan kong mag explain sa kaniya baka sabihin niya nakikipag kilala na ako sa ibang lalaki which is totoo naman wahhhh!!

I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon