HER POV
Nagising ako nang makaramdam ng gutom, tumingin ako sa tabi ko at wala doon ang asawa ko.Matapos ng nangyari kanina ay umuwi na kami dito sa bahay, ginamot niya muna ang sugat sa lips ko at sa bawat dampi ng ice tubes sa lips ko ay siyang pagmumura nito, nakadaming mura ang asawa ko bago niya natapos ang paggamot sa lips ko, funny right? Pinatulog niya rin ako matapos niya akong gamutin, sinabihan ko siyang huwag umalis sa tabi ko pero heto ngayon siya wala sa tabi ko, Saan kaya siya pumunta?
Bumaba na ako sa kama at dumiretso sa salamin, sinuklay ko ang magulo kong buhok at pinakatitigan ang sarili sa salamin.
Namamagang mga mata dahil sa pag iyak ko kanina, medyo namumutla rin ang mukha ko at higit sa lahat ang agaw pansin kong labi na may sugat sa gilid nun, hindi na siya dumudugo pero mahahalata mo pa rin ang sugat na nandoon.
Umalis na ako sa tapat ng salamin at dumiretso palabas ng kwarto, bumaba ako ng hagdan at hinanap agad ng mga mata ko ang asawa ko pero hindi ko siya nakita, dumiretso ako sa kusina at bahagya pa akong nagulat nang makita sina luie at lucas na nakaupo habang nag kakape ang dalawa.
"Good morning, Mrs, Azuella." nakangiting bati sakin ni lucas nang makita niya akong pumasok, tumingin naman sa gawi ko si luie at ngumiti rin ito.
"Morning, nasan si Ash?" tanong ko sa kanila, kumuha ako ng tasa at kumuha ako ng milk.
"Umalis siya, may papatayin este pag tutuunan daw ng pansin." sagot ni luie.
Humarap ako sa kanila at umupo sa upuan na nasa harapan lamang nila.
"Anong oras siya umalis?" tanong ko ulit matapos kong inumin ang tinimpla kong gatas.
"Mga alas dos ng madaling araw, pinahabilin ka muna niya sa amin." sagot ni luie tumango-tango na lamang ako at malungkot na tumingin sa gatas na nasa ibabaw ng lamesa.
"Siya nga pala Ms. ella may pina-order si Ash ng foods, breakfast mo daw." ani luie.
Tinanguan ko lang siya at muli na namang tumingin sa gatas na tinimpla ko, nakita ko naman ang mga pagkain na mukhang inorder nga dahil nakabalot pa ang mga ito na nakapatong sa lamesa pero ayaw ko iyong galawin dahil nawalan na ako ng gana, kung kanina nagugutom ako, ngayon ay parang umatras na yata ang bituka ko, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makasabay kumain.
"Salamat nga pala sa pagtulong nyu kay ash para iligtas ako super thank you talaga." pagpapasalamat ko ng maalalang hindi pa nga pala ako nakakapag pasalamat sa kanila, ngumiti naman silang dalawa sa akin.
"Wala yun Ms. ella para san pa ang pag kakaibigan namin kung hindi naman kami mag tutulungan diba? Ika nga nila friends with benefits." natatawang turan ni luie
"Hyst. Grabe talaga yang si ash, talagang patay na patay sayo, biruin mo nakaya niyang makawala sa limang lalaki na nakahawak sa kaniya just to save you from zyner, he's so unbelievable he really loves you ha," dagdag pa nito na nag pakunot ng noo ko. I though tinulungan siya ng mga kaibigan niya kaya siya nakawala sa limang lalaking nakahawak sa kaniya pero hindi pala.
"Nahuli pa nga kami ng dating kagabi, ang naabutan namin ay ang ginawang paghalik sayo ni zyner ang akala ko nga kailangan pa kami ni ash para makawala siya sa limang nakahawak sa kaniya pero hindi pala, he's so strong at nagpupuno na siya ng galit kaya siya nakawala ng mag isa sa limang gagong iyon, zyner is so stupid man, binalaan na siya ni ash noong una palang but now, ginawa nga niya ang binabalak niya, well he need to pay of what he did to you, hindi ko lang alam kung mabubuhay pa siya o hindi na." pagtutuloy
nito.
BINABASA MO ANG
I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)
RomanceElla Cortes is a student and her husband is a teacher named, Ash Azuella.