PART 8

9 1 0
                                    

HER POV


Naalimpungatan ako kaya bumangon ako, tumingin ako sa tabi ko at wala akong nakitang katabi, napasimangot naman ako dahil sa pagkadismaya, nakasanayan ko kase laging kapag gumigising ako ay may nakayakap sakin which is ang asawa ko pero ngayon ay wala, matapos ng ganap kanina nung pinapatulog niya ako ay nakatulog nga ako at hindi ko na siya nakitang lumabas ng cr.

Tumingin ako sa wall clock at 4:34 na pala, so hindi niya ako ginising para pumasok? Hinayaan niya lang akong matulog?

Umalis na ako sa kama at pumunta sa tapat ng salamin, sinuklay ko ang buhok ko na ngayon ay nakabuhaghag, nang matapos ay nag smile muna ako sa salamin bago umalis doon.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan, hinanap agad ng mga mata ko ang taong gusto kong makita pero wala akong nakita, siguro nasa school siya, nawala na kase ang pagkaka suspende sa kaniya kaya siguro nagtuturo na siya.

Dumiretso na lang ako sa kusina at binuksan ang ref, kumuha lang ako ng mga ingredients na pwedeng lutuin, may alam naman ako sa pag luluto pero yung iba lang samantalang halos lahat yata ng klaseng luto ay alam ng asawa ko. In short, perfect package talaga ang asawa ko.

Hiniwa ko na ang mga ingredients at nag simula ng magluto, sa gitna ng aking ginagawa ay biglang may nag door bell, tinakpan ko muna ang niluluto ko at halos takbuhin ko na ang daan patungo sa pinto dahil sa excited na makita sya, baka nakauwi na siya.

Nakangiti kong binuksan ang pinto pero napalitan agad iyon ng gulat nang mapagsino ko ang taong nag door bell.

Ngumiti siya sakin.

"Do I'm not welcome to your house? Mrs, Azuella."

Kinilabutan ako ng banggitin nito ang apelyedo ng asawa ko, nanginginig akong tumabi.

"C-come in."

Pati ang pag sasalita ko ay nanginginig din at nauutal pa, ngumiti naman siya ng pagkalawak-lawak at pumasok siya sa loob ng bahay, inilibot niya ang kaniyang paningin at tila minememorya niya ang bawat sulok at detalye ng bahay namin.

"Thanks for welcoming me, Mrs, Azuella." sambit nito.

"W-walang anuman."

hindi ko mapigilang hindi mautal dahil na rin sa takot sa kaniya.

He is Zyner De Damour ang ka-kompetensya ng asawa ko sa engineering at anak din siya ng isang kilalang billionaire.

Ang balita ko ay mag ka-kompetensya ang dalawa, kapag may mga projects lagi silang dalawa ang napipili pero iisa lang dapat ang matatanggap, at kalimitan ang asawa ko ang natatanggap, kaya natatakot ako sa kaniya dahil baka may ibang pakay siya kung bakit siya nandito gayong alam kong malaki ang galit nito sa asawa ko.

"A-anong kailangan mo?" tanong ko nang nauutal pa rin, humarap siya sakin ng nakangisi na lalo kong kinatakot.

"Are you scared? Mrs, Azuella," lumapit siya sakin kaya napa atras ako "don't worry," muli ay lumapit na naman siya kaya napa-atras ulit ako. "I won't hurt you but I need to do this." lumapit ulit siya bago pa ako makaatras ay may itinurok na agad siya sa leeg ko dahilan para mapadaing ako sa sakit na na dulot nun.

Nanghina ang mga tuhod ko at bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko pero bago pa ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang pag ngisi nito, ramdam ko ang pag sakit ng ulo ko ng tumama iyon sa malamig na tiles nang matumba ako dahilan para tuluyan na nga akong mawalan ng malay.

***

Nagising ako nang makarinig ako ng halakhakan, agad akong nag mulat, iniangat ko rin ang tingin ko at bahagya pa akong nagulat sa aking nakita.

I RESPECTLY NOMINATE MYSELF AS YOUR WIFE, SIR (Dare) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon