chapter 4 - first day

220 11 1
                                    


Yssa's pov;

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking Mukha. Pagtingin ko sa orasan ay 5;45 am kaya masiyado pang maaga.

Napagdesisyonan kong lumabas
nalang para maglibot dahil maaga pa at mamayang 7;40 start ng klase, hindi ako pwedeng malate dahil first day of school ngayon.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway ng girls dormitory at wala pa akong ni isang taong nakitang lumabas sa dorm nila, siguro ay tulog pa sila sa mga oras na ito.

Di ko namalayang napadpad na pala ako sa isang magandang harden. Maraming puno at bulaklak na nakapalibot dito, mayroon ding maraming mga paru-parong lumilipad na may ibat-ibang kulay.

Umakyat Ako sa sanga Ng Isang malaking puno dito sa harden na malapit sa lawa at tumitingin-tingin sa paligid.

Di ko mapigilang hindi humanga sa nakikita ko ngayon. Sa buong Buhay ko ngayon lang ako nakakita Ng garden na ganito ka ganda, idagdag mo pa ang lawa na may sobrang linaw na tubig at parang may glitters na pumapalibot doon.

Habang manghang-mangha akong nakatingin sa paligid ay may nakita akong dalawang lalaking nag-uusap sa may bandang mapunong lugar dito sa academy. Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil pareho silang makasuot ng hood.

Di nagtagal ay umalis ang Isang lalaki at pumunta sa gubat ang isa naman ay bumalik sa boys dormitory.

Hmmm a traitor huh? Magaling kang magtagalog ngunit malalaman ko din kung sino ka.

Hindi ko na pansin ang oras kaya pagtingin ko sa relo ang 6;59 na pala kaya bumaba ako sa puno at nagsimulang nanamang maglakad panuntang dorm na parang walang nakita.

Hindi nila pwedeng malaman na may nakita ako dahil sigurado akong papatayin nila ako.  Sa panahon ngayon sarili mo lang talaga ang dapat mong pagkatiwalaan. Tsk,tsk.

Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong isuot Ang aking uniporme ay sinuot ko Ang aking black converse na nabili ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa silid ay agad sumalubong saakin Ang nakangiting Mukha ni Leigh. Tiningnan niya Ako mula ulo Hanggang paa saka umangat muli Ang tingin saakin kaya nagkaroon Ako Ng chance na tingnan Ang kaniyang mata.

'ang Ganda niya, bagay na bagay sa kaniya ang uniporme hihi'

Sabi niya sa kaniyang isip. Di niya Pala alam na marunong akong bumasa ng isip dahil wala akong sinabi sa kaniya tungkol sa pagkatao ko. Napailing nalang ako sa pagiging isip bata niya.

Sumunod ako sa kaniya papuntang dinning table at umupo. Pagkatapos naming kumain ay nagprisenta siyang maghugas Ng pinggan, kaya hinintay ko nalang saglit para sabay kaming pumasok.

"Tara 15 minutes nalang magsisimula na Ang klase" Sabi niya at hinila ako palabas. Pansin ko lang huh mahilig manghila tong babaeng to eh. Tsk napairap nalang ako dahil sa paghila niya saakin.

Pagpasok namin sa classroom ay agad kaming umupo sa maylikod malapit sa bintana kaya napili kong umupo sa tabi nang bintana para naman hindi ako mabored.

Biglang bumukas Ang pinto kaya tumahimik lahat, pagtingin isa palang lalaking nasa mids 30 Ang age at maputi. Gwapo Naman siya kahit medyo matanda na. Nilibot niya Ang paningin at nang mapansin niyang kumpleto na kami ay agad Siya tumango-tango.

Isa pa to parang baliw din. Tumango ba naman ng walang kausap. Di kaya mental tong lugar nato?  Hayyy.

"Okay so Ako Pala si Arthor Penales but you can call me prof. Art and I'm your teacher in ability enhancement." Pagpapakilala niya. Ability enhancement? May ganon palang subject. Kakaiba nga Dito kaysa sa mortal world.

Impo Academy ;School Of ImpossibilityWhere stories live. Discover now