chapter 11- future and kiss

26 0 0
                                    


"Sa isang pikit mata maaaring maglaho ang mundo ng mahika, dadating ang araw na kikilos ang kalaban upang pamunuan ang Impona.  

May ldigmaang magaganap at dahan-dahang mawaawalan ng pag-asa ang mga tao na magwagi sa laban dahil kahit ang mga pinakamalakas na kinikilala at hinahangan ng mga tao ay hindi sapat ang kakayahan upang matalo ang kalaban, ngunit hindi dapat mawalan ng pag-asa sapagkat mayroong darating upang sagipin ang lahat. 

Siya ang tatapos sa madugong pangyayari dahil siya lang ang may kakayahang makatatalo sa kampon ng kadiliman. 

Ang kapangyarihang taglay niya ay siyang makapagbibigay ng liwanag sa gitna ng masalimuot na pangyayari. 

Sa tamang oras siya ay magpapakilala. Siya lang  ang pag-asa. Siya ang paraan. Siya ang Siya lg ang makatatalo at wala ng iba at higit sa lahat siya ang tatapos"

Yan ang mga salitang lumiwanag mula sa libro.

 Hindi ko alam kung ano ang nais nitong ipahiwatig ngunit kung babasehan ko ang pangalan ng libro isang salita lang ang pumaasok sa aking isipan. DIGMAAN may magaganap na digmaan sa hinaharap at isang tao lang ang pag-asa naming lahat upang magwagi.

Sino kaya ang taong iyon, at gaano siya kalakas? Binabalot ako gayon ng kuryusidad.

Huminga nalang ako ng malalim at isinara ang libro, mas mabuti yatang huwag ko na munag masyadong isipin ang nakasulat dito at mag imbistiga mula pansamantala.


 Third person's point of view:

 Sa kabilang dako naman, hindi mapakali ang isang lalaki dahil kani-kanila lang ay meron siyang naramdaman at hindi siya maaaring magkamali.

Isa lang ang pumapasok sa isip niya, 

Ang libro ng hinaharap.

Matagal nang nawawala ang librong ito bukod sa hiindi nila alam kung anong dapat gawin upang lumabas ang mga salita sa libro, naiwala din niya ito o sa madaling salita ninakaw. Ngunit ngayon, nararamdaman niyang may taong nakapag pagana nito at kailangan niya alamin kung sino iyon.

Hindi lingid sa kaalaman niya na may digmaang magaganap sa hinaharap sapagkat nakausap niya ang isa sa pinakamakapangyarihang manghuhula. Gusto lamang niyang malaman ang nakasulat sa libro dahil walang sinabi ang manghuhula kung ano ang paraan upang matigil ito.

Ayon sa manghuhla, wala na daw siyang makita dahil may pumipigil sa kanya.  

"kailangan kong makilala kung sino ang nakakaalam sa nakasulat sa libro dahil siya lang ang tanging may alam ng solusyon"

Yssa's pov;

Tahimik kaming kumakain ngayon dito sa dorm. Nagluto daw kasi si Leigh kaya hindi na kami pumunta sa cafeteria para kumain, isa nakakatamad din naman maglakad.

Iniisip ko parin ang taong tinutukoy sa libro, talaga bang wala ng ibang pag-asa bukd sa kanya? Ganong naba kalakas ang kampon ng dilim kaya kahit magtulungan silang lahat ay hindi nila ito magagawang talunin?

Napabuntong hininga na lamang ako at patuloy sa pagsubo.

"Ang lalim nun ah, may problema ba Yssa?" tanong saakin ni Leigh. Marahil napansin niya ako na medyo tulala ang malalim ang iniinsip.

"Nothing", umiling lang ako.

"Sabagay ganyan ka naman pala lagi, tahimik" sinabayan niya pa ito ng mahinang hagikhik. Weird anong nakakatawa sa sinabi nya? Umiling nalang ako at tumayo dahil tapos na din naman ako kumain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Impo Academy ;School Of ImpossibilityWhere stories live. Discover now