Pagkatapos ng encounter namin kanina ni Jay umalis din agad ako so di kami nakapag usap ng matagal. Gusto ko lang talagang mapag-isa.
Naglalakad ako ngayon sa papuntang library may hahanapin lang akong libro. History book ng Impon, I just want to dig deeper about this place. Kung hindi ko gagawin to patuloy kong iisipin na isa akong "outcast" sa lugar na ito.
Di ko ipagkakailang gusto ko na ang lugar na ito, not the people but since the day I stepped into this place it makes me feel at home. I know it was weird so now I'm determine to know more about this magical place aside from that I also I want to know if I really belong here.
I'm here at this place for a reason. Hindi ko maipagkakaila na gusto ko ang tumulong at makatulong upang mapanatili ang katahimikan ng lugar na ito, I dont know why.
Hanggat hindi ko pa alam kung ano ang tinatago ng lugar na ito wala akong pagkakatiwalaan even Leigh. I did really cosider her as my friend but I'm not sure kung kaya ko ba siyang pagkatiwalaan.
Ang sekreto ay mananatiling sekreto.
" Ouch" hindi ko namalayan na naka bangga na pala ako ng tao. I immediately bend down to apologize her. Yes her, babae ang nabangga ko at base sa nararamdaman kong aura niya alam kong malakas siya.
Hindi pa ako nakapagsasalita ng biglang nakaramdam ako ng parang ulan. Wait ulan? As long as I remember may bobong naman itong tintayuan namin ngayon so impossibleng uulan.
Tubig . That's her power. Basang basa na ako dahil sa ginawa niyang ulan sa para sakin lang. Great, pano pa ako makakapunta ito sa library kung para na akong basang sisiw?
"Back to her" Mahina kong bulong. Kung ano man ang ginawa niya sakin ganon din ang nangyari sa kanya. Ibinalik ko lang sa kanya ang pabor. Buti nalang at yun lang ang ginawa ko. Dahil sa nangyari, napasinghap ang mga nanood samin, ngayon ko lang napansin na medyo marami-rami na pala ang nikikiusyuso samin. Nang tignan ko ang babae alam kong naiinis siya at nagulat dahil sa nangyari. Walang may ideya kung bakit iyon nangyari kaya takang taka siya.
Dahil sa inis niya tinulak niya ako ng malakas at nasugatan ako sa braso. This time ako naman ang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya. Talagang hinahamon ako ng babaeng ito.
Tumayo ako at tinignan siya ng masama. Gustong-gusto ko siyang labanan pero alam kong hindi pwede, hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipakita ko kung ano ang kayang kong gawin. Kumalma muna ako bago tignan siya ng diretso sa mata.
"I'm sorry miss" Yun lang ang nasabi ko. Pero ang babae ay sinampal lang ako. Abat! The audacity of this girl. Ako na nga ang humingi ng tawad matapos ng ginawa niya sakin eh. May ginawa din pala ako sa kanya.
I stayed silent, kahit gustong gusto kong lumaban. Nalasahan ko nalang bigla ang dugong lumabas sa labi ko. Shit lakas ng sampal niya, nasugatan na naman ko.
"Next time you better watch where you going, wag kang tanga, sino ka ba sa tingin mo? " natigilan ako sa tanong niya. Sino nga ba ako? Pano ko ba masasagot ang tanong na iyan kung pati ako hindi kilala ang sarili ko?
"What is happening here?" Nagsitabihan ang mga nanonood at nasilayan ko ang anim na lalaki. Its them, the B6. Natahimik ang lahat ng dumating sila, sino ba naman kasi ang hindi matatahimik pagdating sakanila they are the best 6 students of this school anyway lahat talaga ng nandito matatakot well except me.
Napansin yata nila ang sugat sa braso at dugo sa labi ko kaya lumapit yung dalawa sakin. As long as I remember ang pangalan nilang dala ay Reiko at Flame, yung nagsalita naman kanina ay si Drenz habang yung tatlo naman ay nakatayo lanag at tahimik.
"Are you ok miss?" tanong ni Flame. Deja vu? Yan din yung tanong ng isa nilang kasama nung nabully din ako.
"Ano ba namang tanong yan Flame nakakatanga" sigaw ni Shirou sabay bungisngis nang mahina. Talagang nakaka tanga naman yung tanong niya, ano siya bulag? Kita naman niya sigurong nagkanda sugat-sugat nako di pa ba halata?
Bumuntong hiinga nalang ako at tumango bilang sagot, wala din naman akong mapapala sa mga to.
"shut up Shirou" sabi ng kakambal niya na si Reiko. Hinawakan niya ako at pumikit. Blangko ko lang siyang tinignan hanggang sa naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko. Ginagamot niya ko. Gusto ko sanang sabihing no need na nila akong tulungan pero di nalang ako nagsalita, ginusto nila e.
Kaya ko namang gamutin ang sarili, hindi ko lang talaga pwedeng ipakita ito sa harap ng iba. Maya-maya lang ay wala na ang mga sugat ko at hindi ito nag-iwan ni peklat.
"Dalawang beses na to nangyari, at kung ma-uulit pa ito haharapin ninyo ang kamatayan, huwag kayong umasta na parang sino dahil pagkami nagalit hindi iyo magugustuhan. Mula ngayon, ang babaeng ito ay nasa pangangalaga na namin, kung sino man ang manganghas na saktan siya ulit ay kami ang kahaharapin niya" sigaw ni Flake na nakapag pagulat sa mga tao. Pati rin naman ako, sino ba naman kasi ako para protektahan nila?
"Umalis na kayo" natauhan ang mga estudyate ng magsalita si blyn at nag unahang umalis. Minsan lang siya magsalita at nakakatakot pa, yung tipong kahit sino matatakot sa lamig ng boses niya, but not me.
" You don't need to do that and you don't need to protect me, I can handle my self"sabi ko sakanila, tatalikod na sana ako ng pigilan ako ni Shirou.
"Nagsasalita ka naman pala Yssa ansungit nga lang" sabi niya at nag pout. Well kung hindi siya ang nagpout baka mandiri na ako pero kakaiba siya, cute siyang tignan.
"Sama ka samin, kain tayo" dagdag niya at hinila-hila pa ako. Nagsimula na ding maglakad ang mga kasama niya, susunod na sana siya nang higitin ko ang braso ko sa kanya.
Tinignan ko siya sa mata at tinignan ang sarili ko pababa. Alam niya namang naiintindihan niya ang ibig sabihin noon kaya nag peace sign nalang siya. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang tumingin saakin.
"Sige next time ka nalang sumama samin, friends na tayo ah, ba-bye"huling sabi niya bago tumakbo papunta sa mga kasamahan niyang nauna na. Napa buntong hininga na lamang ako at napailing.
How am I suppose to go to the library when I'm wet? Fuck, I need to change. Gusto ko sanang gamitin ang kapangyarihang hangin ko upang magpatuyo pero nagdalawang isip ako baka mahalata ng mga estudyante at magtaka pa sila. Kailangan nilang malaman na mind reading lang ang kaya ko para hindi sila maghinala.
Bumalik nalang ako sa dinadaanan ko kanina para magbihis. Habnag naglalakad ako pansin kong panay ang sulyap ng mga estudyante sakin sabay bulong sa mga kasama nila na para bang pinag-uusapan nila ako. Hindi ko nalang sila pinansin at diretso lang na naglakad.
pagkapasok ko sa dorm, dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Bago ako lumabas tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin. Ito ako, nasa isang lugar kung saan alam kon dito ako nabibilang pero hindi alam kong ano ang katotohanan.
Napailing nalang ako at gumayak na palabas.
"Huli ka!" napa atras ako sa gulat ng bigla may gumulat at dumating sa harap ko at nang makita ko siya ay hindi pala, sila. Nang makita ko sila ay nagtaka ako kung bakit sila nandito. IIwasan ko na sana sila ng biglang magsalita ang isa.
"wait we have a proposal for you" sabi ni Flake kahit nagtataka man ay huminto nalang ako at tumingin sa kanila. I don't have time for them dahil kailangan ko ng pumunta sa library dahil ilang oras nalang ang magsasara na ito. but one question is playing in my mind.
What do they need from me?
YOU ARE READING
Impo Academy ;School Of Impossibility
FantasíaSchool where everything is possible. located in Impona where Imponians live. A place that nothing is impossible and all organisms live at. "power" that's the word that can explain there place and what they use. 'Impo Academy' the school of Impos...