chapter 10 - the book

72 4 2
                                    

Andito kami ngayon sa conference kuno ng B6. Nakapalibot kami sa isang mesa. May pag-uusapan daw kaming importante, hindi ko naman alam kung ano yun at hindi din naman ako makakatakas sa kanila kaya sumama nalang din ako.

Tahimik lang akong naka-upo habang naghihntay sa kung ano man ang sakaling sasabihin nila sakin.

"Sumali ka sa grupo namin" diretsong sambit ni Drenz na parang wala lang sa kanya ang kanyang sinabi. Nabigla man ako ngunit hindi ko ito ipinahalat sa kanila.  Hindi lang ito simpleng imbeta, alam kong ito naman talaga ang gusto ko mula simula pero hindi ko naman inasahan na ganito lang kadali.

Parang may mali. I know they are up to something. Andaming malalakas na estudyante dito sa paaralan na matagal ng inaasa na makasali pero ito sila sa isang hamak lang na mind reader at walang silbi para sa iba. Hindi kaya may lama na sila sa tinatago kong sekreto?

Ilang segundo na ang lumipas pero heto parin ako, waang imik at hindi makasagot.  

Sinubukan kong basahin ang kanilang mga isip pero bigo ako, masiyado silang makapangyarihan at alam nilang gagawin ko na to kaya hinarangan na nila ito bago ko pa maisagawa. 

"Ano namang maitutulong ng isang hamak na mind reader sa inyo" malamig kong tanong. Kailangan ko munang makasiguro.

"Malaki ang maitutulong mo samin, may kakayahan kang makabasa ng isip at pwede mo itong magamit laban sa kaaway natin nang sa ganon malaman natin kung anng susunod na kilos ang kanilang gagawin" paliwanag i Flake, mukhang pinaghandaan na nga nila lahat bago ako lapitan. Inaasahan na nilang magtatanong ako.

"Sige payag nako"

Naglalakad na naman ako ngayon papuntang lbrary, humihiling na sana walang masamang mangyayari o sana walang man trip sakin. Nakatingin lang ako sa daan ng may maaninag ako isang tao sa di kalayuan. Kung hindi ako nagkakamali, si Jay iyon.

Pansin kong parang pinalilibutan siya ng tatlong estudyante, isang babae at isang lalaki, kapwa sila nakangisi habang nakatingin kay Jay. 

Binilisan ko ang hakbang ko para makumpirma ang nasa isip k ngayon, at tama nga ako, sinasaktan nila si Jay. Biglang kumulo ang dugo ko sa aking nakikita. Hindi maaring magalit ako ng sobra at baka hindi ko mapigilan ang aking sarili.

"what do you think you're doing?" malamig kong usal sa tatlo. Parang nabigla pa nga sila dahil sa pagdating ko.

"Oh, andito pala ang mahinang mind reader" tatawa-tawang sambit ng babae. Pinakiramdaman ko siya. Lupa, iyon ang kapangyarihan niya ngunit nasisiguro kong mahina lang ito.

"Narinig ko sa iba na kasali ka na daw sa B6, nilandi mo ba sila? Share ka naman dyan para makasali din ako" dagdag niya. Napailing nalang ako at tumingin sa kanya.

"I'm sorry, I just feel like they are not interested you, yes I'm just a weakling as what you said but unlike you I'm not itchy and slut" sagot ko sa kanya, natahimik naman siya at unti-unting nawala ang kanilang ngisi. 

"Bitch, makakasali din ako" inis na aniya. Habang yung mga lalaking kasama niya ay hindi makaimik.

"Your the bitch here and oh libreng mangarap" nakakalokong anas ko sa kanya bago hilahin si Jay paalis dun.

Papunta parin kami sa library, hindi naman porket may nakasagutan ako hindi na ko tutuloy pero ngayon isasama ko tong lalaking to. 

"Bat hindi ka man lang marunong ipagtanggol ang sarili mo?" inis kong sabi sa kanya. Nakayuko lang siya at ayaw tumingin sakin. Alam ko namang may pagka duwag siya pero sobrang kaduwagan naman ata to.

"Sorry Elie takot kasi ako sa kanila" mahinang sambit niya. 

"Come on Jay, kailan mo ba kayang lumaban? Kahit para sa sarili mo man lang". Not gonna lie pero naiinis ako sa sinabi niya. May karapatan naman siyang makaramdam ng takot pero para magsalita upang maipagtanggol yung sarili niya hindi niya pa magawa?

Hindi siya umimik.

"Hindi lahat ng oras andit ako Jay, hindi lahat ng oras may tutulong sayo matuto kang tumayo sa sarili mo" this time tumingin na siya sakin.

"Oo hindi lahat ng oras may tutulong sakin, bakit El sinabi ko bang kailangan ko ang tulong mo? Sinabi ko bang tulungan mo ko kanina? Hindi naman diba, huwag mo naman sanang ipamukha sakin kung gaano ako kahina"Yun lang ang sinabi niya at bigla nalang siayng tumakbo palayo. 

Natahimik ako sa kanyang sinabi, sumobra naba talaga yung mga pinagsasabi ko kanina para magkaganun siya? Para lang din naman yun sa kanya.

Gusto ko sana siyang pigilan pero nakalayo na siya. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy.

Tahimik at iilan lang tao dito sa libray, hinahanap ko ngayon ang shelf kung saan nakalagay ang mga history books. Hahakbang pa sana ako ng muntik na akong matapilok. May kahoy palang nakaharang.

Hinawi ko ito ng may biglang bumukas sa ilalim ng book shelf. May laman yung isang libro, walang nakasulat at batid kong luma na iyon dahil puno na ito ng alikabok. babalewalain ko na sana ito ng may biglang umagaw ng aking pansin.

 The tale of the future. Yan ang nakasulat. Kinuha ko ito at binuksan pero wala akong nakitang nakasulat. Weird. IIwan ko na sana ito ngunit sa loob-loob ko ay gusto kong alamin ang sikreto ng librong ito kaya napagpasiyahan kong dalhin ito.

Malapit na rin gumabi kaya umuwi nalang ako sa dorm.

Pagkarating ko sa kwarto ay inilagay ko ang libro sa ilalim ng akig kama upang hindi ito makita ng kung sino.

Sinuot ko na ang aking balabal at maskara, magmamasid na muna ako sa paligid. Wala naman akong nararamdamang kakaiba ngunit mas mabuti na ang makasigurado. Nagkatago lang ako sa dilim ng biglang dumaan ang grupo ng B6, delikado ako nito, alam kong mararamdaman nila ang presensiya ko.

Umalis nalang ako sa lugar naiyon nang nagmamadali. Umakyat ako sa puno ngunit  may parang nahawakan ako pero binalewala ko nalang iyon. 

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis dahil alam kong anytime tatawagin na ako ni Leigh para kumain, as usual itinago ko yung mga sinuot kong cloak at mask.

Wala akong magawa kaya kinuha ko yung libro at binuklat, pala isipan parin saakin kung bakit blangko ang librong ito, ni wala man lang isang letrang nakasulat.

Nakaramdam ako ng hapdi sa kamay, pagtingin ko may sugat pala ako at nalagyan ng dugo ang pahina ng libro. Nagkasugat pala ako kanina dahil sa kung ano man ang nahawakan ko pag akyat.

Isasara ko na sana ito ng bigla itong lumiwanag naging letra ang liwanag nito. Unti-unting nagkaroon ng salita. Hindi ako makakilos dahil sa bigla. Dugo, dugo lang ang tanging paraan upang mabasa ko ang nakasulat sa librong ito.

This book is indeed magical.  




Impo Academy ;School Of ImpossibilityWhere stories live. Discover now