Yhessa's pov;Saktong-sakto ang paglapag ko sa lupa kaya di ako na saktan. Dahan-dahan akong naglalakad sa dilim habang naka masid sa paligid para malaman kung may hindi tamang mangyayari.
Wala nang mga estudyanteng nasa labas dahil paniguradong tulog na sila sa ganitong oras.
Habang naglalakad ako ay may napansin akong isang pigura sa labas ng pintuan ng isang dorm sa may bandang pina ka gilid ng building.
Nagtago ako sa dilim at palihim na lumapit sa kaniyang kinatatayuan para malaman ang kaniyang ginagawa.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya ng mapansin kong may karga-karga siyang isang walang malay na babae.
tsk tsk sabi ko na nga ba
Nang makalapit ako sa kaniya ay bigla kong tinakpan ang kaniyang bunganga para hindi siya maka gawa ng ingay.
Na corner ko siya sa pader kaya na bitawan niya yung babaeng karga niya. Mukhang na bagok ata yung ulo ng babae kaya nagising siya.
Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang lalaki. Bigla nalang siyang sumigaw kaya na alarma agad ako, mahirap na baka makilala nila ako.
"Earth vines" Sabi ko kaya napalibutan ng naging ang katawan ng lalaki.
Sinigurado ko muna na hindi siya makakatakas, hahayaan ko na ang mga nakakataas ang maghandle sa kaniya alam ko namang di nila hahayaang makatakas ang lalaki na iyon.
Nang ayos na ang lahat ay dali-dali akong naglakad palayo sa kanila kasi nagsilabasan narin ang ibang mga estudyanteng nakarinig ng sigaw ng babae kanina.
Dumaan lang ulit ako sa bintanang dinaanan kanina. Nang makapasok na ako ay agad akong sumalampak sa kama.
Ilang beses akong bumuntong hininga bago tumayo at nagbihis dahil for sure magigising rin si Leigh at pupuntahan ako nun.
Ilang saglit pa ay may narinig akong katok galing sa pintuan.
"Yssa! Yssa gising!" Narinig kong sigaw ni Leigh sa harap ng pinto habang patuloy parin sa pagkatok.
Tumayo ako at nagkunwaring kakagising lang.
"Bakit Leigh, ano kailangan mo?" Bagot na tanong ko sa kanya at kunusot kusot pa ang mata na animoy bagong gising.
"May estudyante na naman ang muntik nang madukot"Sabi niya na parang hingal na hingal pa.
"Buti nalang at dumating na naman ang misteryosang babae na iyon. Ayus ka lang ba dito?" Pagpapatuloy niya. Habang sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ayus lang ako, wala namang gumabala sa tulog ko, ikaw palang" Sabi ko at sumandal sa pinto. Napakamot naman siya sa batok niya at nahihiyang ngumiti sakin.
"Ahh hehe. Sige tulog kana ulit" Sabi niya at ngumiti bago nagpaalam para umalis.
Napabuntong hininga aaman ako. May nakakita na naman sakin sigurado akong di talaga sila titigil hanggat di nila malalaman ang tungkol sakin. Kailangan ko nang mag doble ingat sa susunod.
Bumalik ako sa kama at pinilit qng aking mata. Di kalaunan ay nakatulog na ko.
"Ikaw ang magiging susi sa lahat ng problema sa lugar na ito. Ang pagdating mo ay magdudulot nang kaguluhan na makakabuti sa lahat.
Ang kasinungalingang matagal nang bumulag sa lahat ay mabubunyag at ang iyong pagkatao ay malalaman nang lahat.
YOU ARE READING
Impo Academy ;School Of Impossibility
FantasySchool where everything is possible. located in Impona where Imponians live. A place that nothing is impossible and all organisms live at. "power" that's the word that can explain there place and what they use. 'Impo Academy' the school of Impos...