Chapter 20

23 1 0
                                    

Hingal na hingal na ako at pagod na pagod na!




Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo, wala namang humahabol sa akin pero, panay ang takbo ko?! at bakit hindi ko magawang huminto?!




Takbo lang ako ng takbo hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at bigla nalang akong humandusay sa sahig.




Naipikit ko ang mga mata ko dala ng matinding pagod.



Teka, nasaan ba ako?



Ramdam ko kase ang basa sa malamig na sahig na kinahihigaan ko. alam kong hindi ito basa ng tubig. parang malapot kasi ito at malagkit. at saka ang langsa ng naaamoy ko.




Unti- unti kong minulat ang mga mata ko at tiningnan ang kamay kong nabasa ng likido.




Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang matingkad na pulang likido na‘ yun.



D- Dugo?!



Pinilit kong bumangon at tumingin sa paligid ko...



Ganoon na lang ang hilakbot ko nang mapagtanto kung nasaan ako. nasa gitna ako ng isang lugar kung saan puno ng mga taong duguan at wala ng buhay!



Nanlamig ang buong katawan ko at kakaibang takot ang gumapang sa akin.



Oh my god! pakiramdam ko ay para akong mababaliw sa nakikita ko!



Then may nakita akong tao sa'di kalayuan at nakatalikod sa akin. nakasuot ito ng puting damit na maraming bahid na ng dugo at may hawak itong kutsilyo sa kanang kamay na nababalutan ng dugo!



S- Siya ba ang may gawa nito?! siya ba ang walang awang pumatay sa mga tao dito?!




Mas tumindi ang takot na nararamdaman ko!



Napaatras ako. i need to get away from this place!




Iniwasan kong makagawa ng ingay para hindi niya maramdaman ang presensya ko o malamang narito ako.




Pero mukhang huli na. mukhang naramdaman na niya ang presensya ko! alam na niyang narito ako!




At papalingon na ito sa akin!


Help me!  mangiyak- ngiyak na anas'ko.



Umatras pa ako lalo. kailangan kong makalayo sa kanya!



Mas binilisan ko ang paglayo nang makita kong sumusunod ito sa akin. wala akong pakialam kahit ilang beses akong madulas at matumba. basta kailangan kong makaalis sa lugar na‘ to!



Kailangan kong makalayo sa kanya! kailangan kong makalayo sa taong nakasuot ng isang duguang damit!...



Bigla akong napamulat ng mata at nakita ko sila nanay na nagaalalang nakatingin saakin.



"Buti naman at nagising kana, nagulat kami ng bigla ka nalang sumigaw na parang takot na takot at may gustong takasan"nagaalang sambit ni tatay at totoo naman yung sinabi nya dahil gusto ko talagang takasan yung batang babae dahil nakakatakot sya.



"Ito o tubig uminum ka muna"sabi ni Vera sabay abot sakin ng tubig



"Salamat"ani ko



"Maayos naba ang pakiramdam mo? " sabi ni nanay habang hinahagod ang likod ko



"Opo maayos na " sagotko dito



"Sige at matulog kana ulit dahil alastres palang ng madaling araw" sabi ni tatay at umalis na sila ni nanay


"Siguradong ayos kana ba talaga?"tanong ni Vera



"Oo, Sigurado ako, tulog na tayo ulit at pasensya na dahil naisturbo ko ang tulog mo"sabi ko



Tumango lang sya sabay balik na sa tulog pero ako hindi na ako nakatulog dahil sa napanaginipan ko, para kasing totoo yun parang parte sya ng memorya ko.





Nagdadalawang isip tuloy ako na parang ayaw ko ng nakaalala pero naiisip ko din na kapag hindi bumalik yung mga alala ko ehh hindi ko malalaman yung mga kasagutan sa tanong ko




Hanggang sa magumaga ay hindi na talaga ako nakatulog dahil natatakot na ako na mapanaginipan ko ulit yun.

My Silent GirlWhere stories live. Discover now