Prologue

11K 182 8
                                    

Sam Loise Alcantara

"Miss Samantha!"

"Miss!"

"Miss, we have few questions to ask."

"Ms. Sam!"

Camera flashes at mga sigaw ang naririnig ko habang palabas ako ng agency namin.

Kaliwa't Kanan ang nagbabato ng mga tanong. Hindi ko sana sila papansinin but they got passed thru my bodyguards and bombarded me with questions. Malapit na ako sa sasakyan ko, eh!

I sighed. I should get a new bodyguard, simpleng pagharang lang sa mga paparazzi hindi pa nila magawa ng maayos.

"Ms Sam, is it true that kasal ka na?" Someone asked.

"Totoo rin bang kinasal ka sa Ceo ng SL Corp?"

"What will happen to your contract now?"

I sighed before flashing them my sweetest fake smile. Dito ako magaling, ang mag pretend. Magmula ng pinasok ko ang industry na 'to, I learned how to pretend. Ang mundong ginagalawan ko ay delikado, you cannot just trust someone, dapat sigurado ka at maingat gumalaw or else it will be the down fall of your career.

I don't know where these paparazzi got this information. Kaya I have to address this quickly. Ang bilis kumalat.

"First and foremost, easy, isa-isa lang. I can't entertain all your questions. It is not true that I got married. Kaya stop spreading those information, it's not true." I paused.

"For the second question, no, hindi nga ako kinasal 'diba? And I don't know that person, and please kung kilala niyo man siya huwag niyo siya guluhin."

"And for the last question, nothing will happen at my contract. Stop spreading fake rumors guys, I love my job, at kung sino man ang taong gusto ako sirain that will never happen." I added.

"So if you'll excuse me, I have to go. My next shooting pa ako." Agad na dumeretso na ako sa sasakyan ko at pumasok.

Bukod ang sinasakyan ko sa mga bodyguard ko. I massaged my temple as soon as I got in.

My head and eyes, hurts dahil sa mga flash ng camera. Although sanay naman ako since sa job ko ay palaging ganun, pero not all the time nakakapag-adjust agad ang mata ko.

Sometimes I wonder, what if I didn't choose this job? I'm sure my life will be peaceful at hindi ko kailangang mag disguise para lang pumunta sa ibang lugar.

I deeply sighed. I miss my peaceful life. But I also don't regret na pumasok ako sa entertainment industry.

"That's deep, Love." Napaigtad ako sa gulat nang may magsalita.

Agad akong lumingon dito habang nakahawak sa dibdib. "You! Bakit kailangan mo manggulat!" I exclaimed. God! I almost had a heart attack.

She chuckled. Ang lalim talaga ng boses nito, hindi mo aakalaing babae ito dahil deep na deep talaga. Wala sa sariling nakagat ko ang labi ko. Her voice sounds good to my ears.

"How will you notice me, kung ang lalim ng iniisip mo? Stress?" Tanong nito pagkatapos tumawa.

I rolled my eyes at her. "Wala namang bago." I crossed my arms at sumandal sa upuan.

Katahimikan ang namayani sa amin. Hindi na rin ako nag-abalang magtanong dahil stress talaga ako ngayong araw.

I have to make a call pa to vanish all those rumors, it's bad for my reputation at madadamay ang kontrata ko.

The sound of silence cut off when she speaks. "Why did you say that you're not married to me? Bakit mo tinanggi?"

I looked at her. I didn't know nakatingin na pala ito sa akin. She's deeply looking at me, like she's looking at my soul; the whole me.

Nauna na akong mag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang sabayan ang mga titig niya, nalulunod ako; I feel hypnotized.

"Alangan na sabihin kong totoo iyon? Edi nasira ang reputation ko and my career. Besides kasal lang naman tayo sa papel, and will get divorce sooner."

"You know naman na I have a lot of incoming projects, baka madamay, and ano na lang ang sasabihin ng mga tao if nalaman nilang kasal ako sa isang babae. That would be a shame!"

I saw that she rolled her fist. "Alam ko namang napipilitan ka lang sa kasal natin at ayaw mo talaga. But you don't have to disrespect me like that!" She said in a low tone.

Natigilan naman ako. Napasobra nga ako, but that won't change my mind. It's true! What will people think if they know that I married a woman? Mawawala lahat ng pinaghirapan ko;I don't want that!

Sa loob ng 3 buwan naming pagsasama, medyo alam ko na ang ugali nito. If she uses her low tone, that means she's mad and probably hurt. But I don't care!

Kung kailangan kong itatak sa kokote niya 'di ko siya mahal at ayaw ko sa kasal na 'to, I'll gladly remind her everytime.

"But it's true! Bakit ba kasi kinasal pa ako sa'yo! You are ruining my career! At ngayon may nagpakalat nasa media na kasal ako. Ano na lang ang ipapalusot ko if nakakuha sila ng documents?"

"My career will go down! And I don't want that to happen, you knew, from the very start na mas importante ang career ko kaysa ano man. Not even you, nor my family!" I burst. Ilang buwan ko ring kinimkim sa sarili ko ito.

Mas lalong yumukom ang mga palad nito, and she's gritting her teeth. Tahimik lang itong nakatingin sa kung saan.

From the looks of it, she's trying to calm herself. I know sumobra na ako but I don't care! Ikaw ba naman ikasal sa taong hindi mo mahal, at kakakilala niyo pa lang?

Ni hindi ko alam ang pangalan niya nung una, deretso kasal agad. Our wedding is not that great! Sa judge lang kami kinasal at hindi man lang maayos.

Ang pangarap kong wedding ay hindi ganito. I imagined myself walking in the altar, wearing my wedding dress, habang ang taong mahal ko ay nag-aabang sa unahan ng altar.

Hindi 'yung ganito! This is unacceptable! Kahit naman puro trabaho ang inaatupag ko, nangangarap pa rin ako ng bonggang kasal. 'Yung hindi lang sa judge, basta ang mahalaga mahal namin ang isa't isa.

Mamaya-maya pa'y nagsalita na ito. "Lucas, let's go." Ang tangi sinabi nito at umandar na ang kotse.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang naglalakbay kami pauwi. Kelan ba matatapos ito? Ang gusto ko lang naman ay unahin ang career ko before I settle down.

Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa bahay namin. I was about to open the door when she stop me by holding my wrist.

I was about to yell at her when she leans on me. I gulped. "Remember this, Samantha Loise Alcantara–Falco. We are not just married by 'the paper', and we will never ever get that freaking divorce! You'll stay by my side because you are my wife! And you are mine." May diing sabi nito and attacked my lips with hers.

___________________________________________

This is my 2nd account, and if you want to check my 1st account just click my profile.

My 2nd account is not Seulrene related, but you can impersonate anyone you like.

Disclaimer: all the characters and events that will be mention or use in the story is purely coincidental, and not true. This is just q fanfiction.

Enjoy reading!

Secretly Married To A Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon