I am one month pregnant and Gavin is taking care of me. Here he also works at home. He brought his work here. Kumuha na rin siya ng katulong para sa pagluluto at iba pang gawaing bahay noong una nga ay ayaw ko pa pero dahil mapilit siya ay siya ang nag wagi.
Sinasanay ko ang sarili ko sa pagsusuot ng dress dahil hindi kasi talaga ako mahilig sa dress na damit. Hindi lang talaga ako komportable. Ang magulang naman namin ni Gavin ay weekly ay bumibisita dito para kamustahin kami.
Maayos naman ang pagbubuntis ko pero minsan mahirap para kay Gavin dahil siya ang laging nakatoka sa mga cravings ko.
Mabuti naman at mapagpasensya siya. Aba, syempre dapat lang dahil anak niya rin ito.
"Are you hungry?"he asked.
Nandito ako sa loob ng opisina niya sa bahay. Dinala niya ako dito para nakikita niya daw ang ginagawa ko.
Ano naman ang gagawin ko dito? Nakatunganga nga lang ako at inaantay na bumagsak ang bayabas.
"No"I said.
Naboboring na talaga ako. Gusto kong lumabas at pumunta sa shelves ko dahil namimiss ko ng magbasa. Dahil tutok na tutok siya laptop niya ay dahan-dahan akong tumayo at lumakad papuntang pinto.
Nang nasa harap na ako ay pipihitin ko na sana ang seradura nang bigla siyang magsalita.
"Where are you going, huh?"malamig na boses na sambit niya.
Pumihit naman ako at napakamot na lang sa buhok. Lumapit ako sa kaniya at kumandong. Hinawakan niya ang bewang ko at inayos pa ang pagkakaupo ko sa kaniya. I encircled my arms around his neck.
"I'm bored here. I just want to read and also go to my shelves"I said softly.
Nagpaawa pa talaga ako para naman alam niya na totoo ang sinasabi ko at para payagan ako. Alam ko naman na hindi niya ako mahihindian lalo na at may dinadala ako.
"Ok fine. Are not you hungry?"tanong niya.
"Hmm.. I want avocado with ketchup"just thinking about eating it makes me hungry.
"A-Avocado? K-Ketchup? Is that g-good?"he stammered.
"Of course"angil ko at umalis sa kandungan niya. Lumakad na ako at lumapit sa pinto. Bago ako lumabas ay narinig ko pa siyang nag mura.
"Shit, fucking shit!"
Pumunta na ako sa isang kwarto kung nasaan ang mga shelves ko. Pagkapasok ko ay naghanap na ako ng babasahin ko. Parang gusto kong basahin ang taguan ng anak para kung may gawin man sa akin si Gavin matataguan ko siya ng anak. Pero alam ko naman na wala naman siyang gagawin sa akin. Pero kailangan ko maging handa.
"La...la...la....la..."pakanta ko habang naghahanap ng librong babasahin.
"Ayun!"sambit ko.
Nakita ko na ang babasahin ko. Hiding his son. Ang ganda rin neto ang dami ko na rin beses na binasa ito. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na rin palang dagdagan ang mga libro ko kasi may mga nakikita ako na may mga bago g published na Wattpad story.
Magpapaalam muna ako kay Gavin bago ako bumili. Inumpisahan ko nang magbasa. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay narinig kong bumukas ang pinto at alam kong si Gavin iyon. Nilingon ko siya at nakitang dala ang Avocado na nakahati na at ketchup. May dala rin siyang bowl at kutsara.
"Heto na wife"sambit niya at nilapag sa table.
Itiniklop ko naman ang libro at nilapag sa tabi ko. Umupo naman si Gavin sa tabi ko. Kinuha ko ang kutsara at Avocado na bukas at sinimulan na tanggalin din ang buto.
After kong matanggal ang lahat ng laman ay kinuha ko ang ketchup at nilagay sa Avocado. Narinig kong napasinghap pa si Gavin sa tabi ko.
Nang malagay ko ang ketchup ay hinalo ko na ito. Natatakam na talaga akong tikman. Nilingon ko naman si Gavin. Natawa ako sa itsura niya. Para siyang nakakita ng multo habang nakatingin sa ginagawa ko.
"You want?"i asked.
"A-Ah-- n-no, wife. J-just eat t-that"nauutal na sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Okay"sagot ko.
Sinimulan ko na kumain at sa unang subo ko palang napapikit na ako. Sobrang sarap talaga. Sinusubukan ko ngang subuan si Gavin kaso ayaw niya. Busog pa daw siya. Kung matitikman niya ito masasarapan siya.
Aalis kami ngayon ni Gavin para magpacheck up. Bibili na rin kami ng Vitamins dahil paubos na ang vitamins ko sa bahay.
Nagsuot lang ako ng bulaklaking dress. Dahil ito ang lagi kong sinusuot ay nakasanayan ko na. Napakarami na ngarin nitong dress dahil ang dami ng binili ni Gavin dagdagan mo pa na binibigyan pa ako nila Mom.
Isang buwan palang naman akong buntis pero ang damit kong dress napakarami na. Hindi pa naman masyadong halata ang baby bump ko. Kaya minsan nakakapag shirt ako.
After namin makapagpacheck up kay ate Gab ay bumili na rin kami ng Vitamins ko sa hospital. Dadaan kami ngayon sa mall para naman makapamasyal dahil hindi na ako nakakapamasyal. Madalang nalang dahil ayaw rin akong payagan ni Gavin na maglalalabas.
Pinark niya ang kotse at bumaba at pinagbuksan ako. Nilibot lang namin ang mall at minsan ay napapabili sa shop kapag may nakikita kaming nagugustuhan namin.
"Are you hungry?"he asked.
"Yup, sa Jollibee tayo"sabi ko.
"Okay"
Tumungo kami sa Jollibee na nakita namin. Matagal na rin akong hindi nakakakain sa Jollibee kaya namiss kong kumain dito.
Umorder lang siya ng favorite kong bilhin sa Jollibee, hindi ko alam kung ano ang inorder niya para sa kaniya.
After 30 minutes ay dumating na siya bitbit ang pagkain namin.
Binaba niya ang pagkain ko. Napataas naman ako ng kilay dahil sa inorder niya. Spaghetti lang ang inorder niya.
"Are you sure?"takang tanong ko.
"What?"
"Yan lang ang kakainin mo?"
"Yes, ayos na sa akin 'to"
Nailing na lang ako at nag-umpisa na kumain. Sinusubuan ko naman siya ng pagkain ko. After namin kumain ay itinake out namin yung hindi ko naubos dahil kakainin ko ito mamaya sa bahay.
After namin mamasyal ay umuwi na rin kami. Napagod ako kakaikot kaya ang ending pag uwi namin diretso kama na. Kaso naalala ko na may pagkain pala ako.
"Babe"tawag ko sa asawa ko.
Nasa banyo kasi ito at nagpapalit ng damit.
"Pakuha nung pagkain ko kanina"
"Sige, sandali lang"rinig kong sagot niya.
"Thank you! I love you"
"I love you too"
I giggled.
Kinikilig pa rin talaga ako kapag mag a-i love you too siya sa akin.
Ilang saglit lang ay lumabas na siya ng banyo. Sinilip niya muna ako na nagbabasa at lumabas na siya ng kwarto. Tinignan ko naman ang orasan. Alas otso pa lang naman. Maaga pa. Alas nuebe kasi ako natutulog.
Bumukas ang pinto at niluwa si Gavin. Dala na niya ang inuwi ko. May hawak din siyang isang basong gatas.
"Here"sabi niya.
Kinuha ko naman at inumpisahan kumain. Burger, fries at peach mango pie lang naman itong inuwi ko.
"You want?"tanong ko sa kaniya at pinakita ang kinakain kong burger.
Tumango naman siya, kaya sinubuan ko. Naghatian na kami sa inuwi ko. Mukhang nasarapan naman siya dahil halos sa kaniya ko na binibigay.
