CHAPTER 8

17 0 0
                                    

Ang hirap tanggapin na all these years akala ko faithful at loyal ang asawa ko sa akin. Dahil masaya naman kaming pamilya. Wala naman kaming problema. Nagkaroon lang nung nalaman kong dalawang taon na palang may mistress ang asawa ko.

Hindi ko matanggap. Ang sakit. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Saan ako nagkamali at para humanap siya ng iba.

Akala ko iba siya sa mga lalaki. Hindi pala. Mas worst pa best friend pa ng ate niya ang karelasyon niya. What the hell?

Nahuli ko siyang may iba dahil naiwan niya ang phone niya. Then, may biglang tumawag ang pangalan ng caller ay 'Lito'. Sinagot ko naman dahil akala ko baka sosyo niya sa business at baka importante rin ang sabihin.

Nang masagot ko ang tawag ang rinig ko ay babae agad ang boses. Tinawag niyang honey ang asawa ko. Ang kapal ng mukha niya. Inamin niya rin sa akin.

I slapped him.

"ALL THESE YEARS, NILOLOKO MO LANG PALA AKO! YOU CHEATED ON ME, GAVIN! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA MANGBABAE. MAY ANAK KA NA OH! AT NAKUHA MO PA RING MAMBABAE! A-AKALA KO IBA KA SA MGA LALAKI DAHIL IBA KA EH, IBA KA MAGBIGAY NG ATENSYON AT PAGMAMAHAL SA AKIN/SA AMIN. TAPOS ANO TONG MALALAMAN KONG MAY KABIT KA?! HOW DID YOU DO THIS TO US, HUH?
SINIRA MO ANG PAMILYANG BINUO NATIN, GAVIN! PAMILYADONG TAO KA NA AT NAGAWA MO PA RIN MAG LOKO! I. HATE. YOU. GAVIN!"

Nagsisigaw ako sa kaniya. Nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaniya.

Pinaghahampas ko siya sa dibdib at pinagsasampal habang ako ay umiiyak.

Ang sakit, yung asawa ko, niloko ako.

"W-Wife--" nakita ko ang mga butil ng luha na pumapatak sa mata niya.

I slapped him again.

"DON'T CALL ME WIFE! FROM NOW ON I WILL NEVER BE YOUR WIFE ANYMORE!" Nagtatagis bagang na sigaw ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "And about the kids, hindi mo na sila makikita dahil hindi ko sila ipapakita sa gabong tatay nila"seryosong sambit ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto.

Umiiyak na pumunta ako sa kwarto ng mga bata. Naabutan ko silang naglalaro.

"K-Kids--"napaiwas na lang ako ng tingin ng nabasag ang aking boses.

Dali-dali akong lumapit sa kanila at niyakap.

"Mama, why are you crying?" Gideon said.

Hinarap ko sila at hinalikan sa pisngi. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganto ni Gavin. I thought magiging isang buong pamilya kami. Pero hindi pala. Ang sakit na kailangan pang madamay ang mga bata dahil lang sa pagloloko ng ama nila.

"M-Mga a-anak, look sasama kayo sa akin ha? M-May pupuntahan tayong ibang lugar, o-okay?"nanginginig na sambit ko.

Tumango naman sila.

Nagmamadaling kinuha ko ang bagahe at nilagay ang mga damit at gamit ng mga bata. Nang malagay ko ay agad ko sila kinuha at lumabas ng kwarto.

Pagkababa namin nakita kaagad kami ni Gavin. Nataranta siya nang makita ang dala namin. Agad naman siyang lumuhod at yumakap sa bewang ko.

"W-Wife t-teka naman, p-pag-usapan natin 'to oh, please!" Nagsusumamong sambit niya habang nakaluhod at yakap ang bewang ko.

"Gavin bitaw"mahinahong sabi ko. Pero mas lalong hinigpitan ang kapit sa akin. "GAVIN BITAW DIBA! DI KA BA NAKAKAINTINDI! AYOKO NA! AYOKO NA DITO! AYAW NA NAMIN DITO! KAYA PWEDE BA PAALISIN MO NA KAMI!" Hindi ko mapigilang sigawan siya. Nagiging kalmado ako dahil nandito ang kambal sa tabi ko pero ngayon ubos na.

Nang naging maluwag ang hawak sa bewang ko ay tinanggal ko ang kamay niya at nagmamartsang lumabas kasama ang mga bata na umiiyak na ngayon.

"M-Mommy! D-Daddy!"

The Story Of UsWhere stories live. Discover now