CHAPTER 10

26 1 0
                                    

Naghahanda kami ngayon para sa media noche mamaya. Lahat ng family namin ay kasama maliban kay ate Gab na hindi makakasama dahil umalis daw siya ng bansa. First time namin siya na hindi makakasama. Biglaan lang daw ang alis niya kaya hindi nakapagpaalam.

Kami naman dito ay todo gawa ng mga kailangan para mamaya. Medyo nahihirapan ako kumilos dahil pitong buwan na ang tyan ko. Ang bilis nga ng panahon. Kung dati yung kambal pa lang pinagdadala ko ng ngayon ito na. Ang gender nga ng anak namin ay lalaki. Tuwang tuwa na naman si Gavin gayundin si Kuya at sila Dad. Team boy kasi sila nung nag gender reveal then kami ay team babae. Pero masaya kami kung ano ang gender niya.

"Hoy, Alfonso manahimik ka na nga kanina ka pa kuha nang kuha, kada lagay ko ng shanghai kumukuha ka. Tignan mo mamaya ubos na yan dahil sayo"pagsesermon ni Mommy kay Daddy.

Kasi naman itong si Dad kanina pa dyan. Bantay na bantay sa shanghai. Favorite naman kasi ni Dad ang shanghai kaya ganyan yan. Hindi rin naman talaga yan mawawala sa handaan.

"My love, alam mo namang paborito ko ito"

"Ewan ko sa'yo, manahimik ka dyan kung hindi sa labas ka matutulog"

"Eto na nga eh"

Natawa na lamang kaming lahat sa kanilang dalawa. Aso't pusa rin kasi 'tong magulang namin.

"Hey, ako na dyan"awat sa akin ni Gavin.

Tutungtong kasi ako ng upuan para isabit itong lobo. Ewan ko ba anong naisipan ko at tutungtong ako ng upuan. Ipapahamak ko pa ang anak ko dahil dyan. Jusko.

"Ay, sorry"napanguso na lang ako.

Nang malagay na ni Gavin ang lahat ng lobo ay inalalayan niya ako paupo sa sofa.

"Just sit there, okay? Ako na ang bahala doon, magpahinga ka na lang dyan"he said.

"Okay"sagot ko.

Hinalikan niya muna ako bago ipagpatuloy ang ginagawa. Mabuti nga at tulog ang kambal kung hindi magkukulit talaga ang mga iyon. Lalo na si Azì na paborito pa naman makakkita ng lobo.

Bago mag alas dose ay ginising ko na ang kambal. Binihisan ko na rin sila. Lahat kami ay nakakulay red ang damit. Nagpacostumize pa nga sila ng damit para sa lahat.

11:30 ay nakahanda na ang lahat. Aantayin na lamang namin na dumating ang alas dose. Dito kami sa garden ng bahay namin nag set up. Mas maganda at presko rin dito. Mamaya ay magpapaputok din sila Dad at gusto naming makita. Ang kambal ay buhat ni Kuya at ni Mommy. Si Gavin naman ay nakayakap sa likod ko habang nakatingala. Mamaya ay bumilang na rin kami.

"10.."

"9.."

"8.."

"7.."

"6.."

"5.."

"4.."

"3.."

"2.."

"1.."

"HAPPY NEW YEAR!"malakas naming sigaw lahat. Kasbay non ang mga paputok sa langit.

"Happy new year, wife. I love you"bulong ni Gavin sa tainga ko.

Humarap naman ako sa kaniya nang nakangiti.
"Happy new year, hubby. I love you so much"sabi ko at walang sabi sabing ako na ang humalik sa kaniya.

Another year with him and the kids. My world, my life, my strength. Thank God for the another year that we are going through. I hope this year will be beautiful and full of blessings.

Lumapit kami sa kambal at binuhat. Pinupog ko ng halik ang dalawa.

"Happy new year, kambal and syempre sa baby namin sa tyan. Mommy and daddy love you so much"sabi ko habang hinahaplos ang tyan.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now