CHAPTER 4

31 0 0
                                    

Happy reading, mwa :>

Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng gutom. Tinignan ko oras at alas tres palang. Sinilip ko naman si Gavin sa tabi ko na mahimbing ang tulog. Alam kong pagod siya sa trabaho kaya hindi ko siya gigisingin.

Napahawak ako sa tyan kong tatlong buwan na. Ang bilis nga parang kailan lang nagsusubok kami, ngayon meron na. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang tinatanggal ang kamay niyang nakapulupot sa akin.

Nagugutom na talaga ako. Gusto ko ng Avocado na may Ketchup. Alam kong nandidiri sila kapag nakikita nila akong kumakain non pero ako dinidedma sila. Ang sarap kaya lalo na nung tinry ko lagyan ng mayonnaise.

Bumaba na ako at pumunta ng kusina. Marami kaming avocado dito dahil nagpaimbak si Gavin. Para hindi na daw pabalik balik pa. Even Ketchup nga marami kami.

Kumuha ako ng bowl at kinuha ang Avocado at ketchup. Naghanap rin ako ng mayonnaise. Nang may makita ako ay nilagay ko na sa lamesa. Inumpisahan ko na buksan ang dalawang avocado.

Tinanggal ko lang ang buto at kinuha ang laman. Nilagyan ko na ng ketchup at saka mayonnaise.

Hinalo halo ko lang hanggang sa mag combined na lahat. Nang ayos na ay sininulan ko nang kumain.

Lalo akong na satisfy sa gawa ko. Napakasarap. Pumunta ako ng sala bitbit ang bowl na may lamang avocado.

Doon ako kumain ng tahimik. Natigilan naman ako dahil nakarinig ako ng yabag pababa. Alam kong si Gavin iyon. Dahil nagigising siya kapag wala ako sa tabi.

"Wife, Ba't hindi mo ako ginising?"sabi niya na husky voice.

Tumabi siya sa akin at hinalikan ako. Magulo ang buhok pero ang itsura gwapo pa rin.

"Tsk, ayoko pagod ka"sagot ko.

"Kahit na"

"Huwag ka ngang makulit nakitang kumakain ako e,"reklamo ko.

"Tsk, fine. Sorry"sabi niya.

Sinandal naman niya ang ulo at pumikit. Bumalik na kasi ito sa pagtatrabaho niya sa office. Kinulit ko kasi siya na bumalik na. Kaya wala siyang nagawa kahit ayaw niya ay bumalik siya.

"Bakit ka pa kasi bumaba? Dapat natulog ka na lang"angil ko.

"Hmm, gusto kitang bantayan"sambit niya.

Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy ang pagkain.

Natanghali na ako nagising dahil alas kwatro ako nakatulog kanina. Hindi kasi agad ako dinalaw ng antok kaya nag paantok muna ako.

"Yaya, ano ulam?"tanong ko sa maid namin.

"Adobo at sinigang, ma'am. May gusto po ba kayo ipaluto?"

"Nope, thank you"

After kong mananghalian ay umakyat na ako ng kwarto para maligo. Aalis ako at magkikita kami ni Gleana. Namiss niya na daw ako kaya gusto niyang makipagkita. Sinuot ko lang ang dress na binigay ni Mommy sa akin.

After kong mag-ayos ay bumaba na ako. May driver naman na kami kaya sakaniya ako magpapahatid.

"Mang Lito, sa C mall po"sabi ko.

"Sige po"sagot niya.

Nag-umpisa na siyang magmaneho. Hindi naman masyadong traffic kaya napabilis ang punta namin doon.

"Mga 6 niyo po ako sunduin"sabi ko.

"Sige po, ma'am. Ingat po"

Tumango na ako at bumaba ng sasakyan. Kinuha ko naman ang cellphone ko sa pouch kong dala. Tatawagan ko si Gavin dahil hindi niya alam na lalabas ako.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now