After malaman ni Gavin na buntis agad ako ay tinawagan niya ang family namin at sinabi. Ang kambal naman ay kahit hindi naiintindihan ang sinabi namin ay tumatawa sila na para bang alam nila na buntis ako.
"Hey! Hey! Azí, baba d'yan at baka mahulog ka"saway ko sa anak ko.
Nagbabalak kasi siyang umakyat sa sofa. Hindi pa naman kasi niya masyadong abot. Binuhat ko siya at nilapag sa sofa. Si Gideon ay kasama ni Gavin, hindi ko alam kung saan pupunta ang mag-ama na 'yon.
Lumuhod ako sa kaniya at kiniliti siya. Natutuwa ako sa tawa niya kahit sa kuya niya. Ang cute nilang dalawa.
"A HA HA!"tawa niya.
Kaya naman lalo ko pa siyang kiniliti.
"MA!"
Natigilan lang ako dahil sa pagsigaw niya.
Did she call me ma?
She call me ma, right?
"W-What did you say, baby?"nauutal na tanong ko.
"MA! MA!"nagpapapadyak niyang sabi.
Naluluha naman ako sa narinig ko. Unang beses niyang magsalita at 'Ma' pa ang una niyang sinabi.
"W-Wait"
Nagmamadali akong kunin ang cellphone ko para ma-videohan siya.
"Say it again, Azi" I said and captured her.
"MA!MA!"
"Ohmygod, narinig mo Gavin she said 'Ma'"naluluhang sambit ko habang nakatutok pa rin kay Azí ang camera.
Ipaparinig ko mamaya kay Gavin ito pagkauwi nila. Nang matapos kong videohan si Azí ay pinaliguan ko na rin siya. Naglalagkit na ang bata kahit nandito sa bahay at naka aircon.
Pinatulog ko muna siya bago ako nagluto ng tanghalian namin. Hindi pa rin dumadating ang dalawa kong mag-ama. Hindi ko matawagan si Gavin dahil naka off ang phone. Kakamustahin ko lang si Gideon pati siya. Kung saan-saan kasi nagpupupunta ang dalawang iyon. Alam ko naman na hindi niya papabayaan si Gideon kaya kampante ako.
Sinigang ang lulutuin ko ngayon kaya kinuha ko na ang mga ingredients sa ref. Buti na lang nakapag-grocery ako nung nakaraan kung hindi baka lumabas ako nito. At wala pang mag babantay kay Azí kung ganon.
Buto-buto na nga lang gagamitin ko since favorite din ni Gavin iyon kapag nag sisigang kami. Nag-umpisa na rin akong maghiwa ng ibang rekados habang pinapakuluaan ko ang buto-buto.
After isang oras na pagluluto ay natapos ako. Nagsaing na rin ako. Kaya aantayin ko na lang yung dalawa para sabay-sabay na kami.
Umakyat naman ako para tignan si Azí. Ang himbing ng tulog ng bata. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan ulit si Gavin. Ang loko ay hindi sinasagot ang tawag.
Humanda talaga sa akin iyon pag-uwi. Baka kung ano na pinag gagawa no'n kasama pa talaga si Gideon.
Gabi na nang umuwi ang mag-ama. Pag kapasok ni Gavin ay agad ko nang kinuha sa kaniya si Gideon at umakyat sa kwarto ng kambal. Si Azí ay naglalaro sa kuna niya nagising kasi ito. Nilock ko ang pinto para hindi siya makapasok. Umupo naman ako sa sofa habang karga si Gideon.
"Saan kayo galing, Gidi? Saan ka dinala ng tatay mo?"tanong ko sa anak ko.
Alam ko naman na wala akong makukuhang sagot sa kaniya. Kaya lang ayokong kausapin pa si Gavin.
Bahala siya. Ni hindi man lang sumagot sa tawag at text ko.
Nakipaglaro lang ako sa kambal. Hindi ako lumalabas ng kwarto. Hindi ko rin narinig ang boses ni Gavin. Ang damuho hindi man lang ako sinundan. Bahala talaga siya hindi ko siya tatabihan. Dito ako matutulog.
Naalimpungatan ako dahil may kung anong humahalik sa aking tiyan kaya naman malakas ko itong sinipa.
"Shit!"
Rinig kong sabi ni Gavin. Umupo ako at masamang tinignan siya.
"Alam mo bang dis oras na ng gabi?"
"Yeah, i know"
"Alam mo naman pala, natutulog yung tao tapos gigisingin mo"
"Wife, I can't sleep without you"he murmured.
"Hindi! Nabuhay kang hindi ako katabi mo, kaya ngayon matulog ka ng hindi ako katabi"
Inayos ko na ang pagkakahiga ko. Pero bago 'yon ay sinilip ko muna ang kambal na mahimbing na natutulog.
"Matulog ka na Gavin sinasabi ko sa'yo"
Ipinikit ko na ang mata ko. Narinig ko naman ang pag sarado ng pinto.
"Goodnight, I love you"pahabol niya pa.
Dumilat ako at napairap.
"Bahala ka sa buhay mo, magtiis ka ngayon!"
Kinabukasan ay nagising na lang ako na wala na ang kambal sa tinutulugan nila. Alam ko na kinuha na iyon ng magaling nilang ama. Inayos ko ang pinaghigaan ko at nagligpit ng konting kalat bago bumalik sa kwarto namin.
Naligo muna ako bago bumaba. Magluluto pa kasi ako ng agahan namin. Pagkababa ko nadatnan ko ang mag-aama ko na naglalaro sa carpet ng sala.
Lumapit ako sa kambal at hinalikan silang pareho sa pisngi.
"Good morning mga baby ko"bati ko sa kanila.
Kumuwag naman ang kamay ni Azì. Natawa na lamang ako.
Tumayo naman na ako at para makapagluto na. Naramdaman ko pang sinundan ako ng tingin ni Gavin.
Nag-umpisa na akong magluto ng agahan namin. Naalala ko hindi pala ako nakakain kagabi. Sorry anak. Nagtimpla na rin ako ng gatas naming tatlo ng kambal at kape kay Gavin.
Nang matapos na ako makapaghanda ay binalikan ko sila sa sala.
"Hey, mga baby ko, lets eat na"sambit ko.
Kinuha ko naman si Azì dahil gusto nang magpakarga. Si Gavin naman ay binuhat na rin si Gideon.
After namin magbreakfast na hindi nagiimikan ay pinaliguan ko na ang kambal dahil aalis kami ngayon para bisitahin ang parents ko. Actually, biglaan lang din kasi nga hindi kami nag papansinan ni Gavin at hindi rin naman niya ako pinapansin. Ayoko siyang makita kahit na gusto ko siyang makita. Pregnancy hormones nga naman.
Habang nagbibihis ako ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad akong tumalikod at pinagpatuloy ang pagsuot ng damit. Mabuti na lang damit na ang susuotin ko nang makapasok siya.
"W-Wife, talk to me please"sambit niya at niyakap ako sa likod.
Napahinto naman ako at pilit na pumipiglas sa kaniya.
"Bitaw"
"Wife, talk to me. Ayoko ng ganito tayo, please"nagmamakaawang sambit niya.
Huminga ako ng malalim. Naawa na rin ako sa asawa ko. Simpleng bagay lang naging ganto kami.
"Fine, but let me go first"I said.
Unti-unti naman siyang bumitaw. Humarap ako sa kaniya, nakaramdam naman ako ng awa sa asawa ko nang makita ang buo niyang mukha. Mahahalata sa kaniyang hindi siya natulog. Hinawakan ko naman ang mukha niya.
"I-I didn't sleep"bulong niya.
Nakatitig ako sa mga mata niya, ganon naman din siya sa akin.
Mahal na mahal ko itong asawa kahit anong mangyari. Bigla ko na lang siyang hinalikan. He was just stunned by what I did.
"I love you"
