"Hi! Anong pangalan mo?" Tanong sa akin ng babaeng makakasama ko rito sa kwarto namin kinagabihan.
Bahagya akong natulala sa ganda niya, pati na rin sa maganda niyang pagkakangiti sa akin.
"K-kallista..Kallista ang pangalan ko." Ngiti ko sa kaniya.
Nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin dahilan para bahagya akong magbaba ng tingin doon. "Ako si Shane, nice to meet you Kallista." Agad kong tinanggap 'yon.
Nang bumitaw sa isa't isa ay lumakad naman siya papunta sa kaniyang kama kung saan nakalatag ang mga damit na tutupiin niya.
"Uhm, tayong dalawa lang ang nandito sa kwarto?" Naiilang ko pa ring tanong sa kaniya bago umupo rin sa kama.
May kalakihan ang kwartong 'to, may tatlong double deck kaya nakakapagtaka rin kung kaming dalawa lang ang mag-o-occupy ng kwartong 'to. Simple lang din ang design, puro puti kaya malinis tingnan sa mata.
Natawa siya kaya muli akong napabaling sa kaniya. "Hindi, nasa labas pa sila kenzy. Lima tayo rito sa kwarto." Sagot niya pa.
Ngumiti na lamang ako bilang tugon habang inaabala pa rin ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Hindi ako sanay na sa ibang bahay matutulog, pero alam ko rin namang unti-unti rin akong masasanay.
"Nga pala Shane, sino 'yung boss natin? Bakit parang wala rin akong nakita ibang nakatira rito, kasi..puro mga katulong lang ang nakikita ko." Kuryosong tanong ko sa kaniya.
Tumayo na muna siya para ilagay sa maliit na drawer ang mga natupi niyang damit bago ako lingunin.
"Walang pamilya si Sir Cameron, siya lang ang nakatira rito pero sobrang strict niya pagdating sa kalinisan ng bahay," Bahagya akong natigilan sa narinig. "Maraming bawal sa bahay na 'to, Kallista. Lalo nang bawal pumunta o umapak sa may third floor dahil utos 'yon ni Sir Cameron. Doon kasi siya palagi nag-gagawi kapag wala siya sa trabaho, doon din pumupunta 'yong nga kliyente niyang mga mayayaman." Mahaba niyang paliwanag dahilan para bahagya akong mapaawang ngunit ang pangalan na kanina niya pa binabanggit ay pilit akong binabagabag.
Sir Cameron? Tsk, impossible naman. Impossible ang lampayatot na Cameron na 'yon ang tinutukoy niya dahil sa laki ba naman ng Pilipinas.
Natawa ako ng bahagya. "B-bakit? Ano bang..trabaho ni Sir..C-cameron?" Wala sa sarili akong napalunok bagay na napansin niya dahilan para matawa siya.
"Attorney, Kallista."
Hindi na ako nagtanong pa matapos non dahil kuntento naman na ako sa mga impormasyong kakailanganin ko para hindi pumalpak sa trabaho.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng kwarto at doon niluwa ang tatlong tao dahilan para sabay kaming mapatingin doon ni Shane.
"Kalorki! Inatake nanaman ng pagkatililingers si Sir Cameron ah? Naloka ang beauty ko sa kaniya, pinaglinis ba naman kami ng basement na punong-puno ng mga papeles? Pakiramdam ko 'yong alikabok napunta na sa brain ko!" Palahaw ng isang..bakla.
Tumawa ang babaeng kasama sa pagpasok. "Ang mahalaga naka-survive tayo habang kasama natin sa loob ng basement si Sir Cameron, Nancy."
"Tama na 'yan, trabaho ay trabaho." Dagdag ng panghuling babae.
Nanahimik naman sila matapos ng kanilang pagrereklamo nang mapatingin sila sa akin. Tumayo ako para batiin sila at para na rin makipag-kilala.
"Wow, chikababes ah?" Biro pa ng bakla sabay lapit sa akin gamit ang nakabaluktot na kamay. "Anong pangalan mo newbie?"
BINABASA MO ANG
Embracing His Innocence (Maid Series #3)
RomanceMaid series #3: ON-GOING Kallista Chinees Velasquez did not have a good life with her family even though they not related by blood. She just wanted to have a better life but the world didn't give it to her. Because of the hardships of life, she was...