Kailan ba niya ako titigilan?
Panay ang pagbuntong hininga ko habang ang paningin ko ay nasa kamay kong naglalaro na nakapatong sa dalawang hita ko.
"I'm still shocked knowing that you're working here, Kallista. Akalain mo 'yon? 'Yung dating bully naging maid." Patuloy pa rin siya sa pang-iinsulto na pilit ko lamang binibigyan ng pilit na ngiti, pilit ko ring pinipigilan ang 'wag siyang masuntok sa mukha.
Pilit akong tumawa. "Oo nga eh, 'di ko rin naman inakala." Muntik pa akong mapangiwi dahil doon ngunit hindi ko na 'yon napigilan nang magtama ang paningin naming dalawa ni Carol.
"Ano bang dahilan? Wala ba kayong pera pampaaral? O sadyang ayaw mo na talagang pumasok sa at or ga school?" Natatawa niya pang tanong.
Tumikhim ako bago umayos ng upo, pilit kong iniiwas sa kaniya ang paningin ko dahil natatakot akong baka 'pag 'di na ako makapagpigil ay tuluyan ko na siyang masuntok sa mukha.
"Both," Pagsisinungaling ko pa sa kaniya bago tuluyang tumayo. "Babalik na ako sa trabaho Carol, hintayin mo na lang dito si Sir Cameron." Pilit ko siyang tinanguan bago tumayo, bago pa man siya makapagsalita ay minabuti ko na lamang na iwan siya roon, wala na akong pakielam kung isumbong niya pa ako kay Cameron, pag-untugin ko pa sila pareho.
Tss.
"Sino ba 'yon, Kallista? Bakit parang inis na inis ka sa kaniya?" Natatawang tanong sa akin ni Shane nang makarating ako sa kusina, tumulong na ako sa paghihiwa ng mga rekados na lulutuin dahil tanghalian na.
Humaba na muna ang nguso ko dala ng inis bago sumagot, ang paningin ay nasa hinihiwa. "School mate namin ni Ca--" Mabilis akong natigilan dahil doon bago mapatikhim. "S-school mate ko noong high school, n-nagulat daw siya bakit daw bigla akong naging katulong."
"Gaga pala 'yon eh, choserang froggy! Ni-lang lang ang trabahong katulong? Hoy binabae para sabihin ko sa'yo na marangal ang trabahong katulong! Tseh!" Mabilis inawat nila Yannie si Nancy na mabilis namula at bumakas ang ugat sa kaniyang sentido.
Natawa ako. "Loka, baka mamaya bigla kang ipatokhang niyan."
"Dapat siya ang pinapatokhang, maganda nga nasa loob naman ang kulo." Ismid niya pa.
Napailing na lang ako dahil maski ako ay sang-ayon din naman sa sinabi ni Nancy. Hindi na namin napansin pa ang oras dahil sa sunod-sunod na trabaho, hindi ko na rin naman nakita pa si Carol.
"Ihanda niyo na 'yung mga pagkain sa hapag, dadating sila Sir Charles." Aligagang sambit ni Manang Tonya, kahit lito kung sino ang kaniyang tinutukoy ay pinili ko na lang din sumunod.
Naghanda rin kami ng wine sa hapag, sakto nang matapos kami ay nakarinig kami ng ilang busina sa labas dahilan para mabilis mapalakad si Manang Tonya papunta sa pintuan.
Napatikhim ako bago lingunin sila Shane. "Uh, sino ba 'yung dadating? Kliyente ni Sir Cameron?"
"Hindi, Kallista. Si Sir Charles ay Daddy ni Sir Cameron, dinig ko kasama ni Sir Charles 'yung bago niyang fiancee." Pabulong na sagot ni Shane ngunit nangunot ang noo ko nang mas lalo niya pang ilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. "Kaya nga galit si Sir Cameron sa Daddy niya, akala niya pinagpalit na ng Daddy niya ang Mommy niyang..matagal nang patay." Namilog nang bahagya ang mata ko dahil sa kaniyang sinabi.
Matapos niyang ibulong 'yon ay mabilis siyang umayos nang tayo na bahagya pang napapatikhim.
Shit, ang lala nga no'n. Kung ganoon din ang ginawa ni Mama sa akin, magagalit din ako pero malabong mangyari 'yon dahil inabandona naman na ako ni Mama. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon, tss.
BINABASA MO ANG
Embracing His Innocence (Maid Series #3)
RomantiekMaid series #3: ON-GOING Kallista Chinees Velasquez did not have a good life with her family even though they not related by blood. She just wanted to have a better life but the world didn't give it to her. Because of the hardships of life, she was...