Dumaan ang dalawang araw ay naging maayos ang takbo ng araw ko rito, mabuti na nga lang at hindi ko masyadong nakakasalamuha si Cameron dahil busy yata talaga siya sa trabaho.
"Hay kaloka! Nasisira na ang beauty ko, hindi na ako nakakapagbeauty rest." Ani ni Nancy dahilan para matawa kami ng bahagya.
Kasalukuyan kaming nagpupunas ng mga plato na hinugasan ni Pia, kaming dalawa ni Shane ang dapat magpupunas at magbabalik ng mga plato pero saktong wala nang ginagawa si Nancy kaya tumulong na rin siya.
"Nasaan ba 'yung family ni Sir?" Tanong ko maya-maya, ang paningin ay nasa plato lamang.
Nakakapagtaka kasing siya lang ang nakatira sa paglalaki-laking bahay na 'to. Nagpatayo pa siya ng malaking bahay kung siya lang at ang mga katulong lang ang nakatira rito, ano 'yon? Nagpatayo siya ng bahay para sa mga katulong?
Natawa si Nancy. "Ay nako day, 'wag na 'wag mong ipaparinig kay Sir papi 'yan. Naku talaga, 'pag nakakarinig 'yon about sa family niya nagsusuper sayan si pogi!" Ismid niya pa habang bahagyang nanlalaki ang butas ng ilong pati na rin ng kaniyang mata.
"Talaga? Bakit naman?" Hininaan ko ang boses ko.
"Hindi rin namin alam, Kallista," Sagot ni Shane sabay tingin sa akin. "Himala at naging interesado ka nang sobra kay Sir?" Aniya bago ngumisi nang malaki. "Bakit? Crush mo?"
Crush? Ha! Bakit ako magkaka-crush sa bansot na 'yon? Paniguradong 'pag pinakita ko ang dati niyang picture kila Shane paniguradong matatawa sila.
"Uy? Bakit nangingiti ang babaita? Jusme, naging delusional na ang gagita." Pang-aasar ni Nancy sabay tawa.
Napapahiya naman akong tumingin kila Shane na ngayon ay nanunuya na ang tingin sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kanila. "Hindi 'no, may naisip lang. Tsaka hello? 'Di ko type si Sir Cameron. Mas gwapo ang type ko." Taas kilay ko pang sagot dahilan para muli silang mapahalakhak.
Napatingin ako kay Nancy nang bigla niya akong paluin sa braso. "Choosy ka pa ah? Ay naku day, ang mga ganiyang peslak 'di na dapat nagiging choosy!" Aniya sabay hawak sa baba ko.
Kapal ha!
Sinamaan ko siya ng tingin bago tapusin ang ginagawa. Matapos non ay nagpahinga na muna kami saglit bago bumalik sa trabaho.
"Kallista, may pupuntahan kasi ako..puwede bang ikaw muna 'yung magpunas ng vase sa sala? Kikitain ko kasi 'yung boyfriend ko.." Lapit sa akin ni Niña maya-maya dahilan para mangunot ang noo ko. "Sige na Kallista, nagpaalam naman na ako kay Manang Tonya pero hindi siya pumayag hanggat 'di ko pa natatapos 'yung trabaho ko, eh anong oras na rin kasi..kaya please?" Pagmamakaawa niya pa sa akin.
Pinigilan ko ang 'wag mapaismid dahil doon, nagpakawala pa muna ako ng buntong hininga bago tumango sa kaniya dahilan para mabilis kong makita ang laki ng kaniyang ngiti.
"Yes! Sige na Kallista, una na muna ako ah! Salamat!" Aniya bago dali-daling tumakbo papunta sa kwarto nila.
Napailing na lang ako bago kumuha ng basahan dahil may trabaho pa ako sa library mamaya. Kumuha lang ako ng basahan para pamunas sa mga vase na nasa sala.
"Mukhang mamahalin ang mga 'to ah? Magkano kaya ang mahihita ko rito kapag binenta ko 'to?" Ngisi ko pa bago magsimula sa pagpupunas ng vase.
BINABASA MO ANG
Embracing His Innocence (Maid Series #3)
RomanceMaid series #3: ON-GOING Kallista Chinees Velasquez did not have a good life with her family even though they not related by blood. She just wanted to have a better life but the world didn't give it to her. Because of the hardships of life, she was...