Chapter 23

1.4K 32 8
                                    

Natapos ang naging salo-salo namin para sa umagahan. Hindi na ako nagkaroon pa ng oras na makausap si Lucas dahil mabilis na siyang nagpaalam na kailangan na rin niyang umalis.

"Mauuna na ako Kallista, sa susunod na lang ulit." Pilit ang kaniyang ngiti nang sabihin niya iyon sa akin bago bumaling sa katabi ko na ayaw na yatang humiwalay sa akin. "Cameron..bro.."

"Mmm, take care."

Muli pa akong sinulyapan ni Lucas bago tuluyang umalis. Makahulugan ko namang sinulyapan si Cameron na ngayon ay pinagtataasan na rin ako ng kilay, inilingan ko siya bago lumakad patungong kwarto, agad kong naramdaman ang pagsunod niya sa akin.

"Ikaw? Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ko sa kaniya habang nakatalikod sa gawi niya, muling rumihistro sa utak ko ang halik niya kanina dahilan para makaramdam ako ng ilang.

Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong hininga sa likuran ko. "Uuwi na rin, hinihintay ko lang 'yung kotse ko. Pinakuha ko sa driver ko." Umupo siya sa kama ko habang hinuhuli ang paningin ko.

Hindi na ako nagsalita pa matapos no'n, tinapos ko ang pag-aayos ng higaan. Bago pa man ako makalayo sa kaniya ay mabilis niya akong hinigit ngunit mas 'di ko inaasahang mapapaupo ako sa kaniyang hita.

"Cameron ano ba? Bitawan mo nga ako." Nahihiyang suway ko sa kaniya ngunit mas hinigpitan niya lamang ang pagkakayakap sa bewang ko.

"Mag-resign ka na sa trabaho mo at bumalik na sa bahay ko." Iyon ang lumabas sa bibig niya, mabilis naman akong napalingon sa kaniya dahil sa narinig ngunit mabilis ding nagsisi nang muntik nang maglapat ang labi naming dalawa. Agad kong iniwas ang paningin sa kaniya dahilan para marinig ko ang nakakapanindig balahibo niyang halakhak na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko.

Lumunok ako. "A-ano ka? Hibang? Kaka-apply ko lang sa trabaho ko, tsaka ayos na ako sa trabaho ko. Nakakapagod pero komportable na ako roon." Bahagya akong ngumuso, saglit nakalimutan ang posiyon naming dalawa.

"Hmm.." Muling nanindig ang balahibo ko sa pinakawalan niyang buntong hininga. "But I want you to stay beside me. Magtrabaho ka ulit sa akin, hindi bilang katulong sa bahay ko kung hindi para pagsilbihan ako. I can triple your salary. You choose." Nahimigan ko ang pagyayabang sa kaniyang boses.

Ang yabang ah? At ano raw? Para pagsilbihan siya? Hindi na talaga natigil ang pagpapantasya niya.

Sinubukan kong kumawala sa kaniya ngunit hindi niya ako pinagbigyan. "Ayoko! Ayoko sa bahay mo 'no, masaya na ako sa trabaho ko--"

"Masaya sa trabaho mo o masaya sa lalaking 'yon?" Batid kong si Jeff ang tinutukoy niya. Lumuwang ang pagkakayakap niya sa bewang ko dahilan para magkaroon ako ng tsansang makawala sa kaniya. Agad ko naman siyang hinarap dahilan para makita ko ang dilim ng kaniyang mukha. "Kasama rin ba sa trabaho niya ang hawak-hawakan ang kamay mo? Ha, Kallista?" Matabang niya pang sabi dahilan para ismiran ko siya.

"Huwag ka ngang OA, ginawa lang niya 'yon para pigilan ako! Pasalamat ka nga pinigilan niya pa ako kung hindi baka napaulanan na kita ng--"

"Ng ano?" Nanghahamong putol niya sa akin sabay ngisi. "Kung ng halik 'yan edi dapat hindi ka na nagpapigil, kasi malugod kong tatanggapin 'yang pagpapaulan mo ng halik, Kallista." Mariin niyang dagdag.

"Tss, umuwi ka na nga! Maliligo na ako!" Tanging pangtataboy na lamang sa kaniya ang nagawa ko dahil wala na akong maisip na na panama sa kaniya.

Embracing His Innocence (Maid Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon