Mabilis kong hinarap si Cameron na ngayon ay taas kilay nang nakatingin sa akin, may ngisi pa sa labi ang loko na animo'y kay sarap burahin sa mukha niya.
Dinuro ko siya. "Hoy, Sir. Anong ginagawa mo rito? At talagang sinabi mo pa talaga sa kanila na b-boyfriend kita kahit wala namang tayo!" Halos kumulo ang dugo ko sa kaniya, kaya pakiramdam ko ano mang oras may lalabas na usok sa ilong ko.
"I already said, Kallista. I just..miss you kaya dinalaw kita." Humalukipkip siya, asta siya pang lalapit sa akin dahilan para mapa-atras ako nang bahagya.
Inis kong sinuklay ang buhok ko habang nakikipagtitigan kay Cameron na animo'y pinapanood ang bawat galaw ko.
"Damn baby, kahit anong galaw mo hinahangaan ko." Tikhim niya pa dahilan para mas lalo ko siyang samaan ng tingin dahil pakiramdam ko may kung anong bagay ang kumislot sa sikmura ko.
Agad akong nag-iwas sa kaniya. "Tsk, umalis ka na nga. Bumalik ka na sa bahay mo, babalik naman ako sa trabaho eh." Unti-unti na akong huminahon bago lumakad palapit sa kama.
"Hindi ako aalis dito kung 'di kita kasama, pero kung magpupumilit kang dumito muna edi..makikitulog ako rito sa in--"
"Baliw ka! Sige subukan mo doon kita papatulugin sa bahay ni brownie." Inis kong putol sa kaniya na siyang nagpakunot sa kaniyang kilay.
Inirapan ko siya bago ilagay ang wallet sa side table.
Mabilis naman siyang napatikhim. "Yeah, whatever. Kahit saan mo ako patulugin ayos lang basta nasa iisang bahay lang tayo." Aniya pa.
Napailing na lamang ako roon at 'di na siya pinansin pa, tumayo naman ako para ilagay ang nakakalat kong damit na nakapatong sa upuan na nandito sa kwarto ko, agad kong pinasok 'yon sa loob ng cabinet ko.
"Y-you..also still have this?"
Mabilis kong nilingon si Cameron dahil sa narinig, bahagya akong natigilan nang makita ang picture frame naming dalawa dahilan para mabilis akong mapatikhim. Pinanood ko naman ang kaniyang reaksyon, bahagyang nakaawang pa ang mapulang labi na animo'y nabigla sa nakita dahilan para bahagya akong matawa.
"Oo naman."
Suminghap ako bago siya lapitan, bahagya ko ring hinawakan ang picture frame na hawak din niya, dahil sa nakita ay hindi ko nanaman napigilang matawa.
Umangat ang tingin ko kay Cameron na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin. "Mukha kang bansot dito, pero ngayon mas malaki ka na."
"Malaki lang?" Ngumisi siya dahilan para mawala ang ngiti sa labi ko. "Hindi lang naman ako ang lumaki, pati an--" Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay mabilis ko siyang dinagukan sa ulo!
"Aray!" Singhal niya habang nakahawak sa kaniyang ulo, ngingisi-ngisi ko namang kinuha ang picture frame sa kaniya.
"Ikaw kasi eh! Kapag tinuloy mo 'yan sinasabi ko talaga sa'yo, Cameron. Hindi lang bituin ang makikita mo ngayong umaga." Pananakot ko pa sa kaniya.
Mabilis naman siyang umayos nang tayo. "Hindi mo muna kasi ako pinatapos! Malaki na rin ang--"
"Cameron!"
"Pagmamahal ko! Malaki na rin ang pagmamahal ko sa'yo, Kallista. M-mas malaki kumpara noon!" Pagpapatuloy niya sa sinabi niya dahilan para sabay kaming matigilan.
Tinuloy talaga, tibay!
"Kung ano-ano kasi iniisip mo, bakit? Ano bang nasa isip mo, Kallista?" Kunot noo niya pang tanong ngunit mabilis ding ngumisi.
BINABASA MO ANG
Embracing His Innocence (Maid Series #3)
RomanceMaid series #3: ON-GOING Kallista Chinees Velasquez did not have a good life with her family even though they not related by blood. She just wanted to have a better life but the world didn't give it to her. Because of the hardships of life, she was...