Chapter 9

1.8K 43 6
                                    

Halos kalahating oras yata akong naghintay sa kinauupuan ko, at dahil hindi ko maintindinhan ang mga pinagsasabi nila ay hindi ko maiwasang makatulog pero napabalikwas ako nang makarinig ng kalabog.

"Hayop ka! Gago ka Cameron! Sinusumpa kong ipapaubos ko buong angkan mo! Magbabayad ka!"

Ibinaling ko sa paligid ang aking paningin ngunit tumama ito sa lalaking pilit hinahatak ng mga police. Nag-aalala akong nakatingin kay Cameron pero wala lamang siyang emosyong nakatingin dito.

Anong nangyari? Naipanalo niya ba 'yung kaso?

Tumayo ako ngunit sakto namang tumama sa akin ang paningin ng lalaking pilit hinahatak ng mga police palabas ng court trial.

Napalunok ako dahil sa dilim non hanggang sa tuluyan na siyang nahatak ng police palabas kaya minabuti kong tingnan muli si Cameron na siyang nakikipagkamay na kila Mrs. Lopez.

Lalapit na sana ako sa kaniya pero napahinto ako nang makita ang pamilyar na babaeng lumapit din sa kanila, hindi ko man rinig kung ano ang sinasabi ni Mrs Lopez, batid kong pinapakilala na niya ang anak kay Cameron na si..

Carol..

"A-anak nila si..Carol?" Gulat kong untag sa hangin habang nakatingin kay Carol na malaki na ang ngiti kay Cameron.

Muntik pa akong mapatalon nang saglit akong lingunin ni Cameron bago muling bumaling sa kanila. Maya-maya pa ay muli siyang nakipagkamay rito bago lumakad paalis sa harapan nila.

"Shit.." Dali-dali akong tumalikod nang mapunta ang paningin nila Carol sa gawi ko.

Hindi niya ako puwedeng makita! Nakakahiya! Hindi ko alam na makikita ko ulit si Carol na halatang bet pa talaga si Cameron!

"Let's go." Malamig na anyaya ni Cameron na mabilis ko ring tinanguan, kinuha ko na muna ang brief case niyang inilahad sa akin bago kami tuluyang lumabas sa court trial.

Napatingin ako sa kaniyang likuran habang nakasunod sa kaniya. "Napanalo mo ba 'yung kaso?"

Tss, bakit ko pa nga ba tinatanong e halata naman?

"Yeah." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko puno 'yon ng yabang kahit pa normal lang naman 'yon dahilan para palihim akong mapaismid.

Nakita ko kung paano niya paluwagin ang suot niyang necktie, hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa loob ng law firm.

Tahimik kaming pumasok sa loob ng kaniyang kotse, kahit nagsimula na siyang magmaneho ay panay pa rin ang paglingon sa kaniya.

"Stop looking at me, what is it?" Animo'y nauubusan na ng pasensya niya pang sambit sabay lingon sa akin nang bahagya, inayos niya rin ang suot niyang salamin sa mata.

Itatanong ko ba sa kaniya? Tsk. Eh paano ba kasi sila nagkakilala?

"Uhm ano," Tumikhim ako nang bahagya. "Kilala mo si..Carol? 'Yung anak ni Mrs. Lopez..?" Alinlangang tanong ko pa sa kaniya.

Ilang saglit siyang 'di sumagot bago magkapakawala ng buntong hininga.

"Yeah, she's my classmate when we're in seniors." Lumingon siya sa akin, animo'y gustong malaman ang magiging reaksyon ko roon.

Classmate sila? Sabagay..'di rin naman na ako natuloy sa pag-aaral kaya paniguradong marami ring nagbago matapos kong mawala.

Natahimik na lamang ako matapos non ngunit saglit akong nagtaka nang makitang hindi pauwi sa bahay niya ang tinatahak namin pauwi.

"Kumain muna tayo, nagugutom na ako." Sagot niya sa pagtataka ko ngunit 'di na lamang ako nagreact, isa pa gutom na rin naman ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina.

Embracing His Innocence (Maid Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon