Prologue

1.8K 65 11
                                    

One word to describe my face. Curse.

If I hadn't been blessed with a beautiful face, I wouldn't have lost my only family. My mother.

I witnessed how my mother was killed in front of me.

Isang masalimout na trahedya na ayaw ko nang balikan. Isang nakaraan na pilit kong ibinabaon at ayaw nang hukayin pa.

Halos hindi ko na maalala kung paano ako nagpatuloy sa buhay nitong nagdaang buwan. Ngunit sa tuwing sinusubukan kong kitilin ang sarili kong buhay, ang mga huling salita ng aking ina ang agad na pumapasok sa aking isipan.

"Live..."

I held on to my mother's last word and dreams for me to continue on living in this cruel world.

Tinitigan ko ang sarili sa harap ng salamin. My green eyes is defined by my long eyelashes, a thick arched eyebrows, striking cupids bow lips, pointed nose, and a fair skin, they all complement my face perfectly.

A beautiful face that attracts danger. A face that caused me misfortune.

Nilagay ko ang black contact lens sa aking mata para maitago ang kulay berde kong mata. Naglagay din ako ng wig para maitago ang light-brown kong buhok. Kinuha ko ang malaking eyeglasses sa mini table at isinuot. The black wig played a big part in hiding my original appearance.

If my face will cause the people around me to suffer and put them in danger, then, I'd rather hide this fucking face forever.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas sa dorm. Naabot ko ang isa sa pangarap ng aking ina para sa akin, ang makapasok sa Crestwood University.

The most prestigious school in the country, a university only for the rich. So I studied my ass off just to pass their scholarship exam.

I plan to stay low-key and unnoticeable while I'm at this university but life is really unkind to me. First day of school palang nakuha ko na ang atensyon ng isang taong guguluhin ang masalimout ko nang buhay.

Eros Trev Sylvestre, a jerk, a bastard, and an asshole!

Their family is known as a monster in the business industry. The Sylvestre Corporation is the largest conglomerate in the country and Eros will soon inherit their business empire.

Kahit hindi ako nanonood ng news o nagbabasa ng newspaper ay palagi kong naririnig ang apilyedo nila. Ganoon ka kilala ang pamilya nila.

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng malawak na field ng Crestwood University at nadadaanan ko ang mga estudyanteng nakaupo sa mga bench at nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bulong pa ba ang tawag diyan dahil rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi nila.

"Hindi ako makapaniwala na kaya niya pa ring pumasok sa kabila ng mga pranks nila Eros."

"True! And I've never seen him cry, not even once!"

"Hindi talaga bagay ang mga katulad niya sa school na 'to. Look at his hair! It's so dry! Parang hindi naligo ng isang linggo. Ew!"

"We were classmates in one of my subjects and no one really wanted to sit beside him."

"Kaya tama lang ang ginagawa nila Eros. Para na rin mapaalis ang mga katulad niyang parasite sa school natin."

"Look at his outfit. So baduy!"

Binalewala ko ang mga bulungan nila na kulang nalang isigaw nila sa tenga ko. Dahil sa insidente na nangyari sa first day of school ko ay naglaho ng parang bula ang inaasam kong tahimik na buhay sa loob ng university na 'to.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now