Chapter 3

581 35 1
                                    

Keiran's Point of view

Tulala akong nakatitig sa presyo ng sapatos. Paano ko 'yan babayaran? Kahit siguro tumigil ako sa pag-aaral at magtrabaho buong buhay ko sa karenderya ni Aling Lilya ay hindi ko mababayaran ang kalahati ng presyo ng sapatos niya.

Bakit ba ako napunta sa sitwasyong 'to. Hindi ko naman sinasadyang tapunan siya ng dala kong pagkain dahil may pumatid sa'kin.

"What? Cat got your tongue?" Mapanuyang sambit ng babaeng katabi ni Eros. Tiningnan ko siya at agad niya akong inismidan. I tried hard not to roll my eyes at her. She's really getting on my nerves.

Nilingon ko si Eros na nakatingin sa akin na para bang binabantayan ang bawat ekspresyon ko. I cleared my throat.

"Hindi ko sinasadyang tapunan ka. May babaeng pumatid sa'kin kaya dapat ding managot ng babaeng iyon, hindi pwedeng ako lang." Walang pag-aalinlangan kong sabi sa harapan nila. Dapat lang managot ang babaeng iyon kung hindi niya ako pinatid hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

"Nagrarason ka pa talaga at nangdadamay ng ibang tao? Why don't you just accept Eros' offer and become his dog? Tutal iyan naman ang nababagay sayo." Nagsalita na naman iyong babae at nakakainsulto akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Isang-isa nalang talaga 'to sakin.

"Nagsasabi ako ng totoo. Kung gusto mo tingnan natin sa CCTV at nang makita mo kung totoo nga iyong sinasabi ko?" Hamon ko sa kanya. May CCTV sa cafeteria kaya sigurado akong nakuhanan iyon.

"No need. I'm sure you're lying and I won't waste my time on you." Sabi niya at inirapan ako.

Napapaisip tuloy ako kung si Eros ba ang natapunan ko o siya? Dahil parang siya pa iyong mas gigil na gigil sakin.

"Well, aren't you wasting your time on me right now?" Pabalang kong sambit. Rinig ko ang singhapan ng mga estudyante sa paligid.

"Oh my god! Where did he get the nerve to talk back to Allison."

"He's really something but I still don't like him."

"I didn't even dare to look Allison in the eyes but he just... gosh!"

Bigla akong natauhan dahil sa mga bulungan. I think I just got myself into another trouble. But I can't let her provoke me like this.

Bumaling ako kay Allison na hindi makapaniwala habang nakatingin sa'kin. Nahagip ng mata ko si Eros na tahimik na nagmamasid pero may ngisi sa labi. Tahimik lang din ang mga kasama niya sa likod.

"What did you just—" Hindi niya na naituloy dahil nagsalita si Eros.

"Allison, Enough."

"B-but Eros he—"

Natigil ulit siya nang mas lumapit si Eros sa akin. Makahulugan itong ngumisi sa harap ko.

"Fine. I'll let you off the hook this time." Sabi niya pero ramdam ko sa boses niya na hindi iyon ang ang mangyayari. He won't let me off the hook that easily.

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad paalis.

"Bro, natapunan ka ng spaghetti pero bakit parang masaya ka pa?" Rinig kong tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

"I just found something amusing." Sabi niya at tuluyan nang naglakad paalis.

Tiningnan muna ako ng masama ni Allison bago sumunod kay Eros. Ang ibang kaibigan nila ay umupo ulit sa lamesa na para bang walang nangyaring kumusyon, ganoon din ang ibang estudyanteng nakiusyuso kanina.

May lumapit na babaeng staff ng canteen at nagsimulang maglinis ng kalat. Sinubukan ko pang tumulong pero pinigilan niya ako. Malapit na ang susunod kong klase kaya nagpasya ako wag nang kumain, sayang na din kasi sa pera.

Nakaupo ako sa likurang bahagi ng classroom at walang katabi. Hinihintay kong pumasok ang professor sa huling subject ko sa araw na 'to. Medyo matamlay dahil wala pa akong kinakain simula kaninang tanghali. Gusto ko nang umuwi sa dorm ko at kumain.

Hindi nagtagal ay dumating na ang professor at nagsimulang magturo. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko ng notes ay nagulat ako dahil may tumamang papel na binilog sa pinge ko at nahulog iyon sa lamesa ko.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng papel at nakita si Eros na kunwaring nakikinig. Nakaupo ito malayo sa'kin at katabi niya ang isa sa kasama niyang lalaki sa cafeteria kanina. Bakit nandito 'to? Wag mong sabihing kaklase ko siya sa subject na 'to?

Nagpabuntong hininga ako at inayos ang salamin na bahagyang nagulo. Tiningnan ko ang nakasulat sa papel.

"Brace yourself for tomorrow."

Nagtaka ako kaya nilingon ko ang banda niya. Nakatingin na siya sa'kin ngayon at suot na naman ang nakakainis niyang ngisi. Kinuyom ko ang kamao ko at bumaling sa harap. Ano bang problema niya? At anong ibig sabihin ng nakasulat sa papel?

Kinagabihan bago ako natulog ay sinearch ko sa internet ang pangalan niya. Dahil parang narinig ko na ang apelyidong Sylvestre.

Maraming lumabas na article tungkol sa kanya at sa pamilya niya. Binasa ko ang ilang article at laglag ang panga ko habang binabasa ang nakamit ng kompanya nila at ng ama niya.

Eros Trev Sylvestre, son of a business magnate, Theodore Sylvestre. His mother, Catalina Sylvestre, died when he was 8 years old. He studies at Crestwood University.....

Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa dahil sa panlalamig ng kamay. That's when realization hits me.

I got myself involved with a Sylvestre.

Wala ako sa sarili habang naglalakad papunta sa building ng first subject ko. Hindi ko alam kung anong oras ako natulog kakaisip kung anong magyayari sa'kin sa araw na 'to. Hindi rin nakatulong iyong nakasulat sa papel na ibinato ni Eros sa akin kahapon.

Lutang akong naglalakad, slowly accepting my fate. Bakit kailangang si Eros pa ang matapunan ko? I wonder what I did in my past life to deserve this. Life is really cruel to me.

Maybe, I should've just accepted his offer yesterday... but my pride wouldn't let me.

Nagulat ako dahil may biglang bumangga sa'kin. Napasinghap ako dahil natapon sa damit ko ang dala niyang spaghetti. Hindi nagsorry ang lalaki at agad na umalis.

May narinig akong tawanan at nakita ko si Eros at ang dalawang kasama niyang lalaki kahapon na nagtatawanan habang nakatingin sa direksyon ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Sinabi ko kagabi na iiwasan ko siya kaya pinigilan ko ang sarili ko kahit na gusto ko silang lapitan at komprontahin dahil halata naman na sila ay may pakana nito.

Kahit malapit nang magsimula ang klase ko ay bumalik pa ako sa dorm para magbihis. Dagdala na din ako ng extra na damit dahil ilalagay ko ito sa locker ko mamaya. Late ako sa first subject ko kaya pinagalitan ako ng prof. sa harap ng klase. Nakatungo ako habang nakikinig sa sermon niya.

Nung natapos ang lahat ng klase ko sa umaga ay naghanap ako ng makakainan at nakahanap ako ng pwesto sa likod ng auditorium. May malaking puno doon, may lumang bench sa gilid nito kaya doon ako umupo at kumain. Presko ang hangin at wala masyadong estudyanteng napapadpad dito. Pagkatapos kumain pumunta ako sa locker ko para ilagay ang damit na dala pero pagbukas ko ay halos isuka ko ang lahat ng kinakain ko nang bumungad sa akin ang tatlong patay na daga. Tangina. May idea na agad ako kung sino ang may gawa nito.

Pinapatay ko sa utak ko si Eros habang kinukuha ang daga at nilalagay sa plastic na pinaglagyan ko ng damit. Para na akong mahihimatay sa sobrang baho. Napapalayo ang mga estudyanteng nadadaanan ako dahil umaalingasaw ang baho sa hallway.

Ipinikit ko ang mga mata sa sobrang inis. This is hell on earth.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now