Chapter 4

572 36 1
                                    

Keiran's Point of view

Nakamasid ako sa paligid habang naglalakad papunta sa susunod kong klase. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa kung ano mang kalokohan ang gagawin nila sa'kin ngayon. Kahapon ay muntik na akong nalate na klase ko dahil nilinis ko pa ang locker ko at kung magpapatuloy pa 'to ay baka magising nalang ako isang umaga na wala na akong scholarship.

Napahinga ako ng maluwag dahil ligtas akong nakarating sa classroom. Umupo ako sa kadalasan kong inuupuan. Pumasok ang ang professor at agad nagsimulang magturo.

Dumating ang lunch nang walang nangyayari sa akin. But I must not let my guard down because the devil might be hiding somewhere and waiting for the right opportunity to attack.

Para akong praning na lumilinga-linga sa paligid habang binubuksan ang ang baon kong pagkain. Nang nasigurong walang tao ay nagsimula na akong kumain. Nandito ulit ako sa likod ng auditorium at nakaupo sa lumang bench.

Napaangat ako ng tingin nang naramdamang may papalapit. Isang medyo maputi na lalaki at payat. Nakatungo ito habang naglalakad patungo sa direksyon ko.

Napa-alerto ako dahil baka isa ito sa mga alagad ni Eros. Natigil siya nang napansin ako at nag-angat ng tingin. Gulat siyang napatingin sakin, bumaba ang tingin ko sa hawak niyang kulay berdeng lunch box. Dito din ba siya kumakain?

Inayos niya ang salamin niya. He looks familiar but he has a generic face so maybe I just mistook him for someone else.

Nakita kong tumalikod ito at akmang aalis ng pinigilan ko siya.

"Teka lang!" Pigil ko sa kanya. Napahinto siya at dahan-dahang pumihit paharap sa'kin.

"B-bakit?" Utal na sabi niya. Hindi ito makatingin ng deretso sa'kin.

"Uh... dito ka ba kumakain tuwing lunch?" Tanong ko.

"O-oo..."

Wala namang tao nung kumain ako dito kahapon. Akala ko pa naman ako lang ang pumupunta sa lugar na 'to para kumain, may nauna na pala.

"Oh, pasensya na wala kasing tao dito kahapon noong kumain ako. "

"O-okay lang, aalis na lang ako—" Sabi niya na agad kong pinutol.

"Huwag na, maluwag naman ang bench kaya dito kana umupo at baka abutan kapa ng bell kung maghahanap ka pa ng makakainan." Sabi ko. Kita ko ang pagdadalawang isip niya pero kalaunan ay umupo naman. Tahimik niyang binuksan ang lunch box niya.

"Bakit dito ka kumakain? Binubully ka rin ba nila?" Biglang tanong ko at sumubo ng kanin. Nagulat siya sa biglaan kong pagtatanong kaya matagal pa bago siya nakasagot.

"Hindi naman, a-ayaw ko lang sa maraming tao." Naiilang na sabi niya. Muntik pang nahulog ang kutsara niya nang napalakas ang pagbukas ng lunch box niya.

Bahagya pa akong napatingin sa laman nito dahil may mga desinyo ang mga pagkain sa loob. Siya ba may gawa niyan?

"Ako nga pala si Keiran," Pakilala ko.

"D-denver..." Sabi niya at tumingin sa'kin pero agad ding umiwas. Iniisip ko na baka naiilang siya dahil sa itsura ko, but I think he's just awkward around people.

"Okay lang ba kung dito ulit ako kumain bukas?" Tanong ko sinusubukang pagaanin ang ang hangin sa pagitan naming dalawa.

"Okay lang naman," Sagot niya at deretso lang ang tingin sa pagkain niya.

Hindi na ulit ako nagtanong dahil halatang naiilang siya. Naka-upo siya sa pinakadulo ng bench habang ako ay nasa kabilang dulo. Tahimik lang kami habang kumakain.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now