Chapter 1

917 37 1
                                    

Keiran's Point of view

Sinarado ko ang pinto at nilock. Nilingon ko si Manang Nelly at ibinigay sa kanya ang susi.

"Salamat po sa lahat, Manang Nelly." Sabi ko at ngumiti.

Siya ang may-ari ng bahay paupahan na tinirhan namin ni mama. Malaki ang naitulong niya sa amin sa sampung taong pangungupahan namin dito. Wala itong asawa, sabi niya ay hindi niya daw kailangan ng lalaking mag-aalaga sa kanya dahil kaya naman niyang buhayin ang sarili niya.

"Ano ka ba! Parang anak na ang turing ko sayo, hindi ka na iba sa akin." Nakangiting sabi niya pero kita ko ang pangingilid ng luha niya.

"Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo nitong nagdaang buwan pero kung may problema ka at nahihirapan huwag mong sarilihin, okay? Pumunta ka lang sakin... nandito lang ako at makikinig sayo. W-wag mong uulitin iyong ginawa mo..." Hindi niya maituloy ang sinasabi, nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo sa isang mata niya.

Niyakap ko siya, naiintindihan ko kung bakit ganito ang nararamdaman niya. She's seen how suicidal I've been this past month. She even witnessed one of my attempts to take my own life.

"I'm sorry, Manang. Hindi ko na po uulitin iyon, pangako." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya. She helped me a lot in my recovery. She took me to a physiatrist and I underwent treatments for a month. Malaking pera ang nagastos niya sa akin sa pagpapagamot kaya gusto ko siyang bayaran kapag nakaipon na ako, agad niya akong tinanggihan noong binanggit ko iyon sa kanya pero babayaran ko parin siya kahit anong tanggi niya.

Nang kumalma na siya ay hinarap niya ako.

"Masaya ako na nakapasok ka sa Crestwood University. Mahirap makapasok sa paaralang 'yan pero nakaya mo kaya sigurado akong proud na proud sayo ang mama mo." Ngumiti ako sa sinabi niya.

"Isa 'to sa mga pangarap niya para sa'kin kaya alam kong masaya siya... kung nasaan man siya ngayon." Itinago ko ang lungkot na gustong kumawala sa boses ko. Tinitigan niya ako nang matagal bago nagsalita.

"Oh, siya! Humayo kana, mahirap pa naman humanap ng masasakyan dito. Tulungan na kita sa mga bagahe mo." Hindi ko na siya napigilan nang kinuha niya ang maleta ko at naunang bumaba sa hagdan. Inayos ko ang nakasukbit kong backpack at kinuha ang itim na duffel bag tsaka bumaba.

Pagbaba ko ay nagulat ako dahil may taxi na doon at nilalagay na ng driver ang maleta ko sa compartment ng sasakyan. Madalang ang mga sasakyan na dumadaan dito kaya nakakagulat na may natyempuhan agad si Manang Nelly.

"Keiran! Saktong may dumaan na taxi pagbaba ko kaya dalian mo na!" Sigaw niya kaya agad akong naglakad papunta sa kanya.

Paglapit ko ay kinuha ni Manong driver ang duffel bag at nilagay sa compartment. Pumasok na si Manong sa driver seat kaya nilingon ko si Manang Nelly.

"Bibisita po ulit ako dito. Wag niyo pong pababayaan ang sarili niyo." Ngumiti si Manang Nelly at tumango.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong 'to?" Sabi niya at nag-aalalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa mukha ko at nagtagal ang tingin niya doon. Natanto ko kung ano ang tinutukoy niya.

"Opo, ayaw ko pong maka-attract ng maraming atensyon sa bago kong papasukang paaralan at para na rin hindi na maulit iyong nangyari noon." Sabi ko at bahagyang ngumiti. Tumango siya, naiintindihan ang dahilan ko.

"Sige na, mag-iingat ka." Sabi niya. Niyakap ko siya bago pumasok sa loob ng taxi.

"Thank you, Manang! Alis na po ako!" Paalam ko habang kumakaway, ngumiti siya at kumaway pabalik. Nawala na siya sa paningin ko nang umandar na ang taxi. Umayos ako sa pagkakaupo at huminga ng malalim. Pumikit ako at inalala ang nakangiting mukha ng aking ina.

"Ma, I achieved one of your dreams for me, I got into Crestwood University. I'm going to start this new journey without you by my side... it's hard but I'm going to go on with life because I know that's what you want me to do." I whispered.

Halos isang oras ang byahe bago kami nakarating sa Crestwood University. Itinabi ni manong ang taxi sa gilid. Lumabas ako at tinulungan si Manong sa pagkuha ng mga bagahe ko.

"Bayad ko po, Manong." Sabay abot ng pera kay manong pero nagtaka ako nang tumanggi siya.

"Nag-abot na sa akin ng bayad iyong babaeng kasama mo kanina." Sabi niya na ikinagulat ako. Si Manang Nelly?

"U-uh... ganoon po ba. Sige po, salamat." Sabi ko. Pinanood ko ang pag-alis ni Manong. Ibinalik ko ang pera sa aking bulsa. Si Manang Nelly talaga, kahit sa huli ay tinutulungan pa rin ako.

Pumihit ako paharap at tiningala ang nakakalulang gate ng Crestwood University.  Dumeretso ako sa maliit na gate sa gilid para doon pumasok. Hinarang pa ako noong guard na nagbabantay pero agad kong ipinakita ang papeles na nagpapatunay na isa ako sa mga scholars ng school na 'to at agad naman akong pinapasok.

Kinuha ko sa bag ang mapa ng school na ibinigay sa'kin noong pumunta ako dito para kunin ang results ng exam ko, kasama na ding binigay ang class schedule ko at kung saang building ang dorm ko.

Sa sobrang laki ng Crestwood University ay kanailangan pa ng mapa. Hinanap ko sa mapa ang lokasyon ng dorm ko nang mahanap ay naglakad na ako. May nadadaanan akong iilang estudyante, napapatingin sila sa akin at nagbubulungan. Inayos ko ang malaking eyeglasses at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sino 'yan? He doesn't look like a student here."

"I don't know, maybe, a new janitor of the school?"

"Bakit may naligaw na pulubi dito? Magtawag ka nga ng guard!"

"Hey! Stop it! Look oh? May hawak siyang map ng school, baka isa sa mga scholars."

"Bakit ba kasi tumatanggap ng scholars ang Crestwood University? Hindi sila bagay sa school na 'to. Nasisira lang ang image natin dahil sa kanila."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga naririnig.

Nagulat ako nang nakita ko sa mapa na may mall dito sa loob pero medyo malayo sa kinaroroonan ko ngayon kaya hindi ko matanaw.

Seriously? May mall sa loob? Well, ano pa nga bang ene-expect ko sa isang pinaka prestihiyosong paaralan ng bansa.

Pagkalipas ng kalahating oras ay narating ko na ang building ng dorm ko. Muntik pa akong naligaw kahit may mapa ako. Tiningala ko ang limang palapag na building. Ang sabi sakin noong isa sa staff ng school ay para lang ito sa mga scholars. Pumasok ako at dumeretso sa hagdanan. Nasa fifth floor ang room ko, kahit hindi pa ako umaakyat ay parang hinihingal na ako. Huminga ako nang malalim at sinimulang akyatin ang hagdanan habang hilahila ang maleta at bitbit ang duffel bag. Kung gagawa sila ng building na may limang palapag, sana man lang naglagay sila ng elevator dito.

May nakasalubong pa akong isang lalaking pababa. Napatitig siya sa mukha ko at alanganin akong nginitian at nilagpasan. Natanto kung hindi nga talaga kaaya-aya ang mukha ko dahil kahit scholars ay iniiwasan ako. I really don't care, that works good for me.

Hinihingal ako nang makarating ako sa floor ko. Kung sino mang poncio pilato ang gumawa ng building na 'to sana pinutok ka nalang ng papa mo sa kumot! Feeling ko tuloy inakyat ko ang Mount Everest dahil sa sobrang pagod ko.

Hinanap ko ang room number ko at agad ko namang nahanap. Kinuha ko ang susi sa bag at binuksan ang pinto. Pumasok ako at bumungad sa akin ang isang maliit na kama, isang maliit na closet, at sa tabi ng bintana ay ang study table. Nagtaka ako dahil may isa pang pinto kaya pumasok ako, akala ko ay banyo pero nagulat ako nang nakitang isang maliit na kusina iyon. May nakita akong isa pang pinto at tingin ko ay iyon na ang banyo. Hindi ko na tiningnan at dumeretso na sa kama at humilata. Ang sakit ng balakang ko!

Ang bigat bigat ng maleta ko tapos ipapaakyat pa ako hanggang fifth floor. Nasaan ang hustisya!

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now