Chapter 5

596 35 5
                                    

Keiran's Point of view

Pagkabalik ko sa classroom ay nagtuturo parin si Professor Delgado. Humingi ako ng permiso sa professor na pumasok at tinanguan ako nito. Habang naglalakad papasok ay ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko na nakapukol sa'kin hanggang sa nakaupo na ako sa aking upuan.

Natapos ang klase pero hindi na bumalik si Eros. Bigla akong nanlamig nang natanto ang ginawa. Hindi ko maipagkaila na medyo malakas ang pagsipa ko sa kanya kanina.

Pabagsak akong humiga sa aking kama at napahawak sa sintido. Kung ano man ang mangyayari sa akin bukas ay wala na akong pakialam. Paniguradong galit na galit sa'kin si Eros dahil sa ginawa ko pero kung iisipin ay self defense 'yong ginawa ko.

Right! It's a self defense. If he hadn't done that to me I wouldn't have kicked his little junior. Segunda ng isang tinig sa aking isipan.

Maaga akong akong natulog kaya maaga rin akong nagising. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at kumain ay bumaba na ako. Hindi na ako nagreklamo sa pagbaba sa hagdan galing fifth floor dahil para na rin naman itong morning exercise para sa'kin.

Naglalakad ako papunta sa unang klase ko nang biglang may humablot sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa likod ng building na kasalukuyang nere-renovate.

Agad kong inangat ang aking tingin at sinalubong sa akin ang matalim na tingin ni Eros.

What now? Huwag mong sabihin na bubugbugin niya ako kaya niya ako dinala dito sa likod ng building na 'to.

"Bakit mo ako dinala dito? Sasaktan mo ko? Bubugbugin? " Matapang kong asik sa kanya.

"Do you think I'm that heartless? I wouldn't do that to someone whose body is as fragile as a glass." He replied and looked at me from head to toe.

I laughed mockingly at what he said. Galing pa talaga sa bibig niya ang mga katagang iyan. May puso ka pala sa lahat ng mga ginawa mo sakin?

"But you are, though?"

Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya. I smirked. Umiling siya nang nakita ang ngisi ko.

"I don't think you should act like this after what you did to me yesterday. I almost died from the pain, you know that?" Seryosong sambit niya kaya unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko at napalunok. I did go a bit too far but it's still his fault why I did that!

"Y-you deserve it." Sabi ko pero hindi na makatingin sa mga mata niya. Alam kong masakit talaga iyong ginawa ko pero kasalanan niya padin!

Narinig kong tumawa siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I'm just teasing you. You don't have to go overboard and kick me in the balls."

"Anyone would do what I did if some maniac suddenly sniffed their neck." Sabi ko na naging dahilan ng pagsalubong ng kilay niya.

"What—"

"Tsaka bakit mo ako dinala dito? Para ba marinig ang sorry ko? You should also apologize to me. Don't you think you've gone too far with your teasing?" I said and emphasized the last word.

Nakita ko kung paano nagkasalubong ang kilay niya.

"Why would I do that? I just happened to smell your neck while whispering in your ear and I'm just telling the truth that you smell good—"

"Stop it! If you won't apologize, I won't either! Kaya quits na tayo." Deretsong titig ko sa kanya. Nilalabanan ang matalim niyang tingin sa'kin.

A Sylvestre would not stoop so low and apologize to someone like me. Not that I expected him to.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now