Chapter 8

1.4K 62 29
                                    

Keiran's Point of view

I could not help but feel swept away by the intensity of Eros's gaze. It felt as if I was drawn in by his hazel eyes, despite my attempts to maintain self-control under the pressure of his piercing stare. I saw his eyes move down to my lips, and I felt my heart begin to race at an alarming pace.

Napatigil sa pagtawa ang dalawa nang napansin na hindi tumawa si Eros.

"Is something wrong, bro?" Nagtatakang tanong no'ng medyo moreno kay Eros. Napabalik ako sa realidad dahil sa tanong ng kaibigan niya pero si Eros ay hindi man lang natinag. Umiwas ako ng tingin, naglakad ako at nilagpasan sila.

Napahawak ako sa dibdib ko at hanggang ngayon ay mabilis pa din ang tibok ng aking puso. What's this? Am I having a heart disease? Fúck, should I visit a doctor and get it checked? But, I don't have the money nor the time to visit a doctor.

Narinig kong tinawag ako ni Eros pero hindi ko na ito nilingon.

Nasa room ako at ilang minuto nalang ay mag be-bell na. Nilingon ko ang banda nila Abby dahil hindi ito matigil sa pag-iyak at mugto na ang mga mata nito. Hindi rin siya matigil sa pag-sasalita habang ang kaibigan niya ay pilit siyang pinapakalma. Noong Martes ay mugto rin ang mata niya no'ng nakita ko siya.

"Bria, tell me! Am I unattractive?! Pangit ba ako?!" Naghihisteryang tanong ni Abby sa kaibigan. Wala itong pakealam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga kaklase namin.

"Abby, calm down. Hindi ka pangit, okay?" Sabi ni Bria habang hinahagod ang likod ni Abby.

"Then, why did he reject me... twice." Medyo humina ang boses niya sa huling salitang sinabi.

"Bakit ka ba kasi nagconfess ulit sa kanya?"

"I just thought maybe he was simply occupied due to his father's accident, which is why he rejected me the first time. So, I decided to confess again, just to take a chance. But, he rejected me again." Mahabang lintaya niya sa kaibigan at may bahid ng lungkot ang boses niya habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"The worst part is, Allison heard about it, and now she's making fun of me on social media! This whole situation is so frustrating!" The tone of her voice was laced with anger. Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha.

Hindi nagtagal ay may lumapit na dalawang babae.

"Abby, we've heard about what happened. Are you okay?" Nag-aalalang tanong no'ng isa sa mga babaeng lumapit.

"Do I look okay to you?" Abby replied with a sardonic tone. Magang-maga na ang mata nito at halata naman na hindi siya okay.

Napailing nalang ako at nangalumbabang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko maintindihan bakit baliw na baliw ang mga babae kay Eros. Sure. He's handsome and wealthy, but his personality? It's completely rotten to the core.

"Abby naman, concern lang kami." Rinig kong sabi no'ng babae sa nag-aalalang boses. Bahagya ko silang nilingon at nakita kong umupo iyong isang babae at hinagod ang likod ni Abby. "I think you should just... forget about him and just move on. There are plenty of other people out there who are far better than Eros."

"Oh, come on, Kyla. There's no one who's better than Eros, you know that!"

Hindi ko mapigilang umismid sa sinabi ni Abby. No one's better than him, huh? Really?

Dumating nalang ang professor ay hindi pa din tumigil sa pag-iyak si Abby kaya inutos na ng professor na dalhin ito sa infirmary at doon pakalmahin. Lahat kami ay nakatingin sa kanila habang inaalalayan siya ni Bria palabas.

"I never expected her to be so crazy about Eros. How pathetic."

"I really can't stand her. Feeling niya siguro makukuha niya lahat."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now