Chapter 2

624 32 3
                                    

Keiran's Point of view

Pagkatapos kong tanggalin ang wig, eyeglasses, at contact lens ay umidlip muna ako ng kaunti at nang nagising ay napagpasyahan kong ayusin ang mga damit at iba pang gamit na dala. Mga damit ang laman ng maleta ko, sa duffel bag naman ay mga canned goods, noodles at iba pang personal na gamit. Nang matapos kong ilagay ang mga damit ko sa closet sinunod kong inayos ang mga pagkaing dala ko sa kusina. May mini ref kaya doon ko inalagay ang mga canned goods at iba pang pagkain na dala, mabuti nalang at meron nang mga gamit dito sa kusina ang akala ko ay ako pa ang bibili. Medyo kakaiba ang dorm ng Crestwood University sa mga nakikita ko sa palabas na may mga kama lang at study table tapos banyo. Ang akala ko nga ay may kasama ako pero wala akong nadatnang tao at isa lang ang kama.

Ang unang plano ko talaga ay bumili ng rice cooker at bibili nalang ng bigas. Bumili din ako ng canned goods at ibang ready to eat na pagkain para makatipid. Kailangan ko pa namang mag ipon kaya mabuti nalang at natanggap ako sa isang karenderya pero medyo malayo sa school. Wala akong pagpipilian, sinubukan kong mag apply sa fastfood o 'di kaya'y sa mga café na malapit lang dito sa school pero hindi ako natatanggap. Alam ko naman ang dahilan dahil tuwing nakikita nila ang itsura ko ay nag-aalinlangan sila.

Mabait naman si Aling Lilya, may-ari ng karenderyang pagtatrabahuan ko. Pumayag siyang tuwing weekends lang ako magtatrabaho doon. Sakto lang din yung sweldo kaya hindi na masama.

Pagkatapos kong mag-ayos sa kusina ay dumeretso ako sa kama at kinuha ang backpack ko. Inilabas ko ang mga laman dahil ito ang gagamitin ko bukas. Kinuha ko ang isang maliit na picture frame na may picture naming dalawa ni mama. This was was taken on my 15th birthday. We are both smiling in the picture, she has green eyes like me. Mas matingkad nga lang yung sa'kin.

Minsan ko nang naitanong kay mama kung bakit ganito ang kulay ng mga mata namin. Ang kwento ni mama sa'kin ay iniwan daw siya ng ina niya sa bahay ampunan pagkatapos mabuntis ng isang foreigner sa pinagtatrabahuan nitong bar. Iyon 'yong sinabi sa kanya ng isa sa tagapag-alaga ng mga bata doon na kaibigan ng ina niya. Hindi na daw macontact 'yong ina niya pagkatapos nun.

Namana ni mama ang berdeng mata nong foreigner at namana ko naman ito pagkatapos.

Nilagay ko ang picture sa bedside table. Matagal ko iyong tinitigan, malungkot akong ngumiti. Iniwas ko ang tingin ko sa picture at nagpatuloy sa paglalabas ng mga gamit sa backpack. Ginugol ko ang buong araw ko sa pag-aayos at paglilinis ng dorm ko. Nilagay ko muna sa closet iyong mga gamit para sa disguise ko. Mabuti nalang talaga at walang akong dorm mate dahil paniguradong mahihirapan ako.

Noong gumabi na ay nagluto lang ako ng noodles. Pagkatapos kumain ay naglinis ako ng katawan at maagang natulog dahil maaga ang first subject ko bukas.

Halos patakbo akong naglakad makarating lang sa building ng first subject ko. Hindi ko inakalang medyo malayo ang building sa dorm ko. Nang narating ko ang room ay agad akong pumasok.

Nakita kong napatingin ang iba sa akin sabay nagbubulungan, 'yong iba ay nilingon lang ako at bumalik sa ginagawa. Bumuntong hininga ako at umupo sa unahan. Nagulat ako dahil biglang umalis iyong dalawang nasa likod ko. Sinundan ko sila ng tingin at umupo sila malayo sa'kin.

Inayos ko ang salamin ko nung dumating na 'yong professor. Pinakilala niya yung sarili niya at nag check lang ng attendance, binigyan niya lang kami ng pointers sa subject na edi-discuss niya at pinakawalan kami pagkatapos. Nagpasalamat ako dahil nasa second floor lang ng building na 'to ang sumunod na subject.

Gusto kong magmura habang nakasakay sa elevator papuntang second floor. Malapit lang naman pero sumakay na ako ng elevator para mabilis.

"Ayos, dalawang palapag lang 'tong building na 'to pero nagawang laygan ng elevator. Nahiya naman yung limang palapag naming dorm." Bulong bulong ko.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now