Chapter 1

58 5 0
                                    

Sa kalaliman ng hatinggabi.

May mag-inang walang pagod na tumatakbo sa napakalawak at mahamog na palayan. Animoy mga ibon na nagpupumilit na umalpas sa tiyak nilang kamatayan.

May humahabol sa kanila., dalawang taong walang damit at nakapaa, at naguunahan pa sila., mga hayok sa laman at para bang hindi kumain ng mahabang panahon.

"Mama, malapit na sila!" takot na sambit ng walong taong gulang na lalaki sa kanyang ina.

Tumigil ng saglit ang babae at lumingon sa kanilang likuran., itinutok ang hawak niyang 38 kalibre pistola sa mga humahabol at ipinutok ito ng ilang ulit.

Tinamaan niya sa tiyan at sa kaliwang balikat ang binaril niya at kapwa napaluhod ang dalawa., ngunit ilang saglit lang ay bumangon agad sila at parang walang naramdaman ang mga taong iyon. Ipinutok muli ng ina ang kanyang baril hanggang sa maubos na ang bala nito. Ngunit hindi na napahinto ng baril ang mga manunugis. Kinarga nalang ng babae ang bata para mas mapabilis ang kanilang pagusad.

Sa wakas ay may natanaw silang ilaw ng mga kabahayan sa di kalayuan., dalidali silang nagtungo doon., malayo palang ay simisigaw na ang babae at humihingi ng tulong. Ngunit pag dating nila doon ay nagpatay ng ilaw ang nga kabahayang naroon. Lalong dumilim ang paligid.

"SAKLOLO! TAO PO! TULUNGAN NYO KAMI! sigaw nila habang kinakalampag ang bawat pinto ng bahay na kanilang madaanan.

Nilingon ng bata ang palayan., wala siyang nakitang tao ngunit patuloy pa din ang pagkatok nila at paghingi ng tulong.

"SAKLOLO! TAO PO! TULUNGAN NINYO KAMI! PARANG AWA NYO NA!"

Laking tuwa ng babae nang makarinig siya ng langitngit ng nagbukas na pintuan ng bahay sa kanilang likuran at may tumawag sa kanila.

"Ale ale, dito po biliiis!!!" Mahinang tawag sa kanila ng isang babae na nasa loob ng napakadilim na bahay kubo ilang metro lang ang layo mula sa kanila.

Nilingon muli ng bata ang palayan., nakita niyang naroon na ang mga manunugis.

Nagmadaling tinakbo ng magina ang bukas na bahay ngunit sa kasamaang palad ay natapilok ang babae at nadapa siya. Ilang hakbang nalang ang bata sa bukas na pinto nang mapansin niyang naiwan na pala niya ang kanyang ina.

Nakita ng bata ang pagtakbo ng dalawang tao. Ang isa ay papunta sa kanyang ina, at ang isa naman ay papunta sa kanya. Sasaklolohan sana ng anak ang kanyang ina ngunit biglang may humablot sa kanyang likuran at binitbit siya nito papasok sa loob ng bahay.

Sinunggaban ng isa ang babae ngunit hindi naabutan ng ikalawang manunugis ang bata., katakatakang tumigil lang ang taong iyon sa harap ng nakabukas pang pintuan ng bahay kubo.

Para bang may nakaharang sa pintuan na tanging siya lang ang nakakakita at hindi niya magawang pasukin ang bahay na iyon. Di din nagtagal at nilisan ng lalaki ang bukas na pintuan at tinungo ang ina ng bata na nagsusumigaw sa paghingi ng tulong.

"MAMAAA!!! MAMAAAA! MAMAAA!!! Nagpupumiglas at umiirit na sigaw ng bata.

At bago pa maisara ang pinto ng bahay ay nakita pa ng anak kung paanong lapain ng dalawang nilalang na iyon ay kanyang ina.

STAB Epsisode 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon