Samantala...sa tindahan naman nila Aling Terya. Habang naroon si Lando at kumakain ng meryenda, ay dumating doon si Hermie (46)., residente din ng Silanguin. Nang makita ni Hermie si Lando ay tuwang tuwa ito.
"Lando! mabuti at narito ka na, kanina pa ako nagpapabalik-balik dito kaso wala ka kanina!"
"Bakit po, ano po yun Mang Hermie" Tanong ni Lando.
-----
Bago umuwi ay dumaan muna si Dante sa bahay ni Mang Levy (Levy Bacuran, 60) na kaibigan at kasamahan sa pananabas ng kanyang ama. Pagdating sa bahay ay nakita niyang nagwawalis sa bakuran si Donato (Donato Santillan, 12), isang ulila, at katiwala ni Levy sa kanilang bahay.
"Donat! Kamusta?!" Bati ni Dante sa bata.
"Uy kuya Dante, Nandito na po pala kayo! Kamusta din po?!"
"Hehe, mabuti naman, Andyan ba si Tatang Levy mo?"
"Opo! andun po sa likod, tumuloy na po kayo."At pumasok nga sa loob ng bahay si Dante.
Malaki at napakaluma na ng bahay ni Mang Levi ngunit maayos at malinis pa ito., napakarami din at napapalamutian ang bahay ng mga antigong mga gamit., mula sa mga lamesa, upuan, tukador, at kung anu-ano pang mga lumang bagay.
Ngunit may napansin si Dante., wala na roon ang ang mga koleksyong mga rebulto o estatwa ni Levy., dahil noong araw ay nagkalat ang mga rebulto ng mga santo doon at kahit saan ka lumingon ay mayroon ang bawat sulok sa loob ng bahay na iyon.
Ngunit nang mapadaan si Dante malapit sa kusina ay nakita niyang nakatipon lang pala sa isang silid ang mga koleksyon ni Levy. Pumasok si Dante sa silid na iyon.
Mahigit kumulang sa labing anim na rebulto ng mga santo na kasing laki ng mga tunay na tao ang naroon., bukod pa sa mga maliliit., ang iba ay natatalakbungan ng puting kumot at ang iba naman ay wala. Nilapitan at Tinitigan niya ang mukha ng isa sa mga estatwang naroon.
Kahit napakaganda at napakapulido ng pagkakagawa sa mukha ng babaeng estatwa, ay hindi padin nawawala kay Dante ang kilabot na nararamdaman niya sa tuwing titingin sa mga ito., isang pakiramdam na simula pa noong kabataan hanggang sa tumanda na siya ay hindi nawawala sa kanya.
"Wag kang mag-alala at hindi na ako lumuluhod sa mga rebultong iyan." wika ni Levy.
"Mang Levy, kamusta po?! Bati ni Dante.
"Eto at maayos naman ako iho. Ikaw kamusta na?"
"Dumaan lang po ako para ipaalam sa inyo na narito na ako., gusto ko din pong makapagpasalamat sa inyo ng personal, sa lahat ng mga tulong ninyo sa amin ni inay."
"Wag mo nang alalahanin iyon., ang totoo, matagal na kaming may usapan ng tatay mo na kung sino man ang matira sa aming dalawa ay titingnan niya ang pamilya ng maiiwan namin.
"Bakit nandito pa po ang mga ito?" Tanong ni Dante na ang tinutukoy ay ang mga rebulto ng mga santo.
"Hanggang ngayon Hindi pa din ako makapaniwala na may kinalaman ang mga bagay na ito sa mga kalaban natin... wag kang magalala at naghahanap lang ako ng mga taong kayang buhatin ang mga iyan at dahin sa likod para sunugin. Gusto mo bang ako pa o si Donato ang gumawa noon?"
Napansin naman ni Dante ang maraming malalaking garapon na naglalaman ng mga patay na Binhi/Bato Ng Aswang at nakatipon sa madilim na sulok ng silid na iyon.
"Mang levy kung ako sa inyo, tigilan nyo na ang pagkolekta ng mga batong iyan, imposible na malaman ninyo kung saan nagmumula ang mga iyan." Mungkahi ni Dante.
"Hindi, hindi, hindi maari., Dante, ganito nalang kakaunti at malapit nang magbunga ang lahat ng pinaghirapan ko, ipapakita ko sa iyo! Basta't magdala ka pa ng mga binhi na makukuha mo sa susunod na manabas ka ulit." Katwiran ng matanda.
"Mang levy, nakapagdesisyon na po ako, hindi na po ako mananabas, ayoko na."
"Haah! Tigilan mo ako., Ayoko na, ayoko na, maraming beses na ding sinabi sa akin yan ng tatay mo dati."
At napatigil sila ng paguusap ng ilang saglit tapos ay lumabas sila ng bahay at nagpunta sa terasa.
"Wala padin po ba kayong balita sa kanya?"
"Wala pa din iho, ang totoo ay hindi ko alam., hindi ko din alam ang sasabihin ko sa iyo para mawala ang pagaalala mo sa kanya, basta., 'wag tayong mawawalan ng pag-asa."
"Hindi nadin po ako magtatagal Mang Levi"
"O sya sige ikamusta mo nalang ako sa inay mo pag uwi mo, minsan dadaan daan din ako sa inyo para bumisita, magiingat ka iho."
"Sige po!"
"Ah, Dante sandali!"
Nagbalik sa loob ng bahay si Levy at may kinuha sa tukador na isang bagay na nakabalot sa puting tela at iniabot iyon kay Dante.
"Hindi mo ba kukunin to?"
"Ah, muntik ko na ding makalimutan., mabuti po at naitabi nyo ito. Salamat po Mang Levy!" Pagkatapos niyang taggapin ang bagay na iyon ay umalis na sa bahay si Dante at siya'y umuwi na.
-----
Nang masabi naman ni Hermie ang kanyang problema kay Lando.
"Naku pasensya ka na Mang Hermie, dahil hindi kita matutulungan sa ngayon., Alam nyo naman po na hindi muna ako tumatanggap ng ganyang trabaho., saka may anak na din po ako kaya medyo nagiingat-ingat po ako sa ngayon." wika ni Lando
"Ah ganoon ba? Sayang naman., sige, wag kang magalala at naiintindihan naman kita."
"Teka nariyan na nga pala si Dante, kahapon lang dumating"!
"Hah?! Ganoon ba?!"
"Oho! Kaso sa tingin ko, hindi din yun pupunta sa inyo, alam nyo bang nakulong siya? Nung nakausap ko siya e, parang ayaw na niyang manabas ulit., pero subukan 'nyo pa ding kausapin siya baka pumayag din."
"Sige, sige, at pupunta ako sa kanila." Natutuwang wika ni Hermie.
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...