Pagkauwi ni Dante ay naisipan niyang magpunta sa breakwater (pinagtumpok tumpok na malalaking bato) sa dalampasigan upang mamingwit doon. Isa sa mga paboritong libangan ng binata.
At makalipas ang ilang minuto ay dumating na roon si Hermie.
"Oy! Dante?! Dante! Tawag ni Hermie.
"Uy, Mang Hermie! Kamusta po?!
"Eto ayos naman, Mabuti at narito ka na., Galing na ako sa bahay ninyo eh at nasabi nga sa akin ng nanay mo na nandito ka daw."
"Ah, ano pong atin?"
"Ah., Dante may pakisuyo lang sana ako sa iyo, may problema kasi kami ng misis ko eh."
"Ano po ba yun?"
"Dante, baka pwede mo namang tauhan ang bahay namin kahit ilang gabi lang?" Hiling ni Hermie.
Nang marinig ni Dante ang winika ni Hermie ay napasimangot ang kanyang mukha at napakamot siya sa kanyang ulo. Dahil naisip niya na parang ayaw siyang lubayan ng dati niyang trabaho. Napansin naman siya ni Hermie.
"Ah, May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Hermie.
"Wala naman po., pero sa totoo lang po Mang Hermie, simula po nang makulong ako, eh parang ayoko nang manabas ulit eh."
"Ah, ganun ba! Tama nga si Lando., O sya, sige, sa tingin ko ay pupunta nalang ako sa kabilang bayan at doon nalang ako hihingi ng tulong." Malungkot na wika ni Hermie.
Ngunit hindi agad umalis doon si Hermie at pinanood muna niya ang ginagawa ni Dante.
"Ano bang ginagawa mo riyan?" Tanong ni Hermie.
"Eto po, namimingwit!"
"Namimingwit? Naku, wala ka nang mahuhuli ngayon diyan! Marami na kasing mga bangkang de motor dito sa atin. Kaya siguro nawala ang mga isda riyan ay dahil sa nabubulabog ng mga dumadaang bangkang de motor na papunta sa laot." Paliwanag ni Hermie.
At may dumaan ngang bangkang de motor malapit mismo sa pinaghagisan ng kawil ni Dante.
"Ganoon po ba?... Ano po bang problema ng misis nyo?" Tanong ni Dante.
"E, si Thelma kasi., sa awa ng Diyos nabiyayaan na kami ng anak, apat na buwan na siyang buntis ngayon., sabi niya, hindi nya maintindihan yung nararamdaman niya kapag gabi na., hindi naman siya ganoon noong mga nagdaang buwan, ilang gabi na din siyang hindi nakakatulog., tapos nitong nakaraang linggo lang, nagising nalang siya na may sugat sa kaliwang braso niya., parang hiniwa. Hindi naman namin malaman kung saan niya nakuha ang mga sugat nya., pagkatapos nun, nang mga sumunod na araw., bawat gising nya sa umaga., may bago siyang sugat na nakikita sa ibat ibang parte ng katawan nya, Nakakapagtaka dahil kahit anong pisil niya sa sugat niya ay wala siyang nararamdamang sakit. Hindi niya nararamdaman ang sakit pero nakikita ko sa itsura niya na parang namumutla at nanghihina din siya., nagaalala ako sa kanya pati na din sa dinadala niya., Dante., hindi ako makapapayag na may mangyari sa bata. Alam mo na, matagal na din naming inaantay na magkaanak saka tumatanda na din tayo."
Sa narinig ni Dante mula kay Hermie ay sigurado siyang aswang nga ang may gawa noon.
"Dante, hindi kaya si Julian iyon?" Hinala ni Hermie.
"Hindi siguro, kilala ko si Mang Julian., hindi ganoon ang istilo niya. Hindi nagtatago si Mang Julian kapag mayroon siyang gustong biktimahin. Alam ko iyon dahil minsan ko na siyang nakaharap sa ibang lugar., isa pa, sa tagal na ni Mang Julian dito, kahit isang beses hindi sya nangbiktima ng kababayan nya."
"Ah! Dante, may sasabihin ako sa iyo, sa atin-atin lang ito ha?
"Ano po ba iyon"?
"Alam mo ba yung poultry at piggery doon sa Sitio Aguas?" Mahinang wika ni Hermie habang palingon lingon pa sa paligid.
"Opo, bakit po?"
"Alam mo bang ako talaga ang may-ari nun."
"Hah? Talaga po?!" Gulat na wika ni Dante.
. "Oo, pinapalabas ko lang na si Matt ang may-ari 'non pero ang totoo ay ako talaga."
"Ah, ganoon po ba? Mayaman pala kayo Mang Hermie! E, bakit naman kailangan nyo pang itago na kayo talaga ang may-ari ng lugar na yon?"
"Ah, E alam mo naman dito sa atin, magkaroon ka lang ng kaunti, akala nila napakayaman mo na., utang dito, utang doon., pag hindi mo nabigyan ikaw pa ang masama., kapag napahiram mo naman, hindi mo alam kung kailan ka mababayaran., kapag siningil mo, sila pa ang galit., umiiwas lang ako sa mga taong ganun!"
"Hehe oo nga naman., E bakit naman po ipinaalam ninyo sa akin ngayon na kayo ang may-ari nun?"
"Dante, kung mahuli mo kung sino man ang gumagawa ng kademonyohan sa asawa ko., bukod sa perang ibabayad ko, pwede ka ding kumuha sa poultry at piggery ng kahit anong hayop doon na magustuhan mo." Alok ni Hermie.
"Kahit ano?!" Duda ni Dante.
"Oo, kahit ano!" Ano?!
"Sandali lang Mang Hermie, mamimingwit muna ako.
"Bakit mo pa kailangang mamingwit e babayaran naman kita, at bibigyan pa nga kita ng mga hayop ko?"
"Kapag nakahuli ako ng isda dito, ibig sabihin ay may nahuhuli dito., ibig din sabihin, hindi ko na kailangang manabas pa para mabuhay." sagot ni Dante.
Napasimangot naman ang mukha ni Hermie at napakamot sa ulo, at bago pa siya sumagot sa sinabi ni Dante ay may humigit nga sa pamingwit ni Dante.
"O mang Hermie, akala ko ba wala nang nahuhuli dito! Mukhang malaki ito oh?! Ang bigat eh." Bulalas ni Dante habang hinihila paitaas ang kanyang pamingwit.
Ngunit nang maiangat na ng husto ang pamingwit ay nakita ni Dante na isang malaki at kinakalawang na lata ang huli niya.
"Hehehe, Sige po Mang Hermie at pumapayag na ako!
At isinama nga ni Hermie si Dante sa kanilang bahay. Medyo liblib ang kinatitirikan ng bahay nila Hermie. Nahaharangan lang ng kawayang bakod ang maluwang na bakuran. Marami din at malalago ang mga halaman at may ilan ilan ding mga puno doon. Mayroon ding aso at mga gansa na pagala-gala sa loob ng bakuran. Napakalayo ng kanilang kapitbahay at mga susunod pang mga kabahayan doon.
Tiningnan ni Dante at inobserbahan ang paligid. tinitingnan niya kung saan posibleng tumigil o nakapwesto kung meron ngang aswang na aalialigid sa bahay.Pumasok din si Dante sa loob ng bahay at inalam ang ayos doon., kung saan nakapwesto ang sala, kusina, banyo at kwarto. Pinuntahan din nila ang kwarto ng magasawa.
Pag pasok nila roon ay inabutan nilang natutulog si Thelma. Sa unang tingin ay mukha namang maayos at walang sakit si Thelma. Ngunit nang lapitan ni Dante ang babae ay nakita nga niya na marami itong manipis na hiwa sa ibat ibang parte ng kanyang katawan., sa pisngi, sa balikat, sa braso, at hanggang sa kanyang mga paa. Pagkatapos ay lumabas ng bahay sina Hermie at Dante at nagpunta sila sa veranda.
"Sige po mang Hermie at pupunta po ako dito mamaya. wag nyo nalang po akong tingnan kung narito ako. Sinasabi ko na po sa inyo ngayon palang na tatao ako dito mamaya hanggang sa buong magdamag. Maliwanag po ba?"
"Sige, sige, naintindihan ko., ikaw ang bahala. Maraming maraming salamat!" Tuwa ni Hermie
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...