Nagpangbuno silang muli at nagpagumon gumon sa lupa. Hinimatay naman si Thelma sa takot nang masaksihan niya ang nangyayari., agad siyang nilapitan ng asawa at ipinasok muli sa loob ng bahay.
Inamba ni Berto ang kaliwa niyang kamay na may matutulis na mga kuko sa mukha ni Dante., agad namang nahawakan ni Dante ang kaliwang braso ni Berto, tapos ay inuntog ni Dante ng kanyang ulo ang mukha ni Berto ng tatlong beses, at sa ika apat na beses na pag-untog ni Dante ay doon na nabasag ang suot niyang maskara.
Duguan ang mukha ni Berto at napahiga siya sa lupa., ngunit hindi bumitaw ang bunganga nito sa braso ni Dante. Niluhuran nalang ni Dante ang kanan at kaliwang braso ni Berto tapos ay pinagsususuntok niya ang mukha nito. Hindi naman maiputok ni Hermie ang hawak niyang shotgun dahil baka matamaan niya si Dante.
Ilang ulit pang sinuntok ni Dante ang mukha ni Berto ngunit hindi padin bumitaw ang bunganga nito. Halos maligo na sa sarili niyanag dugo ang buong mukha ni berto noon. Nagsimula namang manghina si Dante., mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang mga bilin sa kanya ng kanyang ama.
"Kung maaari at hindi naman kailangan., Huwag na huwag kayong papatay." Kabilinbilinan ng ama ni Dante.
Hindi nga pumapatay ng mga aswang ang mga mananabas sa Silanguin., ito din ang malaking kaibahan nila sa ibang mga mananabas sa ibang nayon.
Dahil ang pangkaraniwang ginagawa ng mga mananabas sa mga aswang., ay kung hindi man nila sila mapatay sa engkwentro, ay huhulihin nila ang mga ito at ihaharap sa mga taong naging biktima nila, at pagkatapos ay dadalhin sila isang tagong lugar at doon sila susunugin ng buhay.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay nagdadalawang isip si Dante. Susuwayin ba niyang muli ang bilin ng kanyang ama? Minsan na niyang sinuway ang utos ngunit hindi naging maganda ang kinahinatnan niya., paano at saan niya itatago ang bangkay kung sakaling makapatay siyang muli? Handa ba siyang magbalik sa kulungan? Paano ang kanyang ina? Mga tanong na gumulo sa kanyang isip ng mga sandaling iyon.
Sinuntok muli ni Dante ng tatlong beses ang mukha ng aswang ng buong lakas at pwersa ngunit hindi padin bumitaw ang kanyang panga.
Wala nang iba pang paraan., binunot ng binata ang mahiwagang balaraw na nakasukbit sa kanyang likuran., at nang itaas na niya ito para isaksak sana kay Berto ay doon na bumitaw si Berto sa braso ni Dante.
Napaupo si Dante dahil sa pagod at napahawak sa kanyang braso., napahawak naman sa kanyang duguang mukha si Berto at namaluktot ang kanyang katawan dahil sa sakit.
"Mang Hermie, Dali!" Tawag ni Dante. mabilis namang lumapit si Hermie at pinatihaya nila si Berto.
"Pigilan mo ang balikat niya, wag na wag mo siyang hayaan na makagalaw." Wika ni Dante.
Pumuwesto sa ulunan ni Berto si Hermie at pinigilan niya ng mahigpit ang magkabilang braso nito. Si Dante naman ay niluhuran ang dalawang hita ni Berto tapos ay may kinuha siyang isang bagay sa kanyang likurang bulsa. Ang "Tungkab" o pangtanggal ng Bato o Binhi ng Aswang.
Isa itong makinis na bato na may kakaibang hugis, dalawang pulgada ang kapal at may butas sa gitna na kasing laki ng isang lumang piso. Itinapat ni Dante ang butas ng Tungkab sa pusod ni Berto.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni Berto na nanghihina pa.
Tapos ay pinagala ni Dante ang Tungkab sa buong tiyan ni Berto., parang may hinahanap si Dante na nasa loob ng tiyan ng aswang., mayamaya pa ay may bumukol sa kaliwang tiyan ni Berto., nasaktan at nagpupumiglas siya.
AHH?! Anong ginagawa mo? HUWAAAG! Sigaw ni Berto.
"Wag kang mag-alala at hindi ka mamatay!" wika ni Dante.
Pinasunod ni Dante ang bumubukol sa tiyan ni Berto gamit ang Tungkab na hawak niya., mula sa tagiliran, papunta sa sikmura, hanggang sa dibdib, tapos sa lalamunan. Ngunit habang ginagawa iyon ni Dante..
"Dante, anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ni Hermie.
Dahil kitang kita ni Hermie na naghihilom ang mga sugat at gasgas sa katawan ni Berto. Bumalik sa normal ang kanyang kamay, nawala ang bali ng kanyang balikat, nawala ang mga pangil at mahabang dila, at nagbalik nga sa normal na tao si Berto.
At nang mapatapat sa bunganga ni Berto ang Tungkab ay mayroon doon lumabas na isang maliit na bagay at sumiksik iyon sa butas ng batong hawak ni Dante. Ang Itim na Binhi o Itim na Bato.
Isang bagay na mas malaki lang ng kaunti sa holen, kulay itim at mukang utak ng tao kung titingnan ng malapitan, mayroon din itong animoy parang maliit na pakpak ng ibon sa magkabilang gilid., gumagalaw pa at mistulang tumitibok.
Lahat ng aswang ay nagtataglay ng bagay na iyon at doon nagmumula ang kanilang lakas at kapangyarihan. Iyon din ang dahilan kung bakit sila kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao.
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...