At nang makauwi na si Dante sa kanilang bahay...
Binuksan niyang muli ang kanyang baul., ang baul na iyon ay naglalaman ng kanyang mga kagamitan at sandata sa pananabas., inilabas niya ang laman ng baul isa-isa.
Naglalaman ang baul ng:
Apat na ibat ibang uri ng tabak
Isang Kana-I
Dalawang pares ng itim na arnis
Apat na balaraw
Mga kahoy na Pitsakwero,
Anim na "Tungkab" (ang pangtanggal ng binhi ng aswang),
Isang bugkos ng mga pito
Ang Walong Bote ng Langis Na Hindi NauubosAt ang bagay na iniabot ni Mang Levy na nakabalot sa puting tela. Nang tanggalin ni Dante ang tela ay naroon ang "Pangil". Isa itong balaraw na dalawa ang talim.
Pangil ang tawag ng kanyang ama sa balaraw na iyon. Ang kabuuan ng balaraw ay yari sa bakal mula sa talim nito hanggang sa puluhan., Kulay itim na mamula mula., may hugis bilog sa gitna nito na parang mata. Yupi-yupi ito at mukhang mapurol, ngunit hindi.
Hindi na bago sa paningin nina Lando, at Arman at iba pang nakakakilala kay Dante ang balaraw na iyon., ngunit ang hindi nila alam ay nagtataglay ito ng hiwaga at kakaibang kapangyarihan.
Pagsapit ng alas nueve ng gabi ay naroon na si Dante sa labas ng bakuran ni Mang Hermie. Matapos magpahid sa katawan ng isa sa walong langis ay naghanap na siya ng pwestong mapagtataguan.
Ang ginamit niyang langis ay para maitago ang kanyang amoy sa mga aswang. Pagkatapos magpahid ay sumiksik na siya at naupo sa likod ng malagong halamanan itinalakbong niya sa kanyang katawan ang suot na pinasadyang Kana-I.
Inilabas din ni Dante ang isa pang bote ng langis at inilapag sa kanyang tabi., ang langis na kumukulo kapag mayroon nang aswang sa paligid.
Pumikit muna si Dante at sinubukang umidlip dahil alam niyang hindi pa dadating sa mga ganoong oras ang hinihintay niya.
9:30 ng gabi., Kasalukuyang nagaayos ng kanilang higaan si Hermie., hindi siya mapakali., gusto niyang tingnan kung naroon nga si Dante. Lumabas siya ng bahay at tumigil sa balkunahe., tiningnan niya ang paligid., wala naman siyang nakikitang tao. Bumaba pa siya sa balkunahe at tumingin-tingin ulit sa paligid.
"Hermie ano bang ginagawa mo riyan? Pumasok kana nga dito!" Tawag pa ni Thelma.
"Oo, susunod na ako!" sagot naman ni Hermie.
"Dante?! Dante?! Mahinang tawag ni Hermie.
Napadilat naman si Dante at napahawak siya sa kanyang tabak.
"Dante?!" Dante?!" Tawag muli ni Hermie.
"Sinabi ko na sa inyo na wag nyo na akong kamustahin kung talagang narito ako?" Mahinang boses ni Dante.
Nagulat naman si Hermie nang marinig ang boses ngunit kahit anong tingin niya sa paligid ay hindi niya makita kung saan nanggaling ang nagsalita.
"Ah, wala ka na bang kailangan dyan?"
"Pumasok na kayo sa loob Mang Hermie at ako na po ang bahala dito."
"O sige, sige! Kape, gusto mo ng kape?"
"Mang Hermie, pumasok na po kayo sa loob at matulog na po kayo!"
"O sige, pasensya na." At pumasok na nga sa loob ng bahay si Hermie.
"Hah?! Ang kulit!?" At pumikit na muli si Dante at umidlip.
At makalipas ang dalawang oras ay kumahol ang aso nila Hermie. Nang marinig ni Dante ang kahol ng aso ay naalerto siya. Dahan dahan siyang gumalaw at tiningnan niyang mabuti ang paligid ng bahay.
Hindi niya inaalis ang paningin sa bahay hanggat hindi tumitigil ang aso sa pagkahol. Dahan dahan pa niyang hinawi ang mga halaman para makita ng husto ang bahay., ngunit wala siyang nakitang tao. Tiningnan din ni Dante ang bote ng langis sa kanyang tabi at nakita niyang hindi ito kumukulo. Di kalaunan ay tumigil din sa pagkahol ang aso.
Naupo lang muli si Dante at nagantay, inilabas ang mahiwagang balaraw na naksukbit sa kanyang likuran. Tinusok tusok iyon sa lupa para malibang, habang hawak ang balaraw ay naisip niya ang nagbigay nito sa kanya., ang nawawala niyang amang si Danyael., Isang bantog na mananabas sa Silanguin.
Huli niya itong nakita 6 na taon na ang nakakaraan, ngunit malinaw na malinaw pa din sa kanyang alaala nang huli niyang nakita ang ama na nagpaalam kay Anita.
May nakapagsabi na nakita siya sa malayong nayon at patuloy na nakikipaglaban sa mga masasamang nilalang., may sabi-sabi din na nasawi na siya ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi padin nakikita ang kanyang katawan. Sa kakaisip at kahihintay ni Dante ay hindi niya namalayan na nakatulog siyang muli.
At nang makalipas muli ang dalawang oras ay kumahol muli ang aso at naalimpungatan si Dante. Ngunit sa pagkakataong iyon ay kakaiba na ang kahol ng aso., mabilis ang pagkahol nito at galit na galit., ngunit ilang sandali lang at narinig ni Dante na parang napaiyak ang aso at tumigil agad ito sa pagkahol.
Pagtingin ni dante sa kanyang tabi ay nakita niya na walang tigil sa pagkulo ang bote ng langis. Inihanda ni Dante ang kanyang sarili., tinanggal sa kanyang katawan ang natitirang antok na nagpahimbing sa kanya.
Pinakiramdaman niya ang paligid., napagalaman niyang tumigil ang mahinang simoy ng hangin., kumalma din at naging maalinsangan ang paligid., Katakataka din dahil tumigil ang mga kuliglig sa paghuni. Ang mga gansa ay tumigil din sa paggalaw at nasa iisang direksyon ang kanilang mga ulo., napakatahimik. Minatyagang pang maigi ni Dante ang paligid ng bahay.
Maya maya pa ay may nakita siyang anino ng tao na aali-aligid sa bahay ni
Mang Hermie. Mabilis iyong kumikilos ngunit hindi naririnig ang kanyang mga kaluskos. Pasinghot-singhot, palakad-lakad at hindi mapakali., lumapit pa iyon sa dingding at suminghot-singhot doon. Pagkatapos ay pumasok ang taong iyon sa butas na kawayang harang ng silong.Nang makita iyon ni Dante ay dali dali niyang kinuha ang kanyang bag at kumuha ng isa pang langis doon. Ang langis naman na ginamit niya ay para maging kaamoy siya ng isang aswang.
Nagbibigay din ito ng karagdagang lakas ng katawan para makakilos na katulad din ng isang aswang. Mabilis niyang pinahiran ang kanyang mukha, buhok, batok, at braso,. ipinasok nalang ni Dante ang kamay sa loob ng kanyang damit para mapahiran din ang kanyang katawan., Isinukbit ang tabak sa kanyang beywang., itinupi paitaas ang pantalon hanggang sa tuhod., hinigpitan ang kanyang sandalyas., pinahiran din niya ng langis ang kahoy na pitsakwero at ang maskara ng bakunawa, pagkatapos ay isinuot iyon., tapos ay pinuntahan na ni Dante ang butas ng silong kung saan may taong pumasok doon.
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...