Sa loob naman ng kanilang bahay, habang naghahanda ng makakain si Anita.
Palibhasa ay nawala ng mahigit isang taon si Dante., pakiramdam niya ay para siyang bisita sa sariling tahanan. Natutuwang tinitingnan ang bawat sulok ng kanilang bahay., natutuwa siya sa bagong ayos at pwesto ng mga gamit doon., ang mga luma nilang kagamitan sa sala, ang bagong pwesto ng mga lumang larawan na nakasabit sa dingding, ang mga bagong kagamitan sa kusina, at kung anu-ano pa.
"Bakit hindi ninyo nilipat ng ibang pwesto itong Kampilan at Kris ni itay?" tanong ni Dante.
"Ah, wala naman, alam mo na, pagbalik nun, baka magalit iyon pag nakita niyang nasa ibang lugar iyang mga koleksyon niya." sagot ni Anita habang nagsasandok ng kanin sa kaldero.
"Hindi padin siya bumabalik?" malamlam na tanong muli ni Dante.
Umiling lang si Anita sa anak.
"O, heto at kumain ka na., kung alam ko lang sana na ngayon ka dadating, e di sana ay nakapangutang ako sa kapitbahay at naipagluto sana kita ng masarap."
At magkasalong kumain ang mag-ina.
"Anak, pasensya ka na kung hindi kita nadalaw sa kulungan ha., alam mo naman na hindi na ako pwedeng bumyahe ngayon sa malalayong lugar."
"Wag po kayong mag-alala., wala naman po sa akin iyon."
"Nagustuhan mo ba iyong Librong ipinadala ko sayo?"
"Opo! nagustuhan ko po., napakalaki po ng naitulong sa akin ng mga iyon habang nasa loob ako... "
".. Inay, maitanong ko lang., saan nga pala kayo kumuha ng pera para ipinangbayad sa abogado ko?"
"Anak, marami kang natulungan., nakalimutan mo na ba? Humingi din ako ng tulong sa kanila., nang malamaan nila na nakulong ka., hindi sila nagdalawang isip na tulungan ka din. Wag mo na ngang alalahanin 'yon., ang mahalaga, nandito ka na." paliwanag ni Anita.
Ngunit hindi kumbinsido si Dante sa dahilan ng ina dahil isang prominenteng tao sa abogasya ang nakuha ni Anita para magtanggol sa kanya sa hukuman.
"Oo nga pala, alam mo noong wala ka, naikwento sa akin ni Lando., marami daw ang naghahanap sa iyo. Siguro may ipapatrabaho. Ang balita ko, ang lalaki nga daw ng halaga na inaalok nila eh., hindi naman matanggap ni Lando, alam mo naman, hindi yun lumalakad ng mag-isa o walang kasama., wala din kasi dito si Arman eh., anim na buwan nang wala, hindi namin alam kung nasaan at alam mo ba..."
"Sandali, sandali., ibig sabihin gusto ninyo padin akong manabas hanggang ngayon? Matapos akong makulong?" sabat ni Dante.
"Ah, e, naikwento ko lang naman., pero kung gusto mo at hindi kita mapipigilan, bakit hindi."
"Hehehe?! Alam nyo inay, hindi ako makapaniwala! Akala ko kasi pag nakalabas na ako ng kulungan at makabalik na ako dito., akala ko ikaw yung unang-unang tao na pipigil sa akin para manabas ulit. Inay, sa totoo lang., mula po ng makulong ako ay parang nagdadalawang isip na ako kung mananabas pa ba ako o hindi na."
"E, Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mo, kaso ano naman ang papasukin mong trabaho, e hindi ka nga nakatapos ng highschool eh., isa pa, mas lalo ka lang mahihirapan ngayon na makahanap ng trabaho, ngayon pang nakulong ka."
"Haay! Kakarating ko lang eh? Inay, Hindi nga ako nakatapos, pero ipapakita ko sa inyo, makakahanap din ako ng totoong trabaho, makikita 'nyo." Pagmamalaki ni Dante sa ina.
Pagkatapos kumain ay pinuntahan niya ang kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nahiga muna siya sa kanyang papag na wala pang sapin. Nagmunimuni., napatingin sa kanyang kanan sa dingding., Naroon at nakasabit ang Walong Maskara ng Bakunawa na yari sa kahoy. Sa likod naman ng mga maskara ay kapansinpansin ang mga nakaukit na markang guhit sa dingding., napakarami at halos mapuno ang dingding ng mga marka. Naupo siya ng ilang sandali., mayamaya ay tiningnan ang ilalim ng papag., nakita niyang naroon ang kanyang baul. Hinila niya ito palabas at binuksan., at nang makita na niya ang laman ng baul ay tinakpan niya itong muli at ibinalik sa ilalim ng papag.
Kinaumagahan...Hindi pa man sumisikat ng husto ang araw ay maaga nang gumising si Dante. Naligo at nagayos ng kanyang sarili., pasipol sipol pa siya habang nakaharap sa salamin at isinusuot ang butones ng kanyang polo. Pagkatapos mag-almusal ay lumabas na ng bahay si Dante at nagpunta sa bayan para maghanap ng mapapasukang trabaho.
Mula sa pabrika ng mga tela, sa isang security agency, hanggang sa kargador ng mga bigas sa palengke, sa isang barber shop, tapos ay tricycle driver, kahit maging kasama sa pangingisda ay nagtanong-tanong siya kung may bakanteng trabaho, at marami pang iba., ngunit kahit isa ay walang gustong tumanggap sa kanya., at ang iba naman ay wala talagang bakanteng pwesto para sa trabaho., hanggang abutin na siya ng alas onse ng umaga at nagpasya siya na umuwi nalang at ipagpatuloy ang paghahanap ng trabaho kinabukasan.
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...