Nagising nalang si Thelma dahil sa naririnig niyang ingay sa labas ng kanilang bakuran. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang kanyang asawa na binubugbog si Berto na nakagapos sa isang puno sa kanilang bakuran. Si Dante naman ay nakaupo sa hagdan ng balkunahe at kasalukuyang nagbebenda ng kanyang mga sugat sa braso.
"Kamusta po?" Bati ni Dante kay Thelma.
"M-may kagat ka?" Nagaalalang tanong ni Thelma.
"Wala po ito!"
"Hindi ka ba magiging katulad niya?"
"Wag po kayong magalala at hindi po ako magiging katulad niya...Kung meron po ako nito (ipinakita ang Itim na Bato) at nakagat pa niya ako, may posibilidad maging aswang din ako." Paliwanang ni Dante.
Nang matapos sa pagbebenda si Dante ay nilapitan niya si Hermie at inawat ito.
"Mang Hermie, tama na po iyan." Awat ni Dante.
Ngunit parang walang narinig si Hermie at nagpatuloy lang siya sa pananakit kay Berto.
"Tama na Hermie, patawarin mo na ako! maniwala ka sa akin, hindi ko talaga alam na dito ka pala nakatira! " Pagmamakaawa ni Berto na duguan muli ang mukha at katawan.
Ngunit patuloy pa din ang pagsuntok ni Hermie. Hinawakan na ni Dante ang kanang braso ni Hermie at nagkatitigan silang dalawa. Naintindihan naman ni Hermie ang ibig sabihin ni Dante at nilubayan na niya ang dating aswang.
Tumayo naman sa harap ni Berto si Dante at binunot ang tabak sa lagayan nito. Nanlaki ang mga mata ni Berto nang makita ang kinakalawang na talim ng tabak.
Ngunit ginamit ni Dante ang tabak para putulin ang lubid na nakagapos kay Berto. Napalugmok si Berto sa lupa.
"Hindi ka na aswang!" Wika ni Dante. sabay abot niya kay Berto ng kanyang tubig na nasa maliit na sisidlan na yari sa kawayan.
Ngunit tinabig lang ni Berto ang kawayan at natapon lang ang laman nito sa lupa., at hindi nga nakita ni Dante sa mukha ni Berto na natuwa ito.
Hinawakan naman ni Dante ang mga braso ni Berto at inalalayang siyang makatayo.
"Kung may kasama ka pa o kilalang mga katulad mo., sabihin mo sa kanila na wag na wag magagawi dito sa Silanguin. Sa susunod na makita pa kita dito o kahit saan pang lugar., sinisigurado kong mas malala pa diyan ang aabutin mo!" Banta ni Dante.
Nagaalangan pang lumayo si Berto ngunit nang makalabas ng tuluyan sa bakuran ay kumaripas ito ng takbo.
"Hehe, sana lang, balang araw ay maisip niyang mabuti nang nawala sa kanya ang batong ito." Sa isip ni Dante habang tinitingnan ang binhi ng aswang sa kanyang kamay.
Ngunit habang tinititigan ni Dante ang Itim na Bato ay nakaramdam siya ng kakaibang pintig sa kanyang puso at ulo. Tiningnan pa ni Dante ng matagal ang bagay na iyon., hanggang sa magkasabay nang tumitibok ang kanyang puso at pagtibok din ng Itim na Binhi.
"Tinatawag mo ba ako?" Wika ni Dante sa kanyang isipan habang hawak ang itim na binhi.
At inilapag ni Dante ang Itim na Binhi sa isang malaking bato, pagkatapos ay inapakan at dinurog ito.
Pagsapit ng bukangliwayway...
Nagising nalang si Anita dahil sa ingay ng mga hayop na naririnig niya sa kanilang bakuran. Nagtaka siya dahil wala naman silang alagang hayop. Lumabas siya sa kayang kwarto at pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay ay nakita niyang pinapainom ni Dante sa kanilang balon ang mga dala niyang mga alagain.
Isang maliit na baka, dalawang biik, anim na inahing manok na nakakulong sa bilog na basket, at apat na gansa.Isang matamis na ngiti lamang ang naging bati ni Dante sa kanyang ina.
********** Itutuloy **********
BINABASA MO ANG
STAB Epsisode 1
VampireThis is a story about a group of men called Mananabas. Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growing numbers of mysterious and brutal killings., and to make ends meet., these men fearlessly hunt a...