Chapter 4 - Meet The HG's

620 2 0
                                    

"Ge. 'Koy, maiwan muna kita ah. Eh naiwan ko yung Physics Book ko .. Medyo masungit pa naman 'yun si Ma'am."

"Ako na lang kukuha."

Nakaisip na naman ng pampapogi points si Tikoy. Siya na lang daw ang kukuha ng libro.

Napangiti si Sabel.

"Nu ka ba? Ako na lang. Tsaka baka malate ka pa sa susunod mong klase. Ge. Bye! Takits mayang uwian, sabay tayo ha."

"Hays. Sablay na naman. Tyope mo kasi."

Umiiling-iling pa si Tikoy, walang ibang magawa kundi pagmasdan ang papalayong babaeng pinakamamahal niya.

--------------------------------------------------------------------

"Aysh .. nasan na ba yun? Eto lang pala."

Pagkasarang-pagkasara ng locker, nagulantang as in ang ating bida. Halos 'di magkamayaw ang isang pulutong ng kababaihan. Tilian ng tilian, nagtatatakbong parang sinilihan ang mga puwit. Kinikilig .. ika nga Pumi-PBB Teens.

"Ecka. Anong meron?" Tanong ni Sabel sa kaklase't kaibigang si Rebecca Mercado o Ecka.

"Wala ka talagang alam nuh?"

"Kaya nga tinatanong eh."

"Usap-usapan kasi na dito sa Caf naglunch HG's. So alam mo naman, bet ng lahat. And we're taking this opportunity na baka makita namin sila."

"HG's."

"Yes. HG .. H ... G ... " pag-iispell pa niya. "as in Hunks and Gwapos."

Napangiting palihim si Sabel.

"Si Lucas."

"Hay nako. Quiet ka na girl, eto na ata sila .. AAAAAAAAAAAAAAAH."

Halos mabingi naman si Sabel sa lakas ng tili ni Ecka. Pa'no ba naman? Eh lumabas sa Caf ang grupo ng apat na kalalakihan. Na syempre pa, pinangungunahan ni Lucas Del Merced.

"Excuse, excuse .. excuse po .."

Hala sige. Tsk. Tsk.

Nakikipagsiksikan pa ang magkaibigan, hoping to get a chance na makita ang mga crush nila.

Mukhang tinablan na din ng gayuma ng HG's itong ating bida. Lalo pa sa unang lalaking nakakuha sa atensyon ng kanyang mga mata.

"Lucas."

--------------------------------------------------------------------

Samantala kanina sa Caf ..

"Sabi ko naman sa inyo .. wag na dito sa Caf. Tuloy, tingnan niyo .. daming babae sa labas." wika ng pinakabata sa grupo, si Enrico Santiaguel, habang sisilip-silip sa glass door entrance ng Caf.

"Come on Enrico. We all know na gustong-gusto mo naman. Diba mga tol." pang-aasar ni Greg Mendez.

"Minsan iniisip ko kung bakla tong si Eric eh. Hahaha. Ano tol? Beki ka? Aaaah! Baka naman kasi Baby Boy ka pa!" panggagatong pa ni Chad Martinez.

"Manahimik nga kayo." pasigaw na sabi ni Lucas Del Merced.

Sabay-sabay na nanahimik ang tatlo.

"Bakit tol? May na-spot-an ka no?"

"Wala naman Greg. I was just looking at that girl." sabay turo kay Greg at sa buong tropa sa isang babaeng tinulak ng isa pang usisera.

"Bakit Bro? Ha! Don't tell me naaawa ka?" tanong ni Chad.

"I'm just puzzled about her hairclip, parang nakita ko na kasi yun dati."

"Labas na tayo." pag-anyaya ni Enrico.

--------------------------------------------------------------------

"Ayan na silaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Sigaw ng isang babae sa may unahan ng umpukan. Kanya-kanya nang kuhanan ng digicams at cellphones, lahat ay nag-aasam na kahit stolen shot man lang ay makuha sila.

"Uuuuuy, dali na friend. Ayan .. kunan mo ko habang nasa likod ko sila ah."

Gawin ba daw background ang HG's?

"Ecka?"

"Ayos ka lang Sabel? Grabe naman. Manulak ba daw?" sigaw sa babaeng nasa unahan ni Sabel na kanina lang ay itinulak siya. "Naku friend, okay ka lang?"

"Oo. Okay lang ako." nakangiting sabi ni Sabel. "Oh ayan na sila." Sabay turo sa grupo ng kalalakihang lumabas sa Caf.

Unang lumakad si Enrico.

"Yun, yun. Yang nauunang 'yan si Enrico Santiaguel 'yan. Anak ng may-ari ng La Italia, yung sikat na restaurant."

"Ah oo. Alam ko 'yun. Hmmmmmmm."

"Buti naman. 16 years old. Pero kita mo naman ang kilos parang first year. Hahaha. That's why lahat ng may crush sa kanya tinatawag siyang Baby Boy."

"Baby Boy." natatawang pag-uulit ni Sabel habang tinitingnang mabuti si Enrico.

Gwapo. Malakas ang dating pero isip bata. 'Yan si Enrico o Eric. Namana sa yumaong ama ang kakisigan, naaksidente noong bata pa lamang siya. Kaya siguro hindi nagmamature, dahil walang tatay na kinalakihan.

"Girl, yung susunod was my boyfriend. Lol. Walang agawan ah. Hahaha. He's Gregory Mendez. Baka naman he's familiar to you na. Ya know."

"Ummmmmm. Ah! Oo, siya yung model ng school natin di ba?"

"Exactly! Son of the may-ari of .. basta .. haha. They said sila yung nagsusupply sa DM Constructions."

Matangkad sa edad na 17. Gwapo at slim. Puhunan sa pagiging part time model ng school.Gregory o Greg. Ang pinakavain o banidoso sa barkada. At syempre, si Mr. Photogenic.

"Si Charles Darwin Martinez o Chad," ani Ecka nang mapansing tinitingnan ni Sabel ang sumunod na lalaki. "The pinakamatalino and bet ko din siya. He's intelligent yet suuuuuuuuuper hot. Tingnan mo oh, siya pinakamaganda ang katawan. OMG."

Tama si Ecka. Maganda ang katawan nitong si Chad, kahit na medyo nerdy at minsa'y kinaiinisan ng tropa dahil sa pagiging walking encyclopedia, atlas, dictionary, almanac, map of the world at lahat na. Naka-eyeglasses pero hindi nito maaalis ang pagiging gwapo ng binata. Hot geek kung baga.

"Kilala ko yung huli."

Napangiti si Sabel at napatingin kay Ecka.

Mahuhulaan niyo ba kung sino ang nahuhuli?

"Ayy, alam na to," pang-aasar ni Ecka. "Behold the pinakagwapo in the whole wide bakod ng school. Lucas Del Merced, anak ng may-ari ng DM constructions."

"Lucas."

"Ayy, now I know. Si Lucas pala ang bet mo ah!"

"Ecka." nataranta si Sabel nang mapahawak sa buhok niya. "Ecka, nakita mo ba yung hairclip ko? Baka nahulog nung naitulak ako kanina."

"Why? Is it so important ba?"

"Oo naman. Naku, patay. Bigay pa naman sa 'kin ni Sophie yun."

"Eto bang hinahanap mo?"

Napatahimik si Sabel. Hindi siya makakilos. Isang malaking boses ng lalaki ang narinig niya, at mukhang hawak nito ang hairclip na hinahanap niya.

Pero napansin niyang lahat ay nakatingin sa kanya. May nakangiti, may galit, sinusumpa si Sabel, na sana sila na lang ang nakakaranas ng nangyayari.

"Ecka. Anong nangyayari?"

Ngumuso si Ecka para ituro kung sino ang nasa likod na pinanggalingan ng boses.

At sa pagtingin ni Sabel, nagulat siya.

"Lu .. Lucas?"

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon