Chapter 7 - The Angel Slash Devil

412 4 1
                                    

"Ecka .. Tama bang pumayag ako?"

Kanina pang balisa si Sabel. Iniisip niya kung tama bang pagbigyan niya ang demonyitong si Lucas sa hiling nitong magpanggap siya.

"Eh Friendlaloo, tutal para naman ito sa pag-aaral mo tsaka .. hmm .. ah eto na lang, isipin mo para sa lolo dear na lang ni Baby Lucas yung gagawin mo. Parang charity works lang. Tsaka diba sabi mo .. matetegi na din si lolo dear kaya baka sandali lang naman."

"Nakokonsensya ako Friend eh. Pagpapanggap .. kasinungalingan din yun."

"Pero Sabel, wah ka na choice my darling."

"Babawiin ko na lang yung deal. Ayoko na Ecka .. hindi pa nga nagsisimula .. nagi-guilty na agad ako."

"Hindi pwede."

Isang malaki't pamilyar na boses ang nagpalaki sa mata ng magkaibigan.

Yup, tama. Si Lucas.

"Di ba may kasunduan na tayo? O baka gusto mo ulit maghanap ng bagong school at ng bagong sponsor ng tuition mo. Ano? Pili ka Siopao."

Napakagat ng labi sa inis si Sabel. She rolled her eyes at nilingon ang antipatikong naninira ng araw niya.

"Mr. Del Merced. Gawain mo ba talagang manggipit ng tao?"

"No. Especially those who make their promises. Bait ko kaya."

"Sa'n banda? Sa puwet mo? Bwahahahahaha."

Lucas smirked. Yung smirk na parang manyak.

"Bakit Ms. Asado? You wanna see my million dollar and sexy butt?" Sabay himas sa puwet na ikinagulat ng dalaga.

"Eh hindi ka lang pala nuknukan ng sama ng ugali .. bastos ka din!"

"Eh sabi mo sa puwet ko nagmamanifacture ng kabaitan. So I bet you wanna take a look. Or just a peek."

Lumapit ang binata sa dalaga. Lumapit at lumapit. Napaatras ag ating bida at natakot nang malamang lockers na pala ang nasa likod niya.

Lucas kept on walking .. until his face, na sabi niya .. perfect .. ay halos mahalikan na ang labi ng dalaga.

"Lolo wants to see you."

"Ako?"

"Yah. I've already told him 'bout you. I gave him your photo. He said you're nice."

"Aa .. amm .. ang bilis naman."

"I went to the hospital kahapon. The doctor said .. he .. he might undergo some surgery."

Nakita ni Sabel ang lungkot sa mga mata ni Lucas. Totoong totoo. Nangungusap ang mga mata ng binata. Nagmamakaawa.

"Ano bang .. sakit ng lolo mo?"

sa totoo lang, nagulat si Lucas nang bumaba ang tono ng boses ni Sabel. Malamig at maganda.

Napaupo si Lucas sa iron bench na inuupuan kanina ng magkaibigan. Tiningnan niya nang masama si Ecka nang makaupo siya.

"Ah Sabel. Amm alis muna ko ah, mukhang personal yung pag-uusapan niyo. Sige bye. Sa .. sayo din Lu .. Mr. Lucas."

"Bakit ginanon mo na man yung kaibigan ko?"

"Ano bang ginawa ko?"

"Umalis tuloy. Ano bang malay ko kung .. pagtangkaan mo ko dito."

"Yeah. Pagtatangkaan talaga kita. Pagtatangkaang patayin."

"Kita mo na. Yang kasamaan mo, bumabalot sa buong pagkatao mo."

"Brain Tumor."

"Ayy grabe .. tas ngayon gusto mo kong magkatumor sa utak .. Eh ba't hindi kaya tanggalin mo yang toyo sa ulo mo!"

"Tapos ka na? That was my lolo's sakit. May brain tumor siya."

Natahimik si Sabel.

"And now you're quiet as a puppy."

"S .. so .. sorry Lucas. Hi .. hindi ko naman sinasadya."

"I'll forgive you if you'll come with me to my lolo."

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon