Chapter 11 - She's Back

463 5 0
                                    

Nagising si Sabel sa ingay ng bumubusinang sasakyan.

Umaga na pala.

Sapo pa rin ng palad ang kumikirot na sugat sa noo. Bahagya niyang hinila palayo sa gitna ang puti at lumang kurtina ng kwarto niya sa attic.

Oo. Sa attic. Sa itaas ng mansion na kung tutuusin ay dapat nang maging tambakan ng mga lumang gamit.

May kaliitan din ang attic na iyon. Marahil ay sa dami na rin ng gamit na doon na nilagay dahil hindi na mapakinabangan.

Malinis at maaliwalas naman. Makikitang masinop ang dalaga at maayos sa mga gamit.

Nasisilaw pa ng kaunti ang mga mata niya. Pilit na inaaninag kung sino ang dumating.

Isang paa ang bumaba mula sa kotse. Nakapulang stilettos. Kasunod na rin ang isa pang paa at ang ulong natatakpan ng malaking sumbrero.

"Hi Mom."

Bati ng dalagang kababa lang ng sasakyan.

Hindi maaaring magkamali si Sabel.

Ang kanyang kapatid na si Sophie ang dalagang kararating lamang sa mansyon.

Napasadlak sa sahig si Sabel.

Ano kaya ang idudulot ng pagdating ng kapatid mula sa London?

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon