Chapter 8 - Moments and Momentums

351 2 0
                                    

"As in now na Lucas?"

"Grabe. Sige umalis ka na. Ako may klase pa ko."

"Ah. Haha. 'Kala ko ieexcuse mo ko eh." sabay siko sa katabing si Lucas.

"Close? Hahaha. Bakit? Aha! sino bang mag-aakalang tamad din pala sa klase tong Sabel na to. Kaw ha?"

"Uy. Hindi ah. Sobra ka naman. Syempre .. amm konting pahinga lang naman yun lang. Ba't ikaw? Nung first year nga ako lagi kitang nakikita sa Gym. Nagcucutting ka kasi."

Napangiti si Lucas. This time walang bahid ng kasamaan. Purong sayang nararamdaman sa kanyang "First Girlfriend".

Pa-cute pa kung ngumiti itong si Lucas, kakamot kamot pa ng kilay at pipikit nang nakayuko sabay kakagat sa daliri habang nakatingin sa malayo. Bagay na kayang makakuha sa atensyon ninuman. At ngayon, ni Sabel.

"Natural sayo ang pacute no?"

"Ano? Pakyu? Pinapakyu mo ko?"

"Pacute .. C .. U .. T .. E .. Kung anu-anong pinagsasasabi mo."

"So .. na-cucute-an ka sakin?"

Napatingin sa kanan si Sabel. Ramdam niya ang agos ng dugo patungo sa pisngi niya. Nag-iinit. Namumula.

Pasimpleng hinawakan ni Sabel ang dibdib niyang nagwawala. Kakaiba. Maingay at kumakabog ang puso niya.

Dug. Dug. Dug.

"Bakit?"

Sa paglingon niyang iyon kay Lucas ay lalo lamang sumigaw ang puso niya.

Lalo na nang masilayan ni Sabel ang mala-anghel na mukha ng binata. Gwapong-gwapo. At nakangiti sa kanya na parang walang bukas.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

"Namumula ka oh. Okay ka lang ba?"

"Huwag mo kong hahawakan." Sigaw ni Sabel nang magtangkang hawakan ni Lucas ang namumulang mga pisngi.

"Gusto ko lang namang i-check kung okay ka. Namumula ka kas ... Aha. Ammmmmmmm. Bwahahahaha."

Lucas bursted into laughters. He figured it out. Nagbablush ang pisngi ni Sabel. Tumingin siya sa itaas. May gusto kaya si Sabel sa kanya? Hmmmmm.

"Alam kong iniisip mo. Mali ka. Mali. Mali!"

"Wala naman akong iniisip ah."

"Eh ba't ka ganyan makatawa."

"You know what Siopao. I'm already used to it. You don't have to deny. It's okay."

"Ang alin?"

"Na gusto mo ko." sabay nguso at pacute na parang baby.

"Utot mo. Maiwan na nga kita dyan."

Tumakbo papalayo si Sabel leaving naughty Lucas behind. Sana hindi na lang siya nagblush.

Ang love nga naman. :">

--------------------------------------------------------------------

"Sabel. Sabel."

"Kanina ka pa namin niyuyugyog ni Micah. Wala daw si Ma'am. So this means, we have a whole afternoon to relaaaaaaaaaaaaaax."

Kanina pa ngang niyuyugyog nina Micah at Hanna si Sabel. Eh wala naman sa huwisyo tong ating bida.

Pano? Iniisip yung nangyari sa kanila ni Lucas.

"Ah ganon ba. Oh sige. Salamat."

Walang 12-1pm class ang section nila ngayon. Wala si Mr. Tolentino, ang Math teacher nila. May seminar ng 1-4pm ang lahat ng teachers ng English at MAPEH, ang mga susunod na klase ni Sabel. Break naman nila ng 1-2pm. Absent din daw si Ms. Cabral na Social Studies class nila tuwing 4-5pm.

In short. Hayahay ang buhay ngayon.

"Hi Siopao."

Nanlaki again ang mga mata ni Sabel. Alam na alam na niya kung sino ang tumawag at tumabi sa kanya ngayon.

"Di ba may klase ka?"

"Di ba wala si Mam Cabral?"

"Social niyo pala ngayon? So wala talaga siya?"

"Hinde. Nandyan. Cutting lang ako."

"Hindi naman ako nagugulat."

"Aba. Ganyan mo ba talaga itrato ang boyfriend mo?"

At muli, nanlaki ang mga mata niya. Alam niyo na siguro kung bakit.

"Boyfriend? Diba 'pag nasa ospital lang yun?"

"But we have to practice it. Para it'll turn out naturally."

"Eh anong gusto mong gawin ko?"

"I want you to think about what you should call me and what should I call you."

"You mean, tawagan?"

"Exactly."

"Hmmmm. Ano nga bang tatawag ko sayo?"

"Ako kaya, nung tatawag ko sayo?"

"Babu. Babu ang itatawag ko sayo kasi Babuy kaaaaaaaaaa!"

"Ah ganon. Pawee naman tatawag ko sayo."

"Pawee? Nu aya yun?"

"Eh hiyang-hiya naman ako sayo! Hiyang-hiya ako sa Babu mo eh mukha ngang Siopao Bola-Bola yang mukha mooooo!"

"Babu."

"Pawee."

"Che!"

"Che ka din."

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon