Chapter 6 - The Contract

436 2 0
                                    

"Eh Friend. Ba't hindi ka nalang magsorry? Baka mabawasan yung sintensiya mo. Malay mo .. Suspension nalang o kaya CS."

"Huh?! Eh ba't naman ganun? Sana 'wag nalang niyang idamay yung pag-aaral ko dito."

"Imposible. Magsorry ka na lang kasi."

"Ba't naman ako hihingi ng tawad sa antipatikong yun?"

"Oh edi sige. Mamimiss kita Friend."

"Ecka?!"

"Wait. Kalma. Joke lang eh."

--------------------------------------------------------------------

"Gusto kong malaman ang lahat sa babaeng yon. Ipakuha mo nga sa Registrar yung mga files nun."

"Bakit pa? Kawawa naman siya. Hayaan mo na .."

"Ako si Lucas Del Merced, Greg. Hindi ako marunong maawa." at ngumiting may halong kasamaan si Lucas kay Greg. "Kaya kung ayaw mong sa iyo ako magalit, gawin mo nalang ang sinasabi ko, okay?"

"Okay."

"OMG. Friend, ipapakuha na yung files mo. Baka malamn niya na foundation nila yung nagpapascholar sayo."

Kanina pa palang nakikinig ang magkaibigan sa pag-uusap ng dalawa.

"Kailangan nating makausap si Greg Mendez. Magmamakaawa ako kung kailangan."

"Natin? Seryoso ka? Ikaw lang nuh."

"Ecka? Akala ko ba kaibigan kita? Bakit mo naman ako iiwanan mag-isa?"

"Eh kasi .."

"Sige na. Ako na lang mag-isa. Ayoko rin namang madamay ka eh."

--------------------------------------------------------------------

Kitang-kita ni Sabel na ibinigay ng bruhang baklitang staff ng Registrar ang files niya kay Greg. Palibhasa malandi.

"Nakuuuuu. Greg Mendez. Hays. Sabel, makinig ka .. kailangan mong gawin to, okay?"

"Sinong kinakausap mo?"

Nagulat si Sabel. "Uy, hehe. Ikaw pala .. Greg." at tumingin siya sa loob ng office. "Ang bilis mo naman."

"Isabela? Right? Nakita ko sa files mo."

"Ah .. Sabel nalang .. po. Amm .. ano .. po bang gagawin niyo po sa files ko po?"

"Ah .. "

Hindi pa man tapos sa pag-iisip ng palusot itong si Greg ay ..

"Nakuuuu. Sir Greg, o Mr. Greg o Master .. ano bang itatawag ko sayo? Parang awa mo na, please. 'Wag mo nang ibigay yan dun sa mayabang niyong leader .. Eh pinaghirapan ko talagang makapasok sa school na to. Please."

"Greg!"

Isang pamilyar na boses ang namutawi sa hall sa tapat ng office. Isang boses na nagpalaki sa mga mata ni Sabel at Greg.

"Tapos mo na ba yung pinapagawa ko? Ba't mo kasama yang mukhang siopao na yan?"

"Anong sabi mo? Siopao? Sinong tinatawag mong .."

"Sssshh. Dinadagdagan mo lang yung kasalanan mo eh."

Nabigla si Sabel at Greg. Hinila ni Lucas ang folder na nasa kamay ni Greg.

"Hmmmmmmmmm... Isabela Agoncillo, pangit ng pangalan, sing-panget ng may-ari .." sabay tingin kay Sabel nang nakangiti.

"Ser Greg. Eh .. parang awa mo na talaga."

"Wala naman palang something special sayo .. 16 years old .. nakatira sa blah blah .. Scholar ng .."

At yun na nga. Parang gumuho ang mundo ni Sabel nang makitang nakangiti na naman si Lucas.

"Tadaaah! Del Merced Foundation. Bwahahahaha!"

"Lu .. Ser Lucas .."

"I like it. Sir .. Bakit Siopao?"

Napakagat pa ng labi si Sabel .. SIOPAO? Ba't naman sa lahat ng matatawag sa kanya eh Siopao pa?

"Sir Lucas .. eh parang awa mo na .. 'wag mo naman akong iexpel."

"Roman Agoncillo, tatay mo yun diba? Bakit ka naman nag-aapply pa ng Scholarship kung may lumalagong kompanya ng pabango ang tatay mo?"

"Patay na kasi siya eh."

Natahimik si Lucas. Napawi ng lungkot sa mga mata ni Sabel ang mala-demonyo niyang ngiti.

"Eh matagumpay naman ang A Fragrances diba? Greg and I, we use one of your perfumes."

"Marami kang .. po kayong hindi alam. Kaya, gagawin ko po ang lahat basta .. 'wag niyo po akong ieexpel."

"Lahat?"

"Tsaka para mapatawad mo na rin ako. sorry nga pala sa ginawa ko."

"Girlfriend."

"GF? Seryoso ka pre?"

"Yes Greg. I want that Siopao Girl to be my girl."

"Ano? Bakit?"

"Greg. Si Lolo, he's dying. And he wants to see me with a girl. Besides, mukha namang disente tong si Siopao diba?"

"Ba .. Bakit ako?"

"Siopao .. look at all the girls here. Ang chi-cheap. ang wild, outrageous. Sa tingin mo 'pag nagpakilala ako ng ganung babae kay lolo, hindi kaya mapabilis yung taning niya?"

"May taning na ang lolo mo?"

"Cancer. May colon cancer si lolo."

"Nanggigipit ka ba o ano?"

"Sige ka. Ikaw din. Papayag ka ba o hindi?"

Winawagayway pa ni Lucas ang files ni Sabel. Kasabay ang mapang-asar na mukha.

"Matagal ba?"

"Hindi ko alam. Hanggang sa gumaling o mamamaalam si lolo."

"Para sa lolo mo. Deal."

"Talaga? Wala nang bawian yan ah. Deal."

At nagpakawala ng mala-demonyong tawa si Lucas.

"Patay ka." Bulong ni Greg kay Sabel.

A Sister. A Wife. A Mistress.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon